"bakit ngayon ka lang?" nakaupo ako sa sofa at nakatalikod sakanya habang nakatitig sa tv kahit hindi ko naman naiintindihan yung palabas. "sorry baby, marami akong ginawa" naramdaman ko ang yakap nya saakin at paghalik sa ulo ko kaya tinanggal ko ang kamay nya tsaka tumayo tss. maraming ginawa?! talagang mag sisinungaling ka saakin? pinipigilan kong umiyak dahil sa kasinungalingan na yan. "are you mad at me?" tanong nito, nagsimula na akong maglakad paakyat sa kwarto at naramdaman ko ang paghablot nya sa braso ko at tinitigan ako ng seryoso "why?" "i'm tired X" yun lang ang sinabi ko at marahas na hinablot ang kamay ko narinig ko pa ang pagtawag nya saakin pero hindi ko sya pinansin at agad pumasok sa kwarto tsaka humiga sa kama at nag talukbong. tumulo na ng tuluyan ang luha ko

