“When you delete his/her number on your phonebook it doesn’t mean you FORGET. It means, you LET GO.” “TWO days of community service,” sabi sa amin ni Zinnia ng Disciplinary Officer. Shemay! Kainis talaga ang araw na ito! Talaga namang may sumpa yan si Paul de Vera na yan! Mula nung kissing (Eww!) scene, napunta ako rito sa Guidance. Sana bangungot lang ‘to! Sana! “But sir, nakita niyo namang si Ericka ang nag-initiate kaya dapat siya lang!” batikos na pahayag ni Zinnia kay Prof. “Yeah, nakita ko nga,” kalmadong sagot niya. Oh no, don’t tell me... “Blame the first one!” With matching turo sa pa sa akin. Paganyan-ganyan ka pa, bakit ako ba ang nauna? Ako ba!? “But, involve ka rin kaya same punishment lang kayo ni Ms. Andromeda. Is it clear, Ms. Granger?” full authority na ang boses n

