Silvanus woke up early, pero mas early bird ang dalaga dahil nagugutom ito. Mula pagdating niya dito sa Everhart’s ay hindi pa siya kumakain.
Halos hindi niya malunok ang kanyang niluto. Wala siyang choice kundi kainin kaysa itapon. Napapamura na lang siya sa kanyang isipan. Gusto niyang sumigaw at ipagtatapon ang mga gamit dito sa kusina. Kaso baka magulat si Silvanus, mas dragon pa siya sa receptionist.
Paglabas ng binata sa kanyang kuwarto ay sumingkit ang mga mata nito nang makitang sobrang kalat sa kusina. May mga nalaglag na kanin, balat ng bawang na nasa mesa lang.
Problemado siya kay Azzurra. Ang mga balat ng itlog at hotdog ay nasa lababo lang, pati na ang pinaglutuan nito.
Tiningnan niya kung anong klaseng luto ang ginawa.
Nagsalubong ang dalawa nitong kilay nang makita kung anong nangyari sa niluto ng dalaga. Muli siyang tumingin kay Azzurra na tahimik, pero halata sa mukha nitong hindi masarap yung kinakain.
“Bakit, huwag kang magreklamo diyan! Eh, ano kung sunog? Kinakain ko naman, ah! Eh sa nagugutom na ako, alangan namang gisingin kita para ipagluto ako?” Depensa niyang sita kay Silvanus. Kahit wala pa itong sinasabi, nakikita niya sa mga mata nito ang pagkadismaya.
“First time ko magluto, kaya huwag kang judger diyan! Kung ayaw mong kumain, edi don’t!!” Dagdag pa nitong sabi.
“Ang dami mo namang sinabi!” Malamig na sagot ni Silvanus bago binuksan ang refrigerator para tumingin ng puwede niyang kainin.
Matapos silang kumain dalawa, nagtungo kaagad sila sa kani-kaniyang kuwarto para gumayak, dahil ngayon ang unang pasok nila, at umpisa na rin ng kanilang parusa.
Estudyanteng-estudyante ang itsura ni Azzurra, para bang hindi nakikibag basag ulo. Ngunit si Silvanus naman ay isang lowkey na pogi; siguradong pagkakaguluhan dahil sa lakas ng karisma nito.
“Tsk, walang pinagbago! Mukha pa ring kapre!” Mataray na sabi ni Azzurra habang tinitingnan ang binata.
“Eh ikaw, kahit anong taas ng sapatos mo, pandak ka pa rin!” Hindi nagpapatalong pang-okray niya kay Azzurra.
“Small but turrible, tandaan mo ‘yan.” Nakataas pa ang isa nitong kilay na sabi.
“Terrible ‘yun, hindi turrible! Puro ka alak, wala tuloy laman ‘yang utak mo!” Pagtatama niya sa sinabi ng dalaga.
“Whatever! Wala akong planong mag-aral nang mabuti. Marami naman akong pera!” Pagmamayabang nito. Gusto na niyang suntukin ang binatang nasa kanyang harap. Dahil hindi naman siya T-A-N-G-A, mission ang pinunta niya dito, hindi para makipagpatalinuhan.
Wala siyang dapat patunayan dito, dahil balang araw ay babalik din siya sa dati niyang pinapasukang paaralan.
Lumabas na silang dalawa, seryoso ang kanilang mukha habang naglalakad papuntang elevator. Pinag-aaralan naman ni Azzurra ang mga kinikilos ng ibang estudyante. Masasaya naman ang mga ito, parang walang nangyayaring misteryo.
In an instant, she felt annoyed because pinagtitinginan ng mga babae si Silvanus. Tila gusto-gusto naman nito, ngiting aso, kaya napairap na lamang si Azzurra.
Paglabas nila ng elevator, mukha na agad ni receptionist ang bumungad sa kanila. Seryoso itong nakatingin sa kanilang dalawa. Matamis namang ngumiti si Azzurra na para bang walang ginawang kasalanan kagabi.
“Maganda umaga po, have a nice day.” Magalang na bati niya sa ginang, kaso hindi umubra ang ngiting ipinamalas nito.
“Huwag ninyong kalimutan ang parusa niyo. Mamayang alas-kuwatro ng hapon kayo maglilinis ng banyo,” paalala nito. Tumango naman silang dalawa bago tuluyang lumabas ng building.
"Kapre, anong kinuha mong kurso?" Tanong niya sa binata habang nakatingin sa paligid.
“Information Technology.” That would be a concise answer to that. Azzurra's eyes widened.
“Talaga, same tayo! Ayown, magkaklase pala tayong dalawa.” Tuwang-tuwa nitong sabi. Napabuntong-hininga naman si Silvanus dahil pakiramdam niya’y ang malas nito.
"Mauna ka na sa classroom, may pupuntahan lang ako." Paalam nito dahil magbabayad pa siya ng utang kay Aling Bebang. Baka sa susunod ay hindi na ito makaulit.
Wala namang pakialam si Silvanus. Nagtungo ito sa magiging room niya sa unang klase. Umupo siya sa pinakadulo, pinagmasdan niya ang kanyang mga kaklase. May kanya-kanya silang mga mundo.
Napukaw ang kanyang pansin sa babaeng nakatingin sa kanya. Ngumiti ito.
“Puwedeng magtanong? Bago lang kasi dito,” nahihiya nitong.
“Bago rin ako dito, baka hindi ko masagot ‘yan.” Agad naman niya na sagot. Napatango naman ang dalaga.
"Really? I haven't got the P.E. uniform yet," she said. "Do you know where to get it?" was asked once again to him.
"Kukunin ko rin mamaya, puwede kang sumabay sa akin." Kuminang ang mga mata ng dalaga dahil sa narinig.
"Talaga, maraming salamat. Ako nga pala si Chiara Rubal." Pagpapakilala ng dalaga sa kanya.
“Silvanus Carver,” the two shook hands.
"Wala kang katabi, puwede diyan ako?" Sunud-sunod na tanong ng dalaga sa kanya.
“Sure, no problem. I think Pandak is not coming anyway.” he responds and Chiara immediately switches. Masaya itong tumabi sa kanya.
Maya-maya pa ay dumating na ang kanilang professor, ngunit wala pa si Azzurra. Napailing na lamang ang binata dahil mukhang hindi seryoso sa pag-aaral si Azzurra.
“Nakakalito kasi dito, hindi ko alam ang pasikot-sikot. May mapa namang ibinigay, kaso nalilito pa rin ako,” kuwento ng dalaga sa kanya.
“Ganun talaga kapag bago ka sa isang paaralan, maninibago,” sabi nito para hindi naman mapahiya ang dalaga.
"May kaibigan ka na dito? Sino 'yung kasama mo?" Muling tanong nito.
“Wala pa, ‘yung kasama ko ‘yon sa dorm. Hayaan muna ‘yun, may sarili siyang mundo,” kuwento niya. Napatango naman si Chiara.
“Meron akong kaibigan, kasama kong lumipat dito kaso iba ang kurso niya. Puwede kitang maging friend?” Nakangiti nitong tanong. Walang nagawa si Silvanus kundi tumango.
Tuwang-tuwa naman ang dalaga. Nakinig na silang dalawa sa diskusyon ng kanilang professor. Madaldal ang dalaga, pero mas okay kasama kaysa kay Azzurra na magulo at puro kalokohan lang ang alam.
Habang si Azzurra, nasa tindahan na ni Aling Bebang. Muntik na naman itong mawala. Mabuti na lang 'yung nasa unahan niyang estudyante kanina ay papunta kay Aling Bebang kaya hindi na siya nawala pa.
"Aling Bebang, magbabayad na ako ng kinuha kong C2 gin kagabi." Nakangiti nitong sabi. Napa-kamot ng ulo ang ginang dahil nakita na naman si Azzurra.
"Oh, one hundred fifteen lahat ang nakuha mo." Sagot ng ginang. Nagsalubong ang kilay niya nang black card ang ibigay ni Azzurra sa kanya. Ngiting-ngiti pa ito.
“Pinagloloko mo ba akong bata ka? Sari-sari store itong tindahan ko, hindi mall,” sermon sa kanya ng ginang. Ma-high blood siya nang wala sa oras kay Azzurra.
“Mahigit isang daan lang ‘yung utang mo dito, wala ka bang barya diyan?!” Dagdag pa nitong sermon.
“Wala po eh, card lang po kasi ibinigay sa akin. Puwede po bang padagdag na lang po ulit ako ng isang Coke Mismo at Piattos? Ilista mo na lang ulit, Aling Bebang, kapag umabot na ng mahigit isang daang libo ang aking utang ay babayaran na kita.” Lalong uminit ang ulo ng ginang dahil sa kapilyuhan ng dalaga.
“Oh, ito. Bayaran mo lahat ng iyong utang sa Biyernes. Nako, kang bata ka, ang sakit mo sa ulo!” Binigay na niya ang inutang ng dalaga para umalis na ito.
Hindi niya ito naintindihan, wala man lang itong cash. Ngayon lang siya naka-encounter ng gaya ni Azzurra. Lahat ng nag-aaral dito ay sumusunod sa rules. Wala nang bumibili tuwing gabi sa kanya. Kaya laking gulat nito nang makita ang dalaga kagabi, at inutangan pa siya ng alak.
Masayang umalis si Azzurra dala ang inutang nito kay Aling Bebang, sumeksess na naman siya. Meron naman siyang cash, gusto lang niyang pagtripan ang ginang. At para makabalik-balik siya sa tindahan at meron itong idadahilan.
Walang pakialam si Azzurra kung late na ito sa kanilang klase. Pabalik na siya sa building nilang may kursong Information Technology.
Dahil nasa kalagitnaan na ng klase, hindi na pumasok sa loob si Azzurra. Nanatili siyang nakatayo sa labas ng classroom. Nakita naman siya ni Silvanus, napailing na lamang ito.
Nang matapos ang klase, lumabas na ‘yung kanilang professor, tiningnan siya nito. Ngumiti lang siya. Nang makalabas na si Silvanus ay agad niya itong nilapitan.
"Anong sunod nating klase?" Tanong niya. Bumuntong-hininga na lamang si Silvanus.
“Wala ka bang schedule ng klase mo? Huwag kang laging umaasa sa akin!” Sermon nito. Napairap naman si Azzurra.
“Nakalimutan kong dalhin, napakasungit mo naman! Para magtatanong lang!” Pagtataray nito, bago tumingin sa babaeng nasa tabi ni Silvanus. Muli siyang tumingin sa binata na singkit ang mga mata.
“Kaklase natin ‘yan?”
“Bakit kasama mo? Hindi pa ba siya aalis?” Mahina niyang tanong. Masama naman siyang tiningnan binata.
“Bago lang din siya dito, kaya hayaan mo nang sumama sa atin!” Sagot nito bago tumingin kay Chiara na kanina pa nakatingin sa kanilang dalawa.
“Siya pala ‘yung kasama ko, si Azzurra Larsson.” Pagpapakilala ni Silvanus. Ngumiti naman si Chiara.
“Hi, I’m Chiara, puwede ba tayong maging friend?” Pagpapakilala nito bago ilahad ang kamay. Hindi iyon inabot ni Azzurra. Tinaasan lang niya ito ng kilay bago tinalikuran.
Kahit napahiya si Chiara ay ngumiti pa rin siya. Magkakasama silang tatlo na pumunta sa susunod nilang klase. Wala namang ibang ginawa si Azzurra kundi matulog. Hindi siya pinakikialaman ng binata dahil baka magtalo pa silang dalawa.
Matapos ang kanilang klase, nagpunta sila sa office para kunin ‘yung P.E. uniform nila. Nagpasalamat naman si Chiara. Naiinis namang nakatingin si Azzurra sa dalawa dahil sobrang feeling close ng kaklase nila.
Nagtungo na ang dalawa sa comfort room para magsimulang maglinis.
“Bwisit na buhay ‘to, hindi ako naglilinis sa bahay pero ang kapal ng mukha nilang utusan akong maglinis dito sa comfort room!” Reklamo ni Azzurra habang nakatingin sa nililinisan niyang cubicle.
“Eww, nakakadiri! Hindi ba sila marunong magbuhos? O itapon sa basura itong pinagpalitan nila ng napkin!” Muling reklamo nito, walang pakialam kung meron mang makarinig sa kanya. Binuhusan niya lahat ng tubig bago pinaglalagyan ng Zonrox.
Hindi niya kayang kuskusin kaya bahala na itong pumuti. Masuka-suka siyang lumabas.
“Kasalanan mo ito, Kapre!” Paninisi niya sa binata na halos katatapos lang din maglinis.
“Ikaw ‘yung nag-aya sa akin na lumabas, baka nakakalimutan mo, Pandak!” Pagpapaalala nito.
“Ngayon, alam mo na ang parusa. Siguro naman tumigil ka na sa pandadawit sa akin. Pati ako, nadadamay sa walang kuwentang kagagawan mo!” Malamig nitong sabi sa dalaga. Umusok naman ang ilong ni Azzurra.
“Wow, hah! Huwag mo akong kausapin, kapal mo! Edi magsama kayo ng babaeng pabebe na ‘yon! Simula bukas, hindi na kita guguluhin! Kapre!” Galit niyang sigaw dito bago tinalikuran.
Huminga naman nang malalim si Silvanus. Mas mabuti na ‘yung hindi sila nagpapansinan. Kaysa lagi siyang nadadamay sa kalokohan ng dalaga.
--