“A true friend doesn’t judge each other. They judge other people TOGETHER.” “PROBLEMA mo? Makatawag ka naman sa akin? Close tayo?” taas-kilay na sabi ko habang palapit kay Paul. Yeah, siya ‘yong tumawag sa akin. “About do’n sa nakaraan, it’s all true. I mean it. I love you,” sabi niya sabay abot ng isang puting rosas. Sa ginawa niyang iyon, naging traydor itong puso ko. Nagrigodon ito! O to the M to the G! Anong nangyayari sa akin? Bakit ganito? Naging abnormal ang pagtibok ng puso ko. May heart deficiency ba ako? Baka naman pagod lang ‘to. Syempre, sino bang hindi mapapagod sa pagko-community service. Di ba? “S-so?” I said while stammering. St-stammering? Do I really stammer? Bakit? Ano bang nangyayari? Nagulat ako nang biglang lumuhod siya sa aking harapan. Pakiramdam ko’y humin

