Czar's POV "So tell me, Why are you here?" Biglang tanong ni Jinky habang malawak ang ngisi. "Tss. 'Wag kang tanong ng tanong." Masungit kong sabi. "Eh, Nasan naman ang magaling mong asawa na si Andrea? Siguro ay nakikipag landian na naman 'yon doon sa customer niyo sa coffee sho----" "Hindi katulad mo si Andrea! 'Wag na 'wag mong tatawaging malandi ang asawa ko! Sa susunod na tatawagin mo siyang ganoon, Hindi lang sampal ang aabutin mo sa akin." Nanlilisik ang mata kong tinitingnan si Jinky habang naka upo siya sa sahig gawa nga ng pagkasampal ko sakanya ng malakas. Gulat na gulat ang mukha niya sa nagawa ko. Mabuti na lang ang wala ang mga bata at nasa taas sila. Tumalikod ako at maglalakad na sana. "Asawa mo nga ba si Andrea? O tawagin na nating...---" "Tumigil ka!" Sigaw ko haba

