Chapter 17

1217 Words

"Aalis ka na? Hindi ka pa nag-aalmusal." Nagluto ng pritong tuyo at sinangag si Laila para sa kaniyang asawa. Paboritong paborito nito iyon ngunit tila nagmamadali ito sa pagpasok sa trabaho. "Sorry, Asawa. May meeting kasi si Boss mamayang 7:00 AM. Alas-sais na kaya kailangan ko nang magmadali." Hinablot nito ang kulay puting polo na nakahanger. Isinuot nito iyon at saka mabilisan na nagbutones. Kinuha rin ang pabango na nakalapag sa tokador saka nag-spray sa buong katawan. Halos ipaligo na nito ang pabango. "Aalis na ako. Mag-iingat ka rito at saka huwag kang magpagod." Pagkasabi no'n ay diretso nang lumabas ng pintuan ang lalaki na hindi man lang siya iniwan maski isang halik. Dati naman ay humahalik ito bago umalis. "Vincent! Sandali!" tawag niya. Nasa gate na ito nang huminto

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD