Nasa living room ng kanyang bahay si Yvonne. Nakaupo siya ng pa-indian sa sahig habang nakatutok ang mga mata niya sa screen ng kanyang laptop na nakapatong naman sa mababang mesa na nasa harapan niya. Nakasuot lang siya ng kulay puti na lady sando at short-short kaya naman kitang-kita ang kakinisan ng mala-porselana niyang balat at angkin niyang ka-sexy-han. Abala si Yvonne sa pagbabasa ng mga dokumentong ipinasa ng kanyang secretary sa e-mail. Isa-isa niyang pinag-aaralan at iniintindi ang mga iyon na karamihan ay proposals para sa bago nilang products na ilulunsad two months from now. Ilang minuto pa ang lumipas ng medyo humikab si Yvonne. Medyo nakakaramdam na rin ng pagod ang kanyang mga mata at isipan kaya naman inihinto na muna niya ang pagbabasa. Nag-stretch siya ng mga braso at

