Nakatayo si Yvonne sa harapan ng kanyang full body mirror. Nasa loob siya ng kanyang kwarto. Napapangiti ang labi niya dahil gustong-gusto niya ang kanyang nakikita sa salamin. Ngayong araw na gaganapin ang concert event para sa product launch ng bagong skin care line ng Skin Vitamins. Talaga namang pinaghandaan ito ng lahat at kabilang si Yvonne sa naghanda para naturang event. Napakaganda ni Yvonne sa kanyang suot. Naka-pusod ang kanyang buhok na flat na flat at sobrang kintab na tila pina-rebond. Light make-up lamang ang nilagay sa kanyang mukha at light pink lipstick ang inilagay na kulay sa kanyang labi. Suot naman ni Yvonne ang woman plain business suit na kulay cotton candy pink. Napakaganda ng polo blouse na suot niya na may pattern ng magkahalong gold, black, gray at cream. Pin

