Napatingin dito ng ilang segundo si Chelsea na kasalukuyang kinakabahan sa tanong nito. Bigla niyang naalala ang payo sa kaniya ni Audris noong nasa gubat sila at nang makapunta sila ng Gorgones. Natawa na lamang si Chelsea upang hindi nito mahalata na kinakabahan siya. "A-Ahh, ayoko kasing may nakakakita ng beywang ko kapag lumalangoy. May sugat kasi ako dito." "Hmm..." Pinaningkinitan siya nito ng tingin at mahinang napatango-tango. Napakamot naman sa kaniyang ulo si Chelsea habang tumatawa. "Promise, hindi mo gugustuhin pag nakita mo sugat ko. Ang pangit parang inaano balat ko." Napatingin ito sa kaniyang mga kasama at tila nagtataka lamang si Jayden at blangko lamang ang ekspresyon ni Lorraine sa kaniyang mukha. Alam ni Chelsea sa sarili niyang hindi siya ganoon kagaling magsinung

