Chapter 3

1318 Words
Napasinghap siya at mabilis na kinurap ang mata ng maramdaman ang pasunod-sunod na paghila sa laylayan ng damit niya. Si Sofia ito ng lingunin niya, naniningkit ang mata nito habang tinitingala siya dahil sa matinding sikat ng araw. Masyado siyang nalunod sa pag-iisip at hindi niya namalayan na kanina pa pala sila nakatayo sa initan, sa harap ng puntod ng ama. Huminga siya ng malalim, nagbabaka sakaling gumaan ng kaunti ang pakiramdam. “Let’s go.” Sabay hila niya ng marahan sa mumunting kamay ng kapatid. Hindi niya alam kung saan sila mapadpad pagkatapos nito. Ito rin ang huli muna nilang dalaw sa puntod ng ama, saka na sila bibisita uli kapag nalampasan na nila ang ilang suliranin. Pagdating nila sa sasakyan ay maingat niyang pinaupo si Sofia sa backseat ng sasakyan at kinabitan ng seatbelt. Ito na lang ang natitirang sasakyan sa garahe nila. Isang pulang Honda Civic. Regalo ito ng ama niya noong 18th birthday niya. Medyo bago pa ito tingnan dahil lampas isang taon niya lamang ito nagamit dahil umalis agad sila ng bansa. Ngunit apat na taon silang nawala kaya kinailangan niya pa itong dalhin sa talyer para masuri. Tatlo dati ang sasakyan nila sa garahe, ibinenta niya ang dalawa pandagdag sa pagpapaburol ng ama. Ang sobrang pera naman ay itinabi niya para sa gastusin araw-araw. Sa ngayon ay paunti-unti na niyang binebenta ang mga gamit sa bahay. Papaalisin lang din naman sila ay mabuting ibenta na niya ang mga bagay na pwede pang pagkakitaan. “Honey, what do you want for lunch?” tanong niya rito habang sinisilip ito sa rear mirror. Minamaniobra niya rin ang sasakyan paalis ng parking lot. “I want a burger and fries.” “Okay.” Tutol man siya sa gusto nitong kainin at hindi na siyang nakipag debatihan pa. Papaliko ang sasakyan papalapit sa gate ng bigla siyang napapreno dahil muntik na nilang makabangga ang isang Range Rover na papalabas din ng simenteryo ngunit sa kabila ito dumaan kaya halos magkatumbukan na sila sa intersection. Nilingon niya agad ang kapatid, gulat na gulat ito ngunit hindi naman gaanong nag panic. Halos mapigil niya hininga sa sobrang gulat. Abala siya sa pagsilip sa kapatid kaya nawala ang atensyion niya sa daan. At isa pa ay kompiyansa siya dahil sila lang naman ang tao dito sa sementeryo at iyong isa pang lalaking natanaw nila mula sa malayo na siya mismong nagmamay-ari ng muntik na niyang mabanggang sasakyan. Malayo naman ito sa panganib dahil hindi naman mabilis ang patakbo niya ngunit siguradong mayuyupi nito ng kaunti ang harapan ng sasakyan niya, and for christ sake, hindi niya kakayanin ang panibagong gastusin dahil lang sa isang katangahan. Idagdag pa na baka ireklamo siya ng lalaki at humingi ng danyos kung sakaling nabangga niya nga ito. Agad niyang ibinaba ang bintana para silipin ang lalaki sa loob ng sasakyan at makahingi na rin ng paumanhin. Tatanggapin niya ang ano mang pagmumura nito dahil wala siya sa mood para makipagtarayan lalo na’t kasalanan niya rin naman. “Are you okay? I’m so sorry.” Hingi niya ng paumanhin dito. Hindi niya nakikita ang loob ng sasakyan dahil tinted ng kaunti ang bintana nito. Ang naaninag niya lamang ang bulto ng isang lalaki. Hindi naman sumagot ang lalaki, bagkos ay inilabas lang ang braso nito sa kaunting awang ng bintana at isinenyas ang kamay na may mamahaling relo sa pulso na ‘okay lang’. “Are you sure?” Hindi na siya muli pang pinansin ng lalaki at pinasibad na ang sasakyan paalis sa lugar. Para namang lumuwag ang paghinga niya. Nilingon niya uli si Sofia. “Are you okay honey?” tumango naman ito at ibinalik ang tingin sa ipad na hawak. Wala na ho ba talagang masosobrang pera kapag naibenta ito lahat. Nasa opisina siya ngayon ni Atty.Valdez at inaasikaso ang mga naiwan ng ama niya pati ang mga pagkakautang nito. Labag man sa loob ay winidraw niya ng buo ang trust fund na iniwan sa kanya ng mommy niya para ipangbayad sa utang ng ama sa casino. Ayon sa nababasa niya sa internet ay madumi ang kalakaran sa mga ganitong bagay. Baka ipapatay siya o ang kanyang kapatid kung hindi siya makapagbayad, kahit pa hindi naman talaga siya ang may utang. Kung tutuusin ay kulang pa ang binayad niya kaya pinasya niyang ibenta ang bahay dahil three-fourth lang naman ang halaga ng kabuohang presyo ng bahay ang inutang ng ama sa bangko. Ang natitira ay maaari niyang ipambayad uli sa casino para mabawasan na ang problema niya. “Naku Amanda, hindi mo na pwedeng taasan pa ang presyo ng bahay at baka umurong pa ‘yon at mahihirapan ka uling maghanap ng panibagong buyer. Kung tutuusin nga ay malaki na ito dahil maganda ang pwesto nitong bahay niyo at nasa exclusive subdivision kaya pumayag sa presyo mo.” Napatango na lamang siya sa abogado. Mawawala nga ang problema niya sa mga utang pero panibagong iisipin niyan na naman ay kung saan sila titira ng kapatid. Mayroon pa naman siyang pera ngunit hindi na ito tatagal ng talong buwan, isama pa ang pambayad ng upa kung sakaling lisanin na nila ang bahay. Dahil limang taon na ang kapatid kaya naipasok niya na ito sa kindergarten, magkakaroon na siya ng pagkakataong makapag apply ng trabaho. Tanggapin kaya siya agad kahit sa edad niyang bente-singko ay wala man lang siyang work experience? Pakiramdam niya tuloy ay parang hindi man lang nabawasan ang mga iniisip niya sa buhay. “O sige po, babalik na lang po ako kapag magpipirmahan na.” tinanguan naman siya ni Atty. Valdez. “O sige hija, kung may maitutulong pa sana ako sa’yo, alam mo namang matalik kong kaibigan si Armando.” Napangiti naman siya sa abogado, kung tutusin ay malaki na ang naitulong nito. Inayos nito lahat ng iniwan ng ama niya ng walang hinihinging bayad at ito din ang naghanap ng buyer para sa bahay. “Sobra-sobra na po ang naitulong niyo attorney. Ako pa nga ang may utang sa inyo.” “Sus Amanda hija, malaki rin ang utang na loob ko sa ama mo. Sinagip niya ang buhay ng anak ko noon at sapat na iyon para matulungan kita kahit sa maliit man lang na paraan. Iyon nga lang ay parang nawala na siya sa tamang landas dahil sa mga nangyari sa inyo.” At malungkot itong napatitig sa mga papeles na nakapatong sa harapan nito. Tumagal pa uli ng ilang minuto ang pag-uusap nila hanggang sa magpasiya siyang umalis na at susunduin niya pa ang kapatid sa eskwela. Tapos na silang maghapunan at napaliguan na rin niya si Sofia, nang mapagpasiyahan niyang halungkatin ang ilang mga kagamitan niya noong hindi pa sila umaalis ng bansa. Medyo spoiled siya noong highschool at marami siyang mga mamahaling damit, sapatos, at bag na maaari niyang maibenta. Sinilip niya muna si Sofia na abala sa ipad habang nakahilata sa kama. Kahit maraming kwarto dito sa bahay magkatabi silang natutulog ng kapatid. Agad niyang pinasok ang walk-in closet at binuksan ang mga cabinet nito. Napangiti siya ng bumungad ang mga mamahaling sapatos, ang ilan dito ay si Samantha pa mismo ang pumili para sa kanya. Tantiya niya ay nasa tatlumpong pares ang nandito. Kinuha niya ang isang pares at sinubukang isuot ito pero napanguso lamang siya ng hindi na kumasiya. ‘Dibale, marami din ang bibili nito dahil sa tatak.’ Sinimulan na niyang ipatong ito napili niyang pwesto at kuhanan ito ng litrato para i-post sa internet. Nang matapos siya ay isusunod niya sana ang mga bag pero nakuha ng interes niya ang patong-patong na mga kahon sa isang cabinet na nabuksan niya. Sa pagkakaalala niya ay mga alaala niya ito noong highschool siya. Ang iba naman dito ay mga regalo ng mga manliligaw niya at mga naiwan niyang alaala ng mommy niya. Kinuha niya ang puting kahon, alam niyang mga mahahalagang gamit ng ina niya ang nakalagay dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD