"Nakakatawa. Sa dinami-rami ng taong puwedeng makakita nang kamiserablehan ko ngayon ay ikaw pa. Ganito ba talagang magbiro ang tadhana?" Malayo ang tingin ng babae. Nakatanaw sa makulay na ilaw ng mga gusali mula sa rooftop ng building na kinaroroonan nila ngayon. Mugto ang mga mata at bakas sa mukha na may pinagdadaanan. "Okay lang naman kung ayaw mong sabihin ang problema mo, basta hayaan mo lang ako na samahan ka." Hindi niya batid ngunit mula nang may mangyari sa pagitan nilang dalawa ay nakaramdam siya ng awa para sa babae. Alam na alam niya ang pakiramdam nang mag-isa sa buhay sapagkat katulad nito ay lumaki rin siyang mag-isa. Nilingon siya ni Romana, "Magkano ang bayad?" tanong nito na sinundan nang mahina na pagtawa. "Libre lang, basta huwag ka nang umiyak. Ang pangit mo k

