Hindi alam ni Silvanus kung bakit siya sumama sa kalokohang iyon ng dalaga. Dahil na rin sa kuryosidad kung ano nga ba ang magiging parusa, napilit siya ni Azzurra. Para silang magnanakaw sa kanilang itsura; dahan-dahan ang kanilang paglalakad habang palabas ng building. Nagulat si Azzurra nang may makita siyang guard na nakatayo sa may pinto.
"Teka, hindi tayo makakalabas. May guard sa labas, kailangan nating mag-isip ng plano," mahina niyang bulong kay Silvanus.
"Anong plano? Sabi ko na kasing mamaya na dapat tayo lumabas," nayayamot na sagot ni Silvanus. Masyado pa kasing maaga para maglibot sila.
"Hindi pwede," agad na sabi ni Azzurra. Kailangan na niyang makalabas para mabili ang gusto nito. Sinabi sa kanya ni Jacques na may sari-sari store dito sa loob at malapit iyon sa may auditorium ng paaralan.
"Ganito, kunwari masakit ang tiyan mo. Oo, ikaw! Para maawa sa akin 'yung guard. Dito kita sa likod ko ilalagay! Kapag tinanong ka sa ospital, sabihin mo sumakit ang iyong tiyan dahil inubos mo 'yung ulam kanina. Expired na pala 'yung mga ingredients na nilagay mo." Paliwanag niya sa binata. Sunod-sunod namang tumango si Silvanus para sang-ayunan ang plano.
"Umarte ka, Kabayo! Sayang ang effort nating dalawa mula sa itaas, " may pagbabanta nitong sabi.
"Silvanus ang pangalan ko, hindi Kabayo!" Pagpapakilala niya sa dalaga.
"Azzurra, 'yan ang itawag mo sa akin. Kung gusto mo, Madam Azzurra." Tinignan lang siya ng binata nang masama.
Sumampa ang binata sa likod ni Azzurra. Halos mapamura naman ito dahil muntik na siyang masubsob. Dahil sa nasa 6'1 ang height ni Silvanus, nagmumukhang lalong kawawa si Azzurra. Hirap na hirap siya dahil iba ang bigat ng lalaki sa babae.
"Lintik, magpagaan ka naman! Anong akala mo sa akin, kagaya mong higante!" Reklamo niya sa binata bago lumakad. Pawis na pawis ito at nahihirapang lumakad.
"K-kuya. tu-tulong." Nahihirapan niyang tawag dahil nabibigatan talaga siya. Pakiramdam niya'y nalalaglag na ang kanyang matres.
"Bakit, anong nangyari?" the guard asked nervously. He immediately went to his side and attended to Silvanus. Azzurra, on the other hand, was panting; it seemed she got so tired easily nowadays. She must need to start her exercise again.
Huminga muna siya nang malalim bago magsalita. "Masakit po ang kanyang tiyan. Ilang beses siyang bumalik sa CR. Tapos, nung huli niyang pagpunta, saktong paglabas sa CR ay nawalan siya ng malay. Bilang isang mabuting dalaga, kahit ang bigat niya'y buong lakas kong binuhat." Pagsisinungaling niyang paliwanag. Umarte pa itong sobrang pagod na pagod at sumasakit ang kanyang katawan.
"Sige, dadalhin ko siya sa ospital. Bumalik ka na sa room niyo," utos ng guard sa kanya. Hindi naman maipinta ang mukha ni Azzurra dahil nagpakahirap siyang magbuhat, tapos pababalikin lang. Gusto namang humalakhak sa tawa ni Silvanus dahil lahat talaga gagawin ng dalaga makalabas lang.
"Hindi po ba ako pwedeng sumama? Umiiyak po siya sa akin kanina na huwag ko siyang iiwan. Takot po 'yan sa tusok ng karayom," muling pagsisinungaling nito. Palihim niyang kinurot si Silvanus.
"Aray ko." Impit na daing niya bago humawak sa kanyang tiyan.
"Sige-sige, sumama ka na," natataranta na sabi ng ginoo. Ngiting-ngiti naman si Azzurra, dahil effective ang kaniyang pag-iinarte.
Pagdating nila sa ospital ay umarte na si Silvanus na sumasakit ang kanyang tiyan. Tinanong ng nurse kung anong kinain. Gaya ng usapan nila ni Azzurra, sinabi niya ang bilin ng dalaga. Nakaupo lang si Azzurra sa waiting area, pinagmamasdan ang bawat kilos ng mga nasa ospital.
Napapaisip ito kung ano na lamang ang ginagawa nila. Hindi naman araw-araw ay may sakit ang estudyante dahil wala namang ibang nakakapasok dito kundi mga nag-aaral lang. Hindi sila tumatanggap ng pasyente mula sa labas, kaya napapaisip siya sa mga nangyayari. Halos lahat ay mukhang busy; may mga tumatakbo pa.
Napatingin siya sa Entrance nang may pumasok. Sumingkit ang kanyang dalawang mata dahil si Don Carrington ang pumasok. May nakasunod sa kanyang apat na men in black, dala-dala ang tig-iisang attache case.
"Ms., anong ginagawa mo dito? Bawal nang lumabas ang mga estudyante, ah!" Sita sa kanya ng isang nurse.
"Nasa emergency ang kasama ko sa room," turo niya sa pinasukan ni Silvanus kasama ang guard kanina.
"Bumalik ka na sa room niyo, dahil bukas pa makakalabas si Mr. Carver," utos nito. Napanguso siya dahil akala niya'y makakasama pa ito sa paggala.
"Sige po babalik na ako, kapag umiyak siya sabihin mong ikaw ang nagpabalik sa akin sa dorm." Tila nangungunsensya pa nitong sagot, umiiling-iling naman ang Nurse bago pumasok sa emergency room.
Tumayo siya sa pagkakaupo at lumakad palabas ng ospital. Tiningin sa paligid si Azzurra, hinahanap ang auditorium ngunit hindi niya ito makita. Nagpatuloy siya sa paglalakad, hindi pabalik sa dorm kundi papunta sa mga classroom.
Maingat ang bawat kilos niya. Bago ito liliko ay tumitingin muna siya sa paligid. Wala naman siyang napansing kahina-hinala dito sa labas. Ang hindi maalis sa kanyang isipan ay si Don Carrington kasama 'yung mga tauhan nito.
Habang naglalakad siya'y nakita na niya ang auditorium. Dali-dali siyang lumakad palapit doon. Sa likod ito nagtungo. Nakita niya doon ang bukas pang tindahan. May malaking karatula sa itaas: Aling Bebang Sari-sari. Tahimik siyang lumapit doon; isang may edad nang babae ang nasa loob.
"Magandang gabi po, Aling Bebang," magalang niya na bati. Nagulat naman ang ginang dahil bakit may estudyante pang pakalat-kalat sa ganitong oras.
"Anong ginagawa mo dito sa labas, bata? Malalagot ka sa headmaster! Hindi mo sinusunod ang rules," may pag-aalala niya na sabi kay Azzurra.
"Nagugutom po kasi ako. Nakalimutan kong bumili kanina. Mabilis lang po, tatakbo na ako pabalik," he said with a pleading tone of voice.
"Ay sige, bilisan mo at baka ako'y malagot! Ano bang pagkain ang gusto mo?" Tanong niya sa dalaga.
"Aling Bebang, pwedeng utang? Nakalimutan ko pala 'yung pera," nakangiti niyang sabi.
"Nalintikan na! Sige, bayaran mo rin bukas, dahil pinapaikot ko lang itong tindahan ko," problemadong sagot ng ginang.
"Sige po, promise, babayaran ko agad bukas," pangako nito. "Isang Gin Bilog at C2 lang po, Aling Bebang," dagdag pa nitong sabi. Napailing ang ginang dahil mukhang mayaman naman ang dalaga pero Gin at C2 lang ang iniinom.
"Ikaw na bata ka! Pinag-aaral ka para makapagtapos, tapos lalabas ka sa gabi para lang dito sa Gin Bilog at C2. Ito, umalis ka na at baka maabutan ka pa ng mga nag-iikot," sermon ng ginang bago ibinigay ang alak at C2. Dali-dali namang umalis si Azzurra. Muntik pa itong mawala dahil hindi niya maalala kung saan ito lumiko kanina.
Pagbalik niya sa dorm ay mabuti na lang wala 'yung guard sa may pinto. Mabilis siyang tumakbo papasok sa loob at sumakay ng elevator. Tuwang-tuwa siya dahil makakainom na ito ng alak; pampatulog niya ito, lalo na't nasa ibang lugar. Nami-mímahay ito kapag unang gabi.
Pagbukas niya sa pinto ng kanilang room ay halos mapatalon siya sa gulat nang makita si Silvanus na nakatayo.
"So ito ang dahilan kung bakit gusto mong lumabas?" Seryoso nitong tanong bago kinuha ang hawak ni Azzurra na alak at C2.
"Iniwan mo pa talaga ako sa ospital! Mabuti na lang naniwala 'yung nurse sa akin kaya nakabalik din agad ako dito. Sa susunod, hindi na ako maniniwala sa iyo! Makasarili ka!" Galit nitong sabi. Nanatili lang na seryoso si Azzurra habang nakatingin sa binata.
"Edi huwag! Ano namang pakialam ko! Akin na nga 'yan!" Mataray nitong sagot. Akmang kukunin niya ang hawak na alak ni Silvanus ay agad na naitaas nito kaya hindi niya naabot.
"Isusumbong kita bukas sa Receptionist!" May pagbabanta itong sabi bago ibigay ang alak at pumasok sa kanyang kwarto.
"Asar, hah! Edi magsumbong siya! Akala siguro hindi ko siya idadawit! Tsk, basta ako nakuha ko na ang aking pampatulog. Gin bilog C2 lang, sapat na," masaya nitong sabi bago umupo sa sofa at sinimulang timplahin ang alak at C2.
She was taken aback when successive knocks on the door echoed.