Czar's POV Iisa lang ang kwartong ito. At dalawa lang kami ni Minzy ang laging nandito. Sa sofa na ako natutulog at siya sa malaking kama. Kumportable kaya siyang nandito ako? Bakit parang ako ay iba na ang nararamdaman ko? Bakit parang masikip na ang kwartong ito para sa'ming dalawa? Pinukpok ko ang noo ko sa naisip. Ano bang kahibangan ito? Hindi ako ngakakagusto sa babaeng 'yan! sa babaeng mukhang maingay, Mukhang clumsy at makulit. 'di ko kaya type ang mga ganyan! Swerte naman niya kung magustuhan ko siya ng ganito kabilis. Pinagmamasdan ko lang siyang nakahalumbaba sa lamesa. Nakanguso at bore na bore. Bigla siyang napatingin sa'kin. "Huh! Bakit ka nakatingin!" Sabi ko na parang nagulat. Napaatras pa ako sa kinauupuan ko. Ngumuso siya at tiningnan ako ng masama. "Ano ako multo?"

