[Trish's POV] Nakabalik na kami sa Manila. Tapos na ang 1 week vacation namin sa Bataan. Back to reality na. Kaya nasa school na ako ngayon. Buti nga at walang quiz or test ngayon kasi paniguradong wala akong masasagot. Nagbakasyon din kasi ang utak ko. Hanggang sa matapos ang klase namin ay bangag lang ako. Walang pumapasok sa isip ko. Dinismiss na kami ng teacher namin kaya inaayos ko na ang gamit ko at ready na akong umuwi ng biglang magring ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang caller. Calling Clyde... Sinagot ko naman ang tawag niya. "Hello?" [Hi! Tara kain tayo sa labas.] "Ayoko nga!" [Boyfriend mo kaya ako.] Oo nga pala boyfriend ko na pala siya. "Eh ayoko nga." sagot ko naman [Bahala ka. Kakain tayo sa labas. Nandito na ako sa school mo eh.] Kainis naman eh! Bakit pa

