SILVANUS' POV
----
Maging mapakali't maingat, nakatingin ako sa TV, inaabangan ang balita. Simula noong nawala ang kapatid ko, araw-araw na akong nanonood dahil hanggang ngayon ay wala pa ring balita mula sa kinikilalang pulis ng aking ama.
BALITA: Isang Mistikong Kagubatan at ang mga Nawawalang Mag-aaral.
The news broadcast showed the crime scene images. Some of the bodies were completely charred and unidentifiable. If the perpetrator of this is to be pursued, it would seem no longer human but a demon without a soul!
News Anchor: Magandang Umaga, Pilipinas. Nagbabalik tayo sa Everhart's University kung saan patuloy pa rin ang imbestigasyon kaugnay ng mga misteryosong pagkamatay. Sa nakalipas na dalawang linggo, apat na estudyante na ang natagpuan; lahat ay walang buhay at nakakalat sa loob ng madilim at malawak na kagubatan sa likod ng eskwelahan. Ngunit mayroon na namang natagpuan ngayon. Isa na namang nakahihindik-hindik na pangyayari! Hindi na natatapos ang pagpatay sa mga inosenteng estudyante.
News Anchor: The victims, identified as Samantha Vegaz and Leonardo Ruiz, showed the same pattern of injury: deep cuts and markings indicative of a very intense struggle. The latest to be found was Sally Sinclair, discovered this morning. The youngest child of a prominent businessman, the married couple Sinclair.
Napatayo ako sa aking kinauupuan dahil sa narinig, pero nanatili akong nakatingin sa TV.
News Anchor: Ayon sa pulisya, hindi pa rin matukoy ang motibo at ang salarin. Ang kagubatan, na kilala bilang "Silent Woods" dahil sa napakatahimik nitong aura, ay pinaniniwalaang protektado ng nakatataas sa paaralan at bihira lang pinapasok. Ngunit, ang lugar na ito ang nagiging huling hantungan ng mga estudyante.
News Anchor: The Headmaster of Everhart's University has already issued a statement and sought the public's cooperation. But, amidst the media pressure, many are wondering-how deep and dark is this secret that this prestigious university keeps? It sends shivers up one's spine to think that the former haven of knowledge has become a cemetery for the youth. We will continue to monitor the situation. We will be back after this short break.
I quickly ran to my mother's room to inform her of what had happened. But as I entered their room, I was met with the sight of my father sitting on the floor, crying, clutching Sally's picture.
"Ma," basag ang boses kong tawag sa kanya. Lalo lamang siyang naiyak. Agad ko siyang nilapitan at niyakap nang mahigpit.
"Ang kapatid mo, Silvanus. Wala na. pinatay nila." umiiyak nitong sigaw habang yakap-yakap ang aking braso. Ramdam ko ang sakit bawat tawag niya sa pangalan ng aking kapatid.
"Sally, anak ko! Patawarin mo ako kung hindi kita natulungan. Patawarin mo ako, anak! Bakit ginawa nila ito sa iyo, mga walang puso." Nakapikit niyang sigaw, habang walang tigil ang pag-agos ng kanyang luha. Humigpit ang yakap ko sa aking ina. Maging ako ay umiiyak na rin dahil sa sinapit ni Sally.
Hindi kami tumigil sa paghahanap. Kahit gabi na, kung saan-saan pa rin kaming pumupunta. Nakailang beses na rin akong pumunta sa school niya at nagmamakaawang tulungan kami sa paghahanap. Nag-request din ako ng mga kuha sa CCTV noong araw na nawawala si Sally ngunit walang aksyon. Dahil pagkatapos daw ng party ay umuwi na lahat ng estudyante, nag-ikot ang security guard at wala na raw itong nakitang estudyante noong gabing iyon.
Nandito kami ngayon sa Morgue, kung saan dinala ang mga bangkay. Tapos na nila itong kuhanan ng DNA-test para sa pagkakakilanlan.
Nanginginig ang aking katawan dahil sa galit habang nakatingin sa bangkay ng kapatid ko. Halos hindi na siya makilala dahil nabura ang kanyang mukha. Nakilala na lamang siya dahil sa suot niyang kuwintas at name tag sa kanyang uniform. Pina-DNA test na rin namin at confirmed, ang kapatid ko ngang tatlong araw nang nawawala.
Naikuyom ko ang aking palad; halos bumaon na ang kuko ko. Hindi ako makapaniwala na sa kapatid ko ito mangyayari. Dati, sa mga balita ko lang napapanood at laging pinapaalala sa aking kapatid na mag-ingat dahil sa paaralan na pinapasukan niya ay laging may pinapatay.
"Sally, wake up! Don't leave Mommy, my child! I'm sorry, we couldn't save you. We got caught, forgive us Sally." Our mother shrieked again and again as she hugged her cold body. Dad was awake by her side.
Ako, tulala, iniisip kung anong nangyari. Dahil isang mabait na estudyante si Sally, ang paalam nito sa amin ay mayroon silang party sa school kaya hindi siya makakauwi ng ilang araw. Ang huling message niya sa akin ay sunduin siya nang maaga sa school. Maghapon akong naghintay ngunit walang Sally na lumabas sa paaralan. Tinanong ko pa ang security guard ngunit wala itong maisagot; tanging kibit-balikat lamang.
Marami nang namamatay, hindi lang ang kapatid ko, pero walang nangyayari. Hanggang sa naibaon na lang sa limot ang kaso.
Parang may mali. Hindi ko matanggap na wala na si Sally. Mahal na mahal namin siya. Graduating na siya ngayon sa Senior High. Dahil sa nangyayaring trahedya, hindi na niya matutupad ang kanyang pangarap. Hindi na namin makakasama ang aking kapatid.
Buong lakas kong sinuntok ang pader. Hindi ko ininda ang sakit dahil wala nang mas sasakit pa sa aking nararamdaman.
Magbabayad ang may gawa nito! Aalamin ko kung anong sekreto ng paaralan na iyon!
Nadatnan ko ang aking ama sa aming living room. Nakikita sa kanyang mga mata ang pangungulila kay Sally. Tahimik akong umupo sa sofang nasa kanyang harap. Hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito, at kahit anong sabihin niya ay buo na ang aking desisyon.
"Dad, I'm transferring to another school. I want to study at Everhart's University. Not as a Sinclair, I would use Carver. Allow me, Dad. I want to know what really happened to Sally." I was serious, explaining it to him; for this reason, he looked at me as if something was wrong with me.
"Nawalan na kami ng anak, gusto mo bang sumunod sa kapatid mo?! Hayaan natin ang batas na gumawa ng aksyon. Huwag kang gumawa ng ikakasira ng pangalan natin!" Galit nitong sigaw sa akin.
Alam kong sariwa pa ang sakit pero walang mangyayari kung magmumukmok rin ako dito.
"Dad, walang batas! Hindi lang kay Sally nangyari ito, may mga nauna pero anong nangyari? Hanggang ngayon ay wala pa ring balita. Malakas ang kutob ko, may ibang nangyayari sa paaralan na 'yan! Dad, ilang inosenteng buhay na ang nawala dahil sa nangyayari. Kailangan nang matigil 'to. Kung hindi nila kayang ilabas ang baho na mayroon 'yang EU, ako mismo ang tutuklas ng misteryong nangyayari!" Katwiran ko sa kanya, dahil ang inaasahan nitong batas ay sarado ang isipan—bulag-bulagan at nagbibingi-bingihan sa hinaing ng mga taong nawalan ng mahal sa buhay.
"Buo na ang desisyon ko, Dad. Hindi ako matatahimik hangga't 'di ko nakukuha ang hustisya para kay Sally!" Pinal kong sabi sa kanya.