Xyrus was really serious about his plan. Kung noon ay confident ako na hindi mahuhulog sa kanya, ngayon ay hindi na. Ano ba ang nakikita niya sa akin? Seryoso ba talaga siya? Bukod sa maganda kong mukha, wala nang ibang maganda sa akin.Wala akong pinapangarap na lalaki. All my life, all I ever thought about was money. Kung may huling isasakripisyo man ako, iyon ay ang pera. Inosenteng-inosente si Xyrus sa maraming mga bagay, pero ang kanyang mukha at porma ay salungat na salungat. He doesn’t look like an innocent man. At first glance, he doesn’t look like a workaholic man. Mukha talaga siyang bad boy na dapat kinakatakutan. And doing my mission for money somehow made me feel guilty. Hanggang sa paghiga ko sa kama, iniisip ko pa rin iyon. I wanted to talk to Tita Xera. Gusto kong sabihin

