Zhander's POV "Lasing ka na, P're. Tigil mo na kaya 'yan. Kanina ka pa lagok ng lagok ng beer diyan. Halos patapos na nga 'yong party ika'y nandiyan pa. Papahirapan mo lang ako dahil ako ang mag aakay sa'yo palabas." Pailing iling na sabi ni Trix. Tinabig ko ang kamay niyang nasa balikat ko. "Tigilan mo ako. Kaya ko pa sarili ko."Sabi ko at lumagok ulit ng isa. Bakit sa dinami dami ng oras, panahon, buwan, E ngayon ko lang siya ulit nakita? Sa pagkakataong ganoon pa? Nananadya ba ang tadhana at balak talaga akong saktan? bullshit! Kung ganoon ang nakatadhana para sakin, Mas mabuti ng hindi ko na lang siya harapin. Mas mabuti ng namatay ako kaysa sa ganito. Pagatataksil. Asawa ko pa naman siya. Hindi niya ba alam na buhay ako at hinahanap siya? sobrang tagal ko siyang hinanap. Ngayong

