"Miss Vernice gumising na po kayo?!" dinig kong sabi ni ate Carmela, kasambahay namin.
"Ate 5 minutes pa po, please." hingi ko extension, at nag talukbong ulit ako ng kumot.
"Hindi po pwede senyorita." napabangon ako sa huli nyang sinabi. Pero napabalik ako sa ilalim ng kumot nang bigla niyang buksan ang kurtina ng bintana ko.
"Ate mela naman !" Sigaw ko sa kaniya, narinig ko siyang tumatawa.
"bumangon kana kasi." sabi niya, nagulat naman ako nang hilain niya yung Kumot na nakatalukbong sa akin.
"naman!" padabog akong bumangon at naglakad na papuntang banyo. papasok na sana ako sa loob nang biglang bumukas ang pinto ko at iniluwa nito si Kuya Victor.
"Ve-vernice, ta- tawag ka ng daddy mo" humahangos niyang sabi.
"bakit?..... maliligo pa ako." sabi ko pero huli na ang lahat isinampa niya ako sa balikat niya, ginawa nya akong sako ng bigas?
"HOY! IBABA MO NGA AKO!." sigaw ko habang hinahampas ang likod niya at nag pupumiglas.
Si Kuya Victor ay Pinsang buo ko kapatid, ni daddy ang daddy niya, kanang kamay din siya ni daddy at lagi kong kasama kahit saan ako magpunta as in everywhere, maliban sa banyo.
"May mahalaga daw siyang sasabihin sayo, kaya mamaya na yang kaartehan mo." sabi nya
ano? kaartehan na ba ngayon ang pag ligo?
nanahimik nalang ako at tinukod ko ang siko ko sa balikat niya, tsaka pinatong yung baba ko sa mga palad ko.
mahaba haba pa ang lalakarin namin dahil nasa kabilang bahay ang office ni Daddy. apat na bahay ang nakakapaloob sa compund namin. isang office naming lahat o study area, isang tulugan, isang kainan, at yung maliit na clinic at tulugan ng mga tauhan ni daddy.
to be honest nakakapagod ang ganitong set up, kaya minsan mas gusto ko pang magkulong sa kwarto ko at mag pahatid nalang ng pagkain kaysa bumaba pa at maglakad ng ilang daang metro.
"ibaba mo na ako kuya, maglalakad nalang ako." sabi ko sa kanya nang marating namin ang study hall. binaba niya ako sa tapat ng hagdan paakyat sa second floor ng building.
napalingon ako sa glass window, nakahilera nanaman ang mga sasakyan ng mga bisita nya. nakita ko ang sasakyan nila Lolo kaya panigurado papauwiin nanaman ako sa Luzon ng mga to.
heto nanaman tayo.
sabi ko sa isip ko, sabay bumuntong hininga ako narinig pala ni kuya.
"ok lang yan, next year ikaw na ang susundin namin." lalo akong nairita sa sinabi niya kaya padabog akong umakyat.
narating namin ang kwarto ni daddy opisina nya na din, dahil halos hindi na sya lumalabas dito.
bubuksan ko na sana ang pinto nang.....
"Siya ang susunod na Reyna, at kailangan niyang magsanay as soon as possible." dinig kong sabi ni lolo.
"pa hindi pa siya nag dedebut." pag papa alala ni mama sa kanila.
Ano bang?!
padabog kong binuksan ang pinto.
"Bakit kayo nag mamadali? may kailangan na ba akong patayin?!" sigaw ko sa kanila tsaka inisa isang tinignan ang mga mata at reaksyon nila.
"Hindi niyo ako kailangan pilitin ngayon," naglakad ako palapit sa mesa na ilang taon nang walang nauupo at gumagamit. tsaka ako na upo sa upuan nito. "Dahil, ako lang nararapat sa posisyong ito.!" hinampas ko yung desk kaya napaidtad silang lahat.
Namumuro na tong mga to, konti nalang bi-bingo na tong mga matandang to.
"Kung kailangan kong magsanay, gagawin ko. pero ang utusan akong pumaslang ng wala pa ako sa posisyong ito." tumayo ako tsaka naglakad papunta sa pinto, humarap ako kay kuya Victor.
"Kuya pakihanda ng sasakyan ko pupunta akong Norte." pagkasabi ko nun ay tuluyan na akong lumabas sa kwartong yun. hindi talaga ako nag tatagal sa kwartong yun.
pag dating ko sa kwarto.
"BWUSIT! BAKIT KASI AKO PA!" sigaw ko sabay hampas ng stoll chair sa vanity table ko.
"Hoy! tama na yan magbihis kana lang." nagulat ako sa nagsalita mula sa likod ko, napatingin ako sa gawi nya. Matikas na nakasandal ito sa aking veranda.
"Knight?!" he is Knight Samortin. isa sa mga bestfriend ko at isa ang pamilya nila sa pinaka sikat sa cosmetic industry. and Assasin pala ang buo nilang angkan kahit yung 7 years old niyang kapatid malinis pumaslang.
"kakapalit lang ng Interior mo nagwawala kananaman!" ntatawang sabi nito. tsaka naglakad sya palapit sa akin at may inabot. "Oh! bigay ni Veronica yan. miss ka na ng ate mo." sabay yakap sa akin at tinapik tapik nya ang likod. tinignan ko yung inabo nyang kahon na ngayon ay hawak ko na.
'Ano to? suhol?" sarkastikong tanong ko sa kanya. napangat ako ng tingin sa kanya, nagkibit balikat lang sya at natatawang umilingiling habang lumalabas ng kwarto ko.
Ipinatong ko na muna sa kama ang kulay gintong briefcase at nag umpisa nang mag asikaso.
Nang matapos na ako mag bihis pumasok naman si Ate Mela. kitang kita ko ang pagka gulat sa mukha niya.
"Ano bang ginawa mo dito Vernice?" nanlulumo siyang umupo sa kama." tinapik ko ang balikat niya.
"sorry na ate, paki ayos nalang po ah.!" sabi ko sa kanya. sabay sukbit ng mga mini knife sa baywang at hita ko. sinuot ko na din yung denim jaket ko na kulay lavander. "ah tsaka nga pala ate, pakihanap nung hairpin kong may mga shells ok!" sabi ko sa kanya kinuha ko na yung maleta ko at hand bag at hinablot ko na din yung brief case na bigay ni Knight kanina. "mawawala ako ng ilang araw wag na wag kang magpapapasok ng kahit sino. kahit yung mga matatandang yun, naiintindihan mo ba ate?" tumango naman siya at pinagbuksan na ako ng pinto.
pag labas ko ng pinto nadinig ko naman ang walang tigil na pag bubusina ni Knight.
"BWUSIT !" Sigaw ko sabay padulas sa hawakan ng hagdan ko. sakto naman ang pagpasok ni Lola sa entrane kaya.
"ANASTASYA!" dinig kong sigaw niya, pero diko nalang pinanasin yun dahil nakababa na ako. hinalikan ko lang siya sa pisngi at dumeretso na sa sasakyan ko.
"ang tagal naman!" napalingon ako bigla sa narinig kong boses, antagal na din mula nang huli kong narinig ang boses na yun,
"FRANCE" dinambahan ko siya ng yakap. pero
"Aray!ano ba yang dib-dib mo bakal?" napalayo ako sa kanya.
"ay sorry" sabi ko sa kanya, "kailan ka pa dumating?" galing kasi siya ng Japan para sa isang misyon niya doon. sabay kaming sumakay sa likod ni Knight na ngayon ay komportableng nakaupo sa passenger seat.
"Kanina lang, may aasikasuhin ako sa Zambales. kaya makikisabay ako." sabi nito, si Frane ay kababata ko, rush ko din sya pero ayaw na ayaw nya sa babaeng Amazona.
"sa Hotel nyo.?" nagulat ako nang magsalita si Kuya Victor, pagtingin ko kung saan sya nakapwesto sa drivers seat.
"Hoy! Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.
"kasi andito si Farne." at nginuso pa nga nya si France na nakataas ang kaliwang kamay upang maging senyales ng present.
"Bakit ba?" tanong ko sa kanya. naka simangot akong umayos ng upo at tumingin nalang sa binta. upang kahitpapaano ay mabawasan ang inis ko.
ang laki laki na namin kailangan pa ng babysitter.
bulong ko sa sarili ko.
"baka pag uwi niyong tatlo apat na kayo." pag kasabi nya nun inandar na nya ang makina ng sasakyan.
"Bwusit ka talaga!" di ko na napigilan pa ang sarili ko sa inis kaya sinakal ko sya mula sa likod tsaka tinutukan sya maliit kong kutsilyo galing sa biti ko.
napalingon naman si Knight na abala sa panonood ng kanyang One punch man.
natawa naman silang dalawa ni France sa amin.
"Oh! tama na baka magkalat nanaman ang DNA ni Victor dit Vern, bahala ka madudumihan tong baby mo." awat ni Knight sa akin. hinila naman ako ni France pabalik sa aking upuan.
"OA nman Vern" sabi nya habang hinihimas himas ang kanyang leeg, my maliit na sugat yun kaya medyo nag dugo.
umayos na kaming apat at nagmaneho na di si kuya Victor,ayos lang yan mas malala nung nag tetraining palang kami.
naalala ko nun kasama namin mag training ang Ate ko dahil nga sya dapat ang papasahan ng Korona ni lola kaso nga lang may mga bagay na hindi nya talaga kayang gawin, 22 na si ate halos kasing age lang ni Kuya Victor at Frane, kami naman ni Knight ang mag ka age.
Mahina nag loob ni ate lalo na tuwing ang training namin ay ang pag ngangaso o pag hunting sa mga nagkakautang sa Casino nila Frane upang patayin. ako noon hindi ako pinapasama ni mommy kasi 12 palang ako at ang tinuturo lang sa akin ay basi firing and martial arts.
maya maya pa naramdaman kong.
"Hoy! Ano ba. " naitulak ko si France palayo sa akin kaya nahulog sya napalingon naman yung dalawa sa amin.
"anong nangyari." nag aalalang tanong ni Knight. bumalik naman sa kinauupuan nya si France.
"ah wala lang yun nabigla lang sya nung humiga ako sa hita nya." pagkasabi ni France nun, nag tawanan silang dalawa.
"anong nakakatawa dun?" sabi ko sabay batok sa kanilang tatlo.
"aray naman." sabi ni Knight
"uy Jolobee." pukaw ni kuya Victor ng atention ko.
"order tayo." sabi ni France, naalala ko wala pa pala akong matinong kain mag aalas dose na.
"sige hiken sakin at coke float ah. walng rice fries lang." sabi ko sa kanila. pag daan namin ng Drive tru nakatingin yung mga servie crew sa amin.
"ah, sir artista po ba kayo?" tanong nung isa hindi sila sinagot ni Kuya Victor, kaya
"Gaga, baka poriner?" natawa naman ako sa accent nung isa.
"hindi kami artista pero poriner kami." sabi Knight
"ayyyy! ang gwapo na, ang gwapo pa ng boses." sigaw nung baklang crew.
"sheeeeesh, lalaki ulo nyan." biro ko naman sa mga crew.
"|ang ganda mo rin po, grabe." sabi pa nung bakla sa akin. napangiti naman ako, napansin ko namang nakatingin pala si France sa akin.
"bakit?" tanong ko umiling lang syatsaka inayos ang buhok na nakakalat sa may pisngi ko.
"sobrang haba na ng buhok mo ah wala kang balak pabawasan to?" tanong nya pa.
"ayyyy! ang sweet naman." napalingon naman sya sa Bakla. nakakaaliw naman ang taong to nakakaingit sila. simpleng responsibilidad lang ang ginagampanan nila sa society na ako ang mamumuno balang araw.
"Hoy! order mo." diko namalayang nakatulala na pala ako sa mga Crew.
"may crush ka dun sa bading noh?" pang aasar ni Knight sa akin.
"sira, wala noh." simpleng sagot ko wala ako sa mood makipagbangayan sa kanya.
"aba himala dika na mamaril." sabi ni kuya Victor. napansin nya parin.
"wala, naiingit lang ako sa kanila." sabi ko sabay lingon sa pinangalingan namin.
"gusto mo maging servie crew?" tanong ni France, nasamid naman ako sa tanong nya.
"alam mo ikaw Gwapo ka lang talaga , wala ka talagang utak." sabi ko. nagtawanan naman kaming lahat.
"ano bang iniisip mo?" tanong ni kuya.
sinawsaw ko muna yung fries sa ketchup, tapos kinagat yun, sabay tingin ulit sa pinanggalingan namin.
"naiingit ako sa kanila kasi, nagagawa nila yung mga bagay na gusto nila. at tsaka maliit lang ang responsibilidad na mayroon sila" sabi ko nun tsaka bumalik na sa pagkain.
natahimik naman yung tatlo hangang sa makarating na kami sa Hotel nila France.
"good evening ppo Young Master." bati sa kanya nung manager nila. nkita ko naman syang nagulat nang makita ako.
"ok lang nakisabay lang akpo, hindi sila mag stay dito." sabi ni France.
"bakit na trauma ka na ba sa kanya Leo?" tanong ni Kuya Victor sa kanya. mabilis syang umiling
"gusto kong kumain, pwede ba Leo?" tanong ko dito, napansin kong namutla sya pati nung dalawa nyang kasama.
"anong ginawa mo dito?" tanong ni France.
"kain muna tayo." sabi ko kaya naman nauna na ako sa afeteria ng Hotel. lahat ng Madaan ko nangingilag sa akin.
"dun tayo."turo ko sa may sulok kung saan kita ang papalubog nang araw. sumunod naman silang tatlo sa akin.
"Hoy! kailangan kayo pumunta dito?" tanong ni France nakita kong natatawa na si Knight.
"ah nung .......ARAY!" sinipa ko sya sa paa. "ano ba naman Vern!" reklamo nito.
"wag kasing madaldal." sabi ko napatingin naman ako kay kuya Victor na kinakausap yung mga staff ng Hotel
"kasi naman mothsary nila nung Ex nya, kilala mo si Renz? yung classmate nya." tumango naman si France, hinayaan kong ikwento nya lahat dahil pag kulang o sobra ang maririnig ko todas ang lahi ng Samortin.
"kaso pag dating namin dito nakita nya nakikipag laplapan dun sa isang guest. kaya binaril nya yung dalawa." sabi nya oo pero di ko pinatay ah, di ako masama.
"ano, namantay ba?" hesterikal na tanong ni France.
"Hindi pero baldado na yung lalaki at yung babae naman nsa ibang planeta na ." sagot naman ni Kuya Vitor. "hoy, vern ano daw ang kakainin mo tanong nung mga staff. kaya naman napatingin ako sa mga staff na nasa Catering area.
" anong nandun? may adobo?" tanong ko tumango sya. "yun nalang akin. tapos rice." sabi ko kaya sabay sabay silang pumunta sa Catering. napatingin ako sa sunset.
ang Ganda mo naman, sana hindi ka magsawang bigyan ako lagi ng liwanag.
bulong ko sa isip ko. ang ganda ng view ng dagat dito.
maya maya pa ay dumating na sila at kumain na kami.
matapos namin kumain nag paalam na kami kay France.
"mauna na kami." sabi ko sa kanya niyakap nya ako ng mahigpit.
"I miss you Vern," pagkasabi nya nun kusa na akong bumitaw at pumasok na sa kotse. ganun din yung dalawa.
papaalis na kami nang maaninag ko ang isang pamilyar na babae na lumapit kay France at hinalikan ito, pero hindi ko lang inisip yun.
mayamaya pa nasa Dragons Den na kami, headquarters ko ang isang ito. dito ako nag tetraining at gumagawa ng assessment ng mga tauhan ko. madami kaming trainee ngayon kaya pumunta kami dito. karamihan galing sa school nila Kuya Victor.
"oh ginabi na kayo. kumain na ba kayo?" bungad samin ni manong elmo, guard namin sya dati sa mansyon pero pinalipat ko sya dito para malapit sa kanyang pamilya.
"kumain na po kami tay." sagot ni Knight. "kamusta po dito?" sunud nyang tanong nag tuloy tuloy kaming pumasok hanggang marating namin ang open field kung saan naka hilera ang mga trainee.
"papasukin nyo napo sila, may kukunin lang kami." sabi ko kaya sinenyasan sila ni manong elmo na umakyat na sa kanilang mga baraks.
"tay, pumunta ba si ate dito?" tanong ko pero umiling ito.
"halos kalahating taon ko na syang hindi nakikita sa lugar na ito." sabi pa nya, nang makarating kami sa office ako lang ang pumasok at kinuha lahat ng kailangan ko.
nang makuha ko na ang mag kailangan ko may napansin ako sa table ko.
basa ang bahagi kung saan nakalagay ang penholder ko, hinipo ko yun at inamoy,
tsaa? sino kaya?
lumabas nalang ako tska nag pasama sa gym para tignan yung mga equipment dun.
"tay pag may nasira dito sabihan nyo ako agad ah, o kaya kay Kuya.
maya maya pa nag ring ang phone ni Kuya Victor
"excuse me si tito Valentine." si dad? bakit kaya.
" nahihirapan ba sila sa trainin?" tanong ko kay manong elmo.
"hindi naman maam kaso mayroon pong isang medyo nahihirapan makisabay." sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.
"babae lalaki?" tanong ko ulit
"lalaki po. mahian po sya sa pag memorya ng mga dapat gawin lalao na sa pag assemble ng baril." napatingin naman ako kay Knight.
"ah tay anong name nya?" tanong agad ni Knight kay tay elmo.
"Efrian Mercado, po sir." sabi nito . nag katinginan kami ni Knight sa pangalang binangit ni tay elmo.
"sige na po tay magpahinga na po kayo kami na bahala dito." sabi ko sa kanya tsaka hinatid sya sa labas. nakita ko naman na kausap parin ni kuya si dad over the phone.
nilapitan ko si Knight tsaka Binatukan.
"Ugok ka bakit pinasok ,mo yun dito.!" sabi ko sabay batok sa kanya
"sabi nya gusto ka niya. kaya sinaman ko na sya, nahirapan ako mag hanap ng kapalit ni Renz ea." napahawak nalng ako sa noo ko.
lumabas na kami at nag patuloy sa pag check ng paligid.
malinis at maayos ang mga trainee ngayon.
"Vern uwi na tayo may Emergency." sabi ni Kuya.
kaya naman nagmadali kaming pumunta sa sasakyan ko.
"bakit? anong meron" tanong ni Knight.
"someone needs your punishment." sabi nya sabay kabit ng seatbelt nya.
tahimik lang ako nang ibigay sa akin ni Knight ang tablet nya. isang JApnese news ang isang iyon, at sobrang nakakapanlumo ang kaganapan. pinasabog ang buong disney land at daang daang bata ang namatay.
"sya ang dahilan nyan." sinwipe left ni Knight yung tab nya.
"Kawabe? diba gambler to?" tumango si Knight,. "bakit nya ginawa?" sabi ko tumingin silang dalawa sa akin.
"hindi sya ang may gawa ng pagsabog, pero dahil sa kanya kaya pinasabog ang theme park na yan." sabi ni Kuya Victor.
"ano? sino ba ang may gawa?" hindi sila sumagot kaya binasa ko nalng yung Artile.
"nasa park ang buong pamilya ni Kawabe pero wala sya, nasa office sya ni France at dinidiscuss ang way of payment ng utang nya," pag kukukwento ni Knight "pero hindi nya pinapakinggan si France, itinawag ni France ang siwasyon sa daddy nya, at nagdecide sila nang walang ang approval ng Santillan, which is labag sa batas ng triad." sabi pa nya.
"kaya pina punta nya si Kawabe sa pamilya, nang magkita kita ang buong pamilya, inactivate ni France mismo ang mga bomba na nakakalat sa buong Theme park." sa huli nyang sinabi napaluha ako
"ano? !" sabi ko kumawala sa dib dib ko ang isang hikbi. "b-bakit n-niya ginawa yun?" at tuluyan na akong napa iyak.
ako ang mag papataw ng parusa sa taong gusto ko, sa taong mahal ko.
"vrn tatagan mo ang loob mo, hindi sa sya ang mapaparusahan pero inako nya ang parusa para sa pamilya nya. dahil kung hindi nya gagawin yun pati si Flyn mapaparusahan." nabigla ako sa sinabi nya.
"no.. kuya Flyn is just 3 years old. why!" napahagulgul ako sa kinauupuan ko tumingala nalang ako upang hindi gaano pumatak ang luha ko, pero parang bukal itong hindi mahinto sa pag agos.
naramdaman kong huminti na ang aming sasakyan, hudyat na nandito na kami.
Rules are rules and we will never gonna go against those rules.
sorry France!