Chapter 4

1121 Words
Chapter 4 "Danyela?" Nakarinig ako ng ilang sunod sunod na katok mula sa pinto. Papungas-pungas na bumangon ako sa kama at nagtungo sa pinto para buksan iyon. Kinuskos ko ang kanang kamay ko sa mata ko at humikab. "Ano po 'yon?" Tanong ko rito sa pagod na boses. "Good morning!" Napahinto ako sa narinig at kahit na mabigat pa ang tuklap ng mata ko ay sinubukan kong dumilat ng maayos. Hindi ako namamalikmata. Si Sir Liam nga ang nasa harap ko. Siya rin ang bumati sa'kin. Bahagyang kumunot ang noo ko. "S-sir, bakit po?" Nang lingunin ko ang bintana ay nakita kong papasikat palang ang araw. Palagay ko ay alas-singko palang ng umaga. Ano namang kailangan niya? Huwag niyang sabihing mang-aasar na naman siya? Binalot ng iritasyon ang mukha ko dahil do'n. "We're going somewhere." "Nanaman?" May bahid ng inis na tanong ko rito. Huli na nang mapagtanto ko ang sinabi. Napahimas nalang ako sa noo ko. Jusko, heto na naman siya. "Are you still sleepy?" Malamang. Sino bang hindi? Anong oras narin ako nakatulog kagabi dahil sa sama ng loob. Atsaka, masyado pang umaga para gumala. Ano ako, walang kapaguran? Ni hindi pa nga ako kumakain. "Pwede po bang mamaya nalang?" Umiling ito sabay tingin sa wrist watch niya. "No. Maligo kana. Hihintayin kita sa sala." Nang sabihin iyon ay agad siyang tumalikod sabay sara ng pinto kaya wala na akong nagawa. Pabagsak na umupo ako sa kama at nagpapadyak. Sa'n na naman ba kasi kami pupunta? Nang ganito kaaga? Ang lamig kaya ng tubig! Kahit inaantok pa ay kumuha ako ng damit sa cabinet at nagtungo sa cr. Hindi ko alam kung gaano ako katagal naliligo pero hangga't hindi nawawala ang katamaran sa katawan ko ay hindi ako lumabas. Matapos siguro ang kalahating oras ay saka ko lang napag-isipang magbanlaw. Mabilis lang ang ginawa kong pagbibihis dahil panigurado kong naiinip na si Sir Liam sa labas. Siguro ay bugnot na bugnot na ang itsura no'n dahil pinaghintay ko siya. Napahinga ako ng malalim. Ayos lang naman siguro 'yon. Para malaman niya kung ano ang pakiramdam ng naghihintay. "Danyela, ano ba?" Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Sir Liam sa labas ng pinto. Nagmamadaling dinampot ko ang suklay sa ibabaw ng lamesa bago binuksan ang pinto. "What took you so long?" Tila banas na banas na tanong nito. Tulad ng inaasahan ko, mukhang nainip na siya kakahintay sa labas. "Eh kase po— " Napatigil ako sa pagsasalita nang talikuran ako nito. Binasa ko ang ibabang labi ko at sinarado ang pinto 'saka sumunod sakanya. Nang makarating sa sala ay nakita ko roon si Riyo. Otomatikong bumagsak ang balikat ko. Malakas ang pakiramdam kong pagtitripan na naman ako ni Sir Liam. Napairap ako sa hangin bago hinawi pataas ang buhok ko. "Saan po tayo pupunta?" Magkasalubong ang kilay na tanong ko rito habang naglalakad palabas ng bahay. Hindi ito nagsalita at nagdire-diretso lang. Okay. Hindi ko alam na invisible mode pala ako ngayon. Napabuga ako ng hangin at hindi na ulit sumubok na kausapin ito. Baka mamaya ay mapikon lang ako at makalimutan kong boss ko siya. Habang nasa daan ay seryoso lang ito. Ako naman ay hindi alam kung saan ibabaling ang tingin. Nakakailang. Masyado siyang tahimik at tanging ingay lang na nanggagaling sa radio ang maririnig sa loob ng sasakyan. "Where do you want to go?" Biglang tanong nito. Napakunot ang noo ko at tumingin sakanya sa salamin. Bakit ako ang tinatanong niya? Siya itong nag-aya, e. Kung wala naman pala kaming pupuntahan, e' di sana hindi nalang siya nang-aya at nang-gising nang gano'n kaaga, 'diba? "Ewan ko sainyo. Kayo itong gustong umalis, e." Sagot ko rito bago kinuha ang sanrio sa shoulder bag na dala ko para ipusod ang sarili ko. Wala akong dalang suklay kaya hindi gano'n kalinis ang pagkaka-tali ko sa buhok ko. May mga ilang strand rin ng buhok ko ang nagsitakasan at bumagsak sa gilid ng mata ko kaya't hinawi ko nalang iyon sa likod ng tenga ko. Nang magawi ang tingin ko sa salamin ay nahuli ko si Sir Liam na nakatingin sa'kin, nag-iwas ito ng tingin nang makitang nahuli ko siya. Tumikhim siya at ibinalik ang mata sa daan. Hindi na niya ako ulit tinanong pagkatapos no'n. Paminsan-minsan ay sinusulyapan niya ako at madalas ko siyang nahuhuli. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi naman siya nagsasalita. Halos isang oras rin yata kami sa byahe bago niya itinigil ang sasakyan sa harap ng isang malaking bahay. Mas malaki pa sa bahay na tinutuluyan namin at kumpara doon ay mas tahimik at mas malayo ang agwat ng mga bahay dito. Sa tagal kong nakatira dito sa Batanggas, ngayon lang ako napunta dito. Pero, anong ginagawa namin dito? Kaninong bahay 'to? Pa'no niya nalaman ang lugar na 'to? "Ano pong ginagawa natin dito?" "Liligawan kita rito." Mabilis na napalingon ako sakanya sa narinig. Bahagyang nanlaki pa ang mga mata ko at pakiramdam ko ay biglang nanuyot ang lalamunan ko. Ano daw? "I mean, ililigaw kita rito." "Ha?" Umiling nalang ito at hindi na sumagot. Binuksan niya ang gate ng bahay at tuloy-tuloy na pumasok sa loob. Kung may susi siya ng gate, ibig sabihin sakanila nga ito. Pero sino namang nakatira dito? Sumunod ako sakanya at nang pumasok siya sa loob ng bahay ay naiwan ako sa labas ng pinto. Inikot ko ng tingin ang labas ng bahay at hindi ko napigilan ang mapamangha. Mayaman pala talaga sila, ano? Kami kaya, kelan kami magkakaroon ng ganitong bahay? No'ng bata ako lagi kong sinasabi na, 'paglaki ko papagawan ko ng malaking bahay sila nanay,' pero sa tingin ko hindi na iyon mangyayari. Dipende nalang kung mag-aasawa ako ng matandang mabilis mamatay. Kaso wala namang matandang mayaman dito, e. Matanda lang meron. "Danyela, wala ka bang balak pumasok?" Kahit nag-aalangan ay pumasok ako sa loob. Nakita ko si Sir Liam sa sala habang hawak-hawak ang tali ni Riyo. Seryoso rin ang mukha nito habang parang may pinipindot sa cellphone. "Sir, ano pong ginagawa natin dito?" Hindi ko na napigilan ang sariling magtanong. Wala naman kasing tao. Malinis ang bahay, oo. Pero anong ginagawa namin dito? "Dito na tayo titira." "Ano?" Mabilis na tanong ko rito. Medyo napalakas rin ang boses ko dahil sa hindi inaasahang sagot nito. Nagbibiro ba siya? "You heard me right. Dito muna tayo titira, temporarily." Sagot nito at tinaasan ako ng kilay. "Pero bakit?" Tanong ko. Mabilis na dinalaw ang mukha ko ng pagtataka. Bakit biglaan? Saka, hindi pa ako nagpapaalam kay nanay. Alam rin ba ito ni Sir Ruel? "May nangyari lang." Sagot nito at tumayo saka nagtungo sa kusina. Ilang beses akong napakurap. Seryoso talaga siya? Napahilamos nalang ako ng mukha ko. Jusko, ano bang nangyayari?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD