"Iangat mo pa," utos ko kay Marisol habang inaayos niya ang Hello Kitty na kurtina. "Eh, Ma'am, h-hindi naman kailangan ng kurtina ang glass wall ni Sir, eh," nahihirapan niyang sabi sa akin kasi ang dalawa niyang kamay ay parehong nakaangat. "At saka, Ma'am, baka magalit talaga si Sir nito kasi halos Hello Kitty na lahat, pati ang CR!" Nilakihan ko siya ng mata. "Ako nga ang in-charge dito. At saka ano ka ba, Hello Kitty kaya ang halos design sa kuwarto ko noon." "Eh, Ma'am, pambabae kasi ang Hello Kitty. Baka bet ni Sir ay Ben-10 o hindi kaya spiderman." Ngumuso ako at biglang napaisip sa kanyang sinabi. "Oo nga no. Tama ka." Lumaki ang ngisi niya. "Hindi ba, Ma'am. Tama ako? Makinig ka kasi sa aki–" "Tumahimik ka na riyan at gawin mo ang gusto ko! At saka hindi kailangan ng jowa

