Marisol’s parents invited us for dinner. Hindi ko maiwasan ang manibaguhan. Talagang na-shock ako sa province life. Ibang-iba sa buhay ko sa syudad. "Nakakahiya na mismong mga boss ng anak ko ang nagtungo sa pamamahay namin," ani ni Tita Marites, ang nanay ni Marisol na halos hindi na maigalaw ang kutsara na hawak niya. "N-Ngayon ko lang kayo nakaharap ng personal." "Kahit ako nga po ay nagulat nang sinabi po nila na dito sila magbabakasyon," ani Marisol sabay tingin sa akin. "At siya po ang kinukuwento ko sa inyo, Nay!" Napasinghap ako at napatingin kay Marisol. Ano? Nilalait ba niya ako sa nanay niya? Binalingan ako ni Tita Marites. "Ikaw pala ang Ma’am nitong si Marisol? Palagi ka niyang kinukuwento sa akin. Palagi niyang pinupuri ang kagandahan mo sa akin at kabaitan." Napangiwi

