CHAPTER 10

3240 Words

Pasado alas-onse na ng gabi nang umuwi sa bahay si Eiann. Tahimik ang buong bahay sa pagpasok niya. Tumigil sa paglalakad si Eiann. Nakatayo siya sa bandang gitna. Nilibot niya nang tingin ang buong paligid. Nagbuga nang hininga si Eiann. Samantala… Lumabas mula sa kusina si Yvonne. Naubusan siya ng tubig sa kwarto kaya sa kusina siya kumuha at uminom nito. Napahinto sa paglalakad si Yvonne nang makita niya si Eiann. Natuwa siya dahil umuwi ito ngayon. Tipid itong ngumiti saka dahan-dahang nilapitan si Eiann. “Mabuti at umuwi ka,” nangingiting sambit ni Yvonne na ikinatingin sa kanya ni Eiann. Walang ekspresyon ang mukha ng huli. “Kumain ka na ba? Kung hindi pa ay ipaghahanda kita sandali,” aniya pa ni Yvonne. “Hindi na kailangan,” malamig na pagtanggi ni Eiann sa alok ni Yvonne.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD