Mag-asawang ubod nang lakas na sampal ang pinakawalan ni Yvonne sa mukha ni Eiann. Halos mabingi naman si Eiann at huling pumaling pakanan ang nasaktan niyang pisngi dahil sa lakas ng impact nang pagsampal sa kanya sa kanya ng asawa. Masaganang luha ang bumubuhos mula sa mga mata ni Yvonne. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang matinding sakit na nararamdaman habang nasa harapan siya ni Eiann. Mabilis na napatingin si Eiann kay Yvonne. Nanlalaki ang mga mata nito sa gulat dahil sa ginawa ng kanyang asawa sa kanya. “Bakit mo ako sinampal?” nagtataka at mariing tanong ni Eiann. Hinawakan niya ang namanhid na kanang pisngi. Hindi kaagad nagsalita si Yvonne. Nakatitig lamang ang mga lumuluha niyang mata kay Eiann. “Yvonne-” “N-Nagtiwala ako sayo… s-sobra akong nagtiwala sayo,” garalgal ang

