Ax's POV Pussycat Club, California "Ready?" sabi pa ni Hiron at Conti na noo'y nakaabang na sa likod ng exit area ng club. "Ready," sabay na sambit ni Lance at Mosillio, hawak hawak nila ang matataas na kalibre ng baril at noo'y parehong naka-bonnet. Sakay ako ng kotse na naka parada lamang sa daan habang nasa gilid si Glory at abalang tinitipa ang laptop na may sensors nilang apat. It's a camera attached on their sleeves at konektado sa mga earpiece na suot nila. Sa pagkakataong iyon, kami ni Glory ang look out sa area at ang monitoring team. "Go!" Sabi pa nilang apat na noo'y pumasok na. Narinig pa namin ang pagtili ng mga taong nandoon. Napadikit ako bahagya kay Glory at sinisipat ang kuhang video coverage mula sa hawak hawak niyang laptop. "Hiron, iyang nasa gilid mo, s

