03

1063 Words
Chapter 03 3rd Person's POV "s**t! s**t!" sigaw ni Keith matapos magliyab ang kawali. Agad niya na kinuha ang fire extinguisher. Itinapat niya iyon sa apoy. Napatigil si Keith matapos pati ang mukha ni Bible ay natamaan din at nabalutan ng puting likido. Nakatayo lang doon si Bible at hindi nagre-react. Nagtitigan ang dalawa. Puno ng uling ang mukha ni Keith habang nababalutan naman ng puting likido si Bible na nasa gilid ng table. Biglang tumawa si Keith. Natatawa siya sa mukha ni Bible. Maaga pa lang kasi nagising si Keith at nakita niyang walang breakfast— wala din si Sandro kaya no choice si Keith kung hindi magluto para sa breakfast nila. May nakita si Bible na arina. Nakalagay iyon sa plato. Inabot iyon ni Bible mula sa lamesa inilagay niya ang kamay doon. Nakaupo si Keith sa upuan. Hawak pa nito ang tiyan habang tumatawa. Napatigil si Keith matapos maramdaman ni Keith ang maliit na kamay ni Bible sa mukha niya. Kinukuskos nito iyong harina sa mukha niya. "You are not handsome anymore," ani ni Bible. Ngumisi ang bata. "What! Pumunta ka nga ditong bubwit ka!" Bago pa mahawakan ni Keith si Bible agad na lumusot ang bata sa ilalim ng lamesa. Naghabulan ang dalawa patungo sa sala. Dahil likas na maliit ang batang babae kahit saan sumisingit ito. Bumaliktad si Keith sa sofa. Bumukas ang pinto. Napatigil si Sandro matapos makita ang living room at ang kusina. Nakita niya din si Bible na biglang lumusot sa pagitan ng mga hita niya at nagtago sa likod ng napakalaking vase sa gilid lamang ng pinto. "Keith Pittman!" sigaw ni Sandro. Napatigil si Keith na ngayon ay nakabaliktad. Nakahiga ang lalaki sa sandalan ng sofa at nakatingin kay Sandro. Umuusok ang ilong na lumapit si Sandro sa nakabaliktad na sofa at nakatingin kay Keith. "Sa pagkakaalam ko isa na lang ang bata sa bahay na ito. Anong sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ni Sandro. Sinabi ni Keith na pinaliguan siya ni Bible ng harina. Napasapo si Sandro sa noo. Umupo si Keith at sinabing nagugutom na siya. Walang pagkain sa fridge. "Bakit hindi ka nag-order kahit pizza?" tanong ni Sandro. Napatigil si Keith— nawala sa isip niya. Pagdating kasi ng umaga may breakfast na at kakain na lang siya. Napa-pokerface si Keith at nilingon si Sandro. "Sigurado ka bang maari ako mag-alaga ng bata?" tanong ni Keith. Napa-pokerface si Sandro. "Yes, kailangan mo dahil kapag hindi mo nagawa. Hindi lang si Bible nag ibabalik ko sa orphanage pati ikaw," ani ni Sandro. Nasa 30s pa lang si Sandro ngunit mukha na siyang nasa 80s dahil kay Keith. "Bible," tawag no Sandro at lumingon. Mula sa likod ng malaking vase sumilip si Bible. Tumikhin si Sandro— natulala siya ng ilang segundo. Sobrang cute ni Bible. "Maligo ka na at magbihis ulit," ani ni Sandro. Bahagyang lumabas si Bible at sinabing hindi siya ganoon kabasa. Sayang ang damit. "Marami na akong biniling damit para sa iyo bakit ka naghihinayang. Maligo ka na at magbihis bilisan mo," ani ni Sandro. Napaigtad si Bible. Hinawakan ng bata ang laylayan ng suot na dress at agad na tumakbo pataas ng hagdan. "Ikaw na lang kaya magpakasal sa bata na iyon. Sa iyo lang siya sumusunod," ani ni Keith. Napa-pokerface si Sandro at tinanong kung anong klaseng utak meron si Keith. "Nakikita mo ba ang distansya ng age gap namin na dalawa at isa pa hindi ako mahilig sa bata," ani ni Sandro. Napatayo si Keith at tinanong kung siya ba mukhang mahilig sa bata. "I don't know. Nagkaroon ka na ba ng girlfriend?" tanong ni Sandro. Daig pa ni Keith ang nahulugan ng ilang daang truck dahil sa sinabi ni Sandro. "Bata pa ako. Tiyaka hindi naman required na magkaroon ka ng girlfriend agad hindi ba?" pikon na sambit ni Keith. Nasa loob ng bathroom si Bible. Nakabihis na siya at nakapagsuklay na din. Nakatingin na lang siya sa damit na sinuot niya. Naaalala niya na nagagalit ang mama niya kapag hindi niya agad nilalabhan ang sinusuot niya. Kinuha niya ang mga damit. Tiningnan niya ang paligid ng bathroom. Walang timba doon at gripo. Napatigil si Bible matapos mahagip ng mga mata niya ang bathtub. "Ang yaman talaga nila. Ang laki ng planggana," inosente na sambit ni Bible. Lumapit siya sa bathtub at saktong may tubig doon. Hanggang leeg niya iyong bathtub. Itinapon niya doon ang mga damit. Naghanap siya agad ng masasampahan. Kumakatok si Keith sa pinto ng room ni Bible. "Grrr Bible! You little s**t! Hanggang kailan mo ako pagkakatukin dito! Buksan mo ang pinto may breakfast na!" sigaw ni Keith. Hinawakan niya ang doorknob at napihit iyon. Pumasok siya sa loob. Napataas ng kilay si Keith. Kwarto ba iyon ng 7 years old na bata? Wala 'man lang laruan binili si Sandro. "Wait pake ko ba?" ani ni Keith. Nakita niyang bukas iyong pinto ng bathroom. Lumapit siya at kumatok. Nakatalikod siya siyempre sa mismong pinto. "Little s**t! Nandiyan ka ba? Hindi ka ba marunong magsara ng pinto?" tanong ni Keith na nakakunot ang noo. "Old man, naglalaba ako. Hindi ako makababa," ani ni Bible. Napatigil si Keith at lumingon. "Nasaan ka? At anong naglalaba? Wala dito ang laundry roo—" Napatigil si Keith nang pagpasok niya ng bathroom nakita niya si Bible na parang ibon na nakadapo sa gilid ng bathtub. Nanlaki ang mata ni Keith. "What are you doing!" sigaw ni Keith. Nagulat si Bible at nag-panic. Nakalimutan niyang madulas ang gilid ng bathtub. Nahulog si Bible sa bathtub. Agad na napatakbo si Keith at hinawakan ang bewang ni Bible at inangat. "Sandro!" sigaw ni Keith. Napaubo si Bible. Masyadong mataas at malalim ang bathtub sa isang pang-limang taong gulang ang body feature. Inalis ni Keith si Bible sa bathtub at tumakbo patungo sa shower habang buhat ang bata. Binuksan iyon ni Keith dahil nalagyan din ng sabon ang mata ni Bible. Mangiyak-ngiyak si Bible habang nasa ilalim sila ng shower. "Ayos ka lang ba? Hoy little s**t sagot!" sigaw ni Keith. Hinawakan ni Keith ang braso ng bata habang nakaluhod at tinitingnan ang mukha ng batang babae. "I'm sorry. *huk* Hindi ko na ulit gagamitin iyong malaking timba. Hindi ko sinasadya," ani ni Bible. Nanginginig ang bata habang nakayuko. "Anong pinagsasabi mo? You dimwit— hindi timba iyon. Bathtub ang tawag doon at hindi iyon lugar labahan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD