[Laureen's POV] Akala ko magiging okay ang bakasyon na to. Hindi pala! Nakakainis! Nasa may gilid ako ng pool ngayon. Nasa may part kami ng resort which is private. So kami lang ang nandito. Nakaupo lang ako sa mga bench dito. Nasa rooms yung iba, nagpapahinga. Ako naman di makapagpahinga. Naiinis ako eh. Kasama ko sa room si Leigh. Tulog ata eh. "Nakabusangot muka mo." napatingin ako sa nagsalita. Si Dex. Umusog ako. Umupo naman siya sa tabi ko pero di naman tabing tabi. Nasa magkabilang dulo kami. "Hmm? Because of Daph, right?" tanong niya Ngumiti lang ako ng mapait sakanya. "Gaya nga ng sabi ko tutal mas malawak pang-unawa mo ikaw na ang umintindi." "Iniintindi ko naman sadyang hindi ko lang talaga kayang intindihin." "Di ko naman alam kung bat nagkaganun yun pero swear di siy

