Sumakay kami sa bangka. Kahit masakit pa at pagod na pagod pa ako dahil sa nangyari kagabi, sumakay pa rin ako sa bangka kasama si Xyrus at si Marisol. Nalaman ko na dalawa pala ang bangka ni Tito Felipe at marunong magsagwan si Marisol. I didn't expect it. Hindi ko alam na marunong pala sa ganitong bagay si Marisol. "Ma'am, tahimik po yata kayo ngayon," biglang sambit ni Marisol nang napansin na hindi ako nagsasalita. Hindi ako nagsasalita dahil nag-e-enjoy ako sa ganda ng dagat. I sighed at akmang magsasalita na sana nang naunahan ako ni Xyrus. "She's tired," Xyrus said. Namilog ang mata ko at hindi makapaniwala tiningnan siya. He bit his lower lip and looked at me too. "She's very tired." Uminit ang pisngi ko dahil alam ko na double meaning iyon. Ano ang nangyari sa inosente kong a

