Chapter 2

783 Words
Binuklat ko ang papel na laman ng envelope na natanggap ko. Matagumpay akong napangiti dahil alam ko na ang nagpadala ng envelope na ito ay ang lalaking gustong-gusto ni Rina. Nagulat ako na may sulat na pala ako galing sa kanya, e, hindi ko naman siya kilala, at hindi ko pa nakita ang kanyang pagmumukha. Nalaman ko lamang na gusto ito ni Rina dahil minsan na rin niya itong nabanggit. Kumunot ang noo ko nang nakitang kaunti lang ang laman ng sulat. Napairap na lamang ako. From: Mr. Xyrus Herbert Dela Cerna To: Anastasia Hyacinth Ferrer Hello, Miss Ferrer. This is not a formal letter. But I am asking for your hand to marry me and be my wife for at least a year. Your parents already know about this deal. Napangiwi ako. Ano'ng klaseng sulat ito? Tamad ba siyang magsulat? Inis kong inilapag sa lamesa ang papel na halos mapunit ko na. Sana t-in-ext na lang niya. Hindi naman ito sinaunang panahon para magsulat pa ng ganyang kaikling mensahe. Gosh! Because of curiosity, I searched his surname. At halos pera ang pumasok sa utak ko nang nakita ko kung gaano kayaman ang mga Dela Cerna. The richest family in town! s**t! I smirked. Bago pa man ako makapagdiwang ay biglang bumukas ang pinto ng aking kuwarto at iniluwa roon sina mommy at Rina na umiiyak. Kumunot ang noo ko at napatayo. "Ano'ng kadramahang ito?" "M-Mom, she stole the p-paper! Akin i-iyon!" Namilog ang mata ko. "What?" Nang humakbang ako ay agad siyang nagtago sa likod ni Mom. Si Mom naman ay mariin nang nakatitig sa akin kaya tiningnan ko rin siya. "What? You will believe her?" Halos sigaw na iyon. "I can't believe you, Mommy! Hindi mo naman iyan tunay na anak para kampihan!" Nanatiling ganoon lang ang titig ni Mommy sa akin. "Mommy," pagsapaw ni Rina na ngayon ay medyo balisa na. "She even stole my jewelries! Hindi ko alam na may anak ka pa lang magnanakaw, Mommy!" Namilog muli ang mata ko. "What the f**k? Why would I—" "Shut up, Anastasia!" Napasinghap ako at hindi makapaniwalang binalingan si Mommy na ngayon ay nakapikit na. "Mom!" sigaw ko. Huminga nang malalim si Mommy at saka sinenyasan ang mga kasambahay. "Halughugin ang kanyang kuwarto." Nalaglag ang panga ko. "Naniwala ka talaga sa kanya? Bakit naman ako magnakaw ng mga alahas niyang peke?" Matalim akong tiningnan ni Mommy. "Kapag totoo ang sinabi niya, Anastasia, ikinahihiya kita. Wala ka talagang hiya sa pamilyang ito. Iyang mga suot mo, mga damit mo, mga kinain mo, lahat ng iyan ay galing sa daddy ni Rina." Sa likod niya ay ang nakangisi na si Rina. Kumuyom ang kamao ko. "At least for once, mahiya ka naman." "Makapal na ang mukha ko, Mom. At kung may makita man kayo sa kuwartong ito, sigurado ako na plinano iyon ni Rina." "B-Bakit ko naman gagawin iyon?" nauutal niyang tanong at saka tumawa pa. "M-Marami akong pera! I have lots of money! Hindi ko magagawang pagplanuhan ka." "Siguraduhin mo lang dahil kahit isang beses ay hindi ako umapak sa kuwarto mo, Rina. Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin. Wala akong pakialam kung sampid lang ako rito." "Shut up, Anastasia!" At saka nagtungo si Mommy sa may kama ko. Sinundan ko siya ng tingin at kumalabog ang puso ko nang nakita ng isa sa mga maids ang perang inipon ko. Ang perang pinaghirapan ko. "Ano ito?" sigaw ni Mommy sabay tapon sa isang box na may lamang pera. "Nagnanakaw ka ng pera?" Agad akong umiling. "That's mine!" "Yours? Wala kang pera, anak." "I have!" "M-Mom! Hindi pala jewelries iyon. She stole my money!" At dahil hindi na ako makapagpigil ay lumapit na ako kay Rina at saka malakas ko siyang sinampal. "Aray!" Bumulagta siya sa sahig dahil sa lakas ng sampal ko. Dadaganan ko sana siya kaso hinila ni Mommy ang braso ko at saka ako itinulak kaya napaupo ako sa sahig. "Are you okay, Rina?" Kumirot ang puso ko nang nasaksihan ko mismo sa harapan ko kung paano ka-unfair ni Mommy sa akin. Nakita ko na umiiyak na si Rina kaya niyakap ito ni Mommy. Lakas-loob naman akong tumayo at saka kinurap-kurap ko ang aking mga mata para hindi tutulo ang luha. "T-This is my m-money, o-okay?" Nanginig ang boses ko habang unti-unting pinulot ang box na may lamang mga perang inipon ko. "I didn't steal it." At saka tahimik ko itong ibinalik sa kung saan ito nakalagay. Ang tanging narinig ko lang sa buong kuwarto ay ang iyak ni Rina at ang pag-alo ni Mommy sa kanya. Tuluyan nang tumulo ang luha sa aking mga mata kaya agad ko itong pinunasan at tumahimik na lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD