Unlucky Day

1217 Words
[Trish's POV] "Movie marathon!" napatingin ako sa kakapasok lang na tao sa bahay namin. "Oh?! Nandito kayo?!" nandito kasi sila Fiona. Nagulat ako. "Surprise. Hahaha!!!" sabay sabay na sabi nila "Hindi man lang kayo nagsabi na pupunta kayo." "Tanga! Surprise nga eh." pamimilosopo ni Laureen "Oh tara! Movie marathon nasa kwarto mo!" sabi ni Leigh sabay akyat sa kwarto ko Ganyan talaga sila. Hindi na nagpapaalam. Hahaha! Papasok nalang basta basta kasi kilala nanaman sila ni mama at papa. At actually parang ngang kapatid ko na rin sila kasi kilala kami sa angkan ng bawat isa. Hahaha!!! So ayun! Namili kami ng palabas na gusto namin panoorin. Nagdala kasi ng maraming movies si Leigh. Hmmm? Ano kayang maganda? Pinili ko yung Baby and I na movie. Korean movie siya. Wala lang nacaught niya lang attention ko kasi si Jang Geun Seuk ang bida. Hahaha! "Oh ito nalang!" sabi ko sakanila atsaka itinaas ang napili kong movie "Okay." sagot ni Fiona at inilagay na ang CD sa player So ayun. Pinanood na namin. Nung una nakakatuwa siya pero nung medyo naghihirap na si Jang Geun Seuk naiiyak na kami. Pinapakita niya kasi sa movie na kaya niya maging tatay kahit na mahirap. Nakakatuwang tignan pero nakakaawa rin. Pagkatapos nung movie nag-iiyakan pa rin kami. Nakakatouch kasi eh. Biruin mo nafind out niyang di niya pala talaga anak yun kundi sa kaibigan niya pala tapos siya yung nagpalaki at naghirap. Nakakaiyak talaga!!! You should watch it kung di niyo pa napapanood. Hahaha!! "Grabeng movie yan." sabi ni Leigh habang nagpupunas pa ng sipon niya I was about to choose a second movie ng biglang kumatok si mama sa kwarto ko. "Anak, may bisita ka sa baba." Nagtaka naman ako kung sino ang tinutukoy ni mama na bisita kasi ang alam ko ang mga babaeng ito lang naman ang tyak na pupunta sa bahay namin ng walang paalam. "Sino kaya yun?" panunukso ni Fiona Tinignan ko sila at binigyan ng 'I-Have-No-Idea- look' Bumaba na rin nama ako para makita kung sino ang bisita na sinasabi ni mama. "ANONG GINAGAWA MO RITO?!" totoo ba to o panaginip lang?! Sinampal ko pa ang sarili ko sa harap niya. "Hi!" sabi niya naman "Anong nangyayari? Bakit ka sumigaw? Sino ba yan?" tanong ni Leigh habang bumababa mula sa kwarto ko Ng makababa na talaga siya ay napanganga siya ng makita kung sino ag bwisita! "Anong ginagawa niya rito?" masungit na tanong ni Leigh "Maski ako ay hindi ko alam." sagot ko sakanya "I'm here para ligawan ang kaibigan niyo. Haha. Kaya hihiramin ko na muna siya sainyo." hinila niya ako palabas ng bahay "Bitiwan mo ko!" pagprotesta ko "Sorry pero you need to come with me. Napagpaalam na rin kita sa mama mo. Don't worry!" Wala akong pake kung pinagpaalam mo kooooo!!! Nakakainis promise!! Nagsimula na siyang magdrive. Di ko naman alam kung san kami pupunta eh. Malay ko ba sakanya!!! "San ba tayo pupunta?" tanong ko sakanya pero ngumiti lang siya sakin tsaka tumingin ulit sa harap Ano bang trip nito ni Clyde? Bigla nalang akong hihilain paalis sa bahay. Alam niyo ba kung anong suot ko?! Nakashorts lang ako at simpleng t-shirt. Buti yung short na suot ko ay yung pang-alis ko na shorts. Ang problema lang, nakatsinelas lang akong pambahay. Tumigil naman siya sa isang restaurant at bumaba doon. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya bumaba rin ako. Nakakahiya naman yung suot koooo! Bigla niya lang kasi akong hinila rito. Nakashorts pa man din ako! Nakakahiya! "Anong trip mo? Ang panget ng suot ko ohhh! Bigla mo kasi akong hinila rito!" "It's fine. Date natin to." Date?! Anong date pinagsasabi nito?! Waahh! Di ko kinakaya! "DATE?! WAG KA NGA MAGBIRO NG GANYAN!" "Hindi ako nagbibiro. I'm serious." tinignan niya naman ako ng seryoso. Ang isang casanova nakikipagdate sakin?! Kalokohan! Siguro may balak siyang mangyari. I mean balak niyang mahulog ako sakanya. "Clyde. Wala akong time para makipaglokohan sayo okay? Uuwi na ako." paalis na sana ako ng bigla niya akong hilahin pabalik. "Hindi ka aalis. Magdedate tayo." sabi niya tsaka ngumiti Pumasok na kami sa restaurant. Nakakahiya kasi pagpasok mo makikita mo ang mga eleganteng tao samantalang ang suot ko lang ngayon ay shorts at simpleng shirt. Take note! Nakatsinelas pa ako! "Balak mo talaga akong ipahiya eh noh?! Dadalhin mo ko rito tapos ganto ang suot ko." "Don't worry. Haha. Dun tayo sa office ko kakain." "OFFICE MO?!" napalakas ang boses ko ng magtanong sakanya kaya napatingin ang ibang tao sakin and yung pagtingin nila sakin ay parang may halong pandidiri na parang pinapakita nila na bakit nagpapapasok ng taong walang manners sa restaurant na yun. Porket nakashorts ako ganyan sila tumingin. Tsk! Kaya ko rin naman kumain sa gantong restaurant noh. At hindi ko to first time. Maraming beses na ako kumain sa restaurant. Ngayon nga lang ako hindi nakasuot ng formal eh. Tsk! Mas maganda naman ako sakanila. Nabalik ako sa katinuan ng hilahin ako ng lalaking to papunta sa office na sinasabi niya. At pagpasok namin maraming pagkain ang nakahanda. "Kain ka na." sabi niya sakin tsaka naglagay ng food sa plate ko Kinain ko naman yung nilagay niya. Masarap naman. Tahimik lang kaming kumakain ng bigla niyang binasag ang katahimikan. "Nagkaboyfriend ka na ba?" napatingin ako sakanya ng itanong niya yan "Sana." "Sana? Bakit sana lang?" muka namang nacurious talaga siya sa sagot ko So ayun inexplain ko sakanya ang rason pati na rin ang sinabi ko na ayokong magkagusto sa mga casanova. Sana tinamaan nga siya eh. "Ah. Natakot ka masyadong magmahal." sabi niya atsaka nagsmirk "Makapagsalita ka naman parang nagmahal ka na ah. You only know how to play with a girl's feelings." napatingin siya sakin ng seryoso pagkatapos kong bitawan ang mga saltang yun "You don't know anything." yung mapang-asar na muka niya ay napalitan ng inis base sa pinapakita niyang reaksyon "Totoo naman eh. Kaya mo nga ako dinala rito at hinila makipagdate ay dahil alam mong kaya mo akong paikutin. Tama diba? Kasi una palang nakita mo na ako sa isa sa mga babaeng mapaglalaruan mo." there! Di ko na napigilan ang bibig ko kasi totoo naman eh. Lolokohin niya ako gaya ng ginawa ng ex ni Laureen sakanya. Hindi naman ako laruan eh. At ako? Alam kong casanova siya, magpapaloko pa ba ako. Bigla niyang pinalo ang lamesa kaya nagulat ako. "Leave!" sigaw niya sakin Hindi ako nakagalaw sa pwesto ko ng gawin niya yun. "I said LEAVE!" hindi ko alam pero parang napako ako sa kinauupuan ko dahil sa pagsigaw niya. Napahawak ako ng mahigpit sa shorts ko. Tumayo siya sa kinauupuan niya atsaka ako hinila palabas. Akala ko ay hihilahin niya lang ako palabas ng office niya pero kinaladkad niya ako hanggang sa labas ng restaurant. Nakakahiya kasi nakatingin ang lahat samin. Ni hindi niya man lang ako binigyan ng kahihiyan. Binitawan niya ako ng makalabas kami or should I say bitaw na may kasamang tulak. May nasabi ba akong mali? Lahat naman ng sinabi ko ay totoo. Nakakatakot siya. Bakit ganun siya trumato ng babae? Sana kahit konting respeto lang sakin nagbigay siya. Kahit konti lang talaga. Tatawagan ko sana sila mama na sunduin ako rito pero kung sineswerte ka nga naman!!! Naiwan ko sa loob yung cellphone ko. Hays! Wala akong pera!! Bahala na nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD