Keila
Keila was busy checking the papers of her students. Hindi niya mapigilang mapangiti dahil matataas ang mga score nito. She is happy and nakakalambot sa puso malaman na her students listened to her kahit ang kulit-kulit ng mga ito.
She heard the bell ring.
Napaangat ang kanyang ulo at tumingin sa kanyang estudyante. Kanya-kanyang sakbit na ang mga ito ng kanilang bag. May nagtatalon at kumakanta na rin. Tumawa siya ng mahina at tumayo. Inayos niya ang kanyang pencil skirt before she spoke.
"Okay, my dear babies. See you on Monday and please take care okay?" Malambing niyang tugon. Ngumiti naman ang mga bata sa kanya.
"Goodbye and Thank you teacher Alcantara."
Bago sila lumabas ng kanilang classroom ay tumungo si Keila sa tabi ng pinto. Kindergarten made a line. Ang cucute ng mga ito. She can't help to pinched there cheeks before they leave and kiss her in the right cheek. Their daily routines before they go home.
"Goodbye teacher Alcantara." Kumaway pa ang mga ito sa kaniya and she wave back while they are running in the long hallway.
Napailing-iling na lang siya at napangiti. Lumapit siya sa desk at nagsimulang magligpit ng gamit. Pinasok niya ang mga kailangan niyang dalhin sa shoulder bag at pagkatapos ay isinakbit niya ito. Kinuha din niya ang dala niyang payong in case na baka uulan kahit ang init.
Half day lang siya because kindergarten ang tinuruan niya. Pagkasarado niya sa classroom ay pagdating ng kanyang kaibigan na kapwa teacher din. An elementary teacher. Hindi halatang mahilig sa sila mga bata. Nakatitig ito sa hawak nitong phone habang papunta sa kanya.
"Manang. Nasa gate na si Aglaia." Bungad nito pagdating sa harap niya. Sabay silang tinahak ang mahabang hallway at pathway ng school papuntang gate.
Ang laki kasi ng school and it's a private school. Kinder to college ito. The biggest and famous school in Asia.
They are talking about their normal routine as a teacher hanggang sa nasa gate na sila.
"Good noon, Miss Alcantara and Miss Palma." Bati sa kanila ng isang guard. Sumaludo sa kanila ang isa kaya napatawa silang dalawa.
"Good noon din po sa inyo." Bati niya pabalik. Napalingon naman siya sa katabi dahil walang imik. She's busy with her cellphone again.
Madami ring katulad niyang teacher naghihintay ng masasakyan. May mga parents na hawak ang mga cute na bulilit at mga estudyanteng may kanya-kanyang ginagawa. Hawak ang phones, circle of friends while chitchating at iba pa.
"s**t! Nasa Pilipinas na pala si Flavo."
"Really? Gosh! Sana makita ko siya in person."
"It's impossible hindi nga natin nakita ang may-ari ng school natoh siya pa kaya?"
"It's not bad to hope and dream, prend."
"Wag nalang kayong umasa."
"Dadating din ang araw na may himalang magaganap. Cross finger."
Luminga-linga siya para hanapin ang kaibigan but ni anino wala siyang makita. Nasaan kaya yun? Napaatras siya bigla at hinawakan ang braso ni Rhyannon para umatras din tulad niya ng may huminto sa kanilang harapan na isang tricycle.
"Hi manang and honeybunch." Halos umikot ang kanyang mata at ibato ang kanyang payong dito. The fudge? Ano na naman ito?
"Oh my god! It's that you baby bunch?Anong trip mo sa buhay at bumili ka ng tricycle?" Tanong ni Rhyannon dito. Napahagikhik ang babae at inayos ang malaking salamin sa mata. Nakasuot ito ng maluwag na damit at pantalon. Nakatsinelas pa parang tambay lang ang peg. Nakamessy bun ang buhok nitong magulong-magulo.
"Hindi ko ito binili.Hinaram ko lang to no'. Gusto ko kasing mamasada at kumita na pera. Alam niyo na, taghirap at taggutom na kase." Napailing-iling na lang si Keila sa kaweirdohan ng kaibigan nila. Nauntog na naman siguro ang ulo nito.
"Ewan ko sayo, Agi." Sabi niya lang.
"Hop in mga madam." Sabi pa nito. Unang sumakay si Rhyannon at sunod siya. Kasya naman sila dahil sexy sila. SEXY.
"Here we go."
Nagsimulang mag-Uturn ang tricycle kaya napahawak siya sa gilid nito.
"Algaia. Nandon na ang iba?" Pasigaw niyang tanong dahil ang ingay ng tricycle.
"Hindi pa lahat." Pasigaw ding sagot ni Aglaia. Nagkibit balikat nalang siya at kinuha ang cellphone niya sa bag. Sumandal siya sa upuan at pinatong sa kandungan ang shoulder bag pati narin ang dalang payong niya.
Pagbukas niya dito ay tumumbad ang wallpaper picture nilang magbabakarkada at mga messages. Binuksan niya ito at halos lahat ay galing sa kanila. Kesho daw where na sila bakit ang tagal.
"May load ka, Rhy?" Tanong nito sa katabi kanina pa walang imik. Ganyan kasi yan kapag may hawak na cellphone. Tahimik.
"Namumulubi ako ngayon. See photos nga ako eh. Kainis." Sagot nito. Napailing-iling nalang siya at hindi nalang ito pinansin.
Tulad ni Rhyannon nag-open din siya ng kanyang f*******:. Wala lang trip niya lang baka may messages siya. Napasimangot siyang ni-isa walang nagmesssage sa kanya ng I love you, babe. I miss you. Charot lang wala siyang ganun. 28 years of existing in this world,ni-isa wala. Gurang na nga siya eh. Sa wala eh. Hindi lang naman siya ang wala pati narin ang mga kaibigan niya kaya oks lang. Keri lang.
Huminto sila sa isang karinderya. Agad naman niyang binitbit ang shoulder bag pati narin ang payong. Isinilid niya naman ang cellphone sa bag at inayos ang buhok. Bumaba na rin ang dalawa at sabay silang pumasok sa karinderya. Konti lang ang tao kaya agad nilang nakita ang kaibigan sa mahabaang mesa.
Napatingin ito sa kanila at kumaway. Ngumiti naman siya sa kanila at sumunod kay Aglaia. Tabi sila ni Aglaia at nasa left side niya naman si Rhyannon. Ibinaba niya naman ang bag sa sahig hindi naman dirty kaya ayos lang.
"Musta mga bruha. Long time no see." Bungad ni Jhimer sa kanila. She just frown and nginusuhan.
"Kuripot ka rin no'? Bat di nalang sa restaurant mo? Kahit ngayon lang makakain kami ng masarap." Inis niyang turan dito. Totoo naman. Libre kasi ni Jhimer ngayon. May schedule kasi sila kung sino ang maglilibre kapag magtipon-tipon sila. Napatawa naman ang kasama niya at ang tawa pa ni Jhimer ang nangingibabaw.
"Nagsalita ang hindi kuripot. FYI, malulugi ako sa inyo. Ang lakas-lakas niyo pa naman kumain. Duh! "
"Ang sabihin mo, kuripot ka lang talaga. Ikaw kaya ang pinakakuripot satin. Isang professional chief kuripot? Oh my gosh." Nauumay na epal ni Aglaia. Umirap naman si Jhimer.
"Nagsalita ang owner ng haciendas. Parang walang makakain sa araw-araw. Gala ng gala kahit saan. Tingnan mo, humiram pa ng tricycle hindi pa na hiya."
She can't help to smile parang gaya ng dati lang ang peg. Hindi nagbabago. Kung sino o ano ang mga kaibigan niya noong High School Days ganun pa rin hanggang ngayon.
"Hay jusko ang ingay-ingay niyo parehas naman kayong kuripot. Ang lakas-lakas na ng volume ng cellphone ko rinig ko parin ang mga boses niyong pangit." Inis na inis na pagkasabi ni Clymene. Napatingin siya dito. Nakamessy bun ang buhok gamit ang isang ballpen. Naka-lab gown pa ang gaga habang nakaheadset. May pinapanood na naman siguro.
"Sweety naman eh."
Napalingon sila ng sabay sa pinto ng karinderya marinig ang tawanan mula dito and they saw their two friends laughing with their police uniforms. Napangiti siya at parang maiiyak. Gosh! Hindi niya maiimagine na natupad ang kanilang mga pangarap kahit mula sila sa mahihirap na pamilya at mga kalog sila pero tingnan mo nga naman they are professional now.
"Hi! Bitches." Sabi agad ni Reileigh at umakbay pa sa kanya at kay Aglaia. Napangiwi naman siya sa bigat ng braso nito.
"Hi! Marupoks." Bati din ni Jhiziel at tumabi kay Jhimer.
"Bat wala pang ulam? Gutom na gutom pa naman ako."Dugtong nito.
"Maghintay ka wala pa si Kimarah."
"Ano ba Ziel. Wag ka ngang malikot. Mahuhulog ako dahil sayo eh at please naman gusto kong matapos tong pinapanood ko."
"Eehh sa gutom na ako eh."
Keila was talking to Aglaia about anything. Wala pa naman si Kimarah so ,magchika-chika muna sila. Sa lahat ng kaibigan niya ay si Aglaia and Rhyannon ang pinakaclose niya talaga. Sila kasi ang madalas magkasabay kumain noon dahil ang iba sa labas ng school kumakain while sila sa classroom lang. Magbaon ng kanin at bibili naman ng ulam sa tapat ng school nila which is ang nag-iisang karinderya na malapit sa kanilang school. Hindi niya makausap si Rhyannon dahil busy nga kakacellphone baka about K-pop or w*****d na naman ito kaya si Aglaia ang kinausap niya. Madaldal naman ito tulad niya.
"Kailan mo pinag-isipang manghiram ng tricycle? Naku! Iba ka talaga, Al. Masyado ba talagang naghihirap ang buhay mo?" Labas sa ilong na tanong niya dito. Humalakhak naman ang babae at inayos ang suot nitong salamin.
"Alam mo naman kung bakit diba?" Umiling-iling nalang siya.
"Sa wakas nandito narin ang pinakahihintay natin." Napatigil silang lahat sa pag-uusap at lumingon sa tinitigan ni Ziel short for Jhiziel.
They saw a young woman who wears a fitted stewardess outfit. May hila-hila din itong dark blue na maleta. Halatang galing pa sa eroplano at dumiretso sa kalenderya.
"Sorry if late ako. Kumain na kayo?" Tanong nito at umupo sa sentro ng table waring ito ang nanay nila.
"Hindi na yun bago. You're always late at hindi pa kami kumain."
Everyone was looking at them. A group of girls who had professions in their country. Nakakaproud at nakakainggit tignan. Stunned women.