“Oh? Saan kayo galing? Hindi ba kayo naidlip saglit? Sayang paalis na tayo eh.” Humikab si Jason habang umuunat-unat. Mula naman sa hindi malayo ay palapit na sa kanilang direksyon sina Jayden, Audris, at Hesly na para bang hindi maipinta ang mga mukha. Natigilan saglit si Chelsea at napatingin sa mga ito nang makita niya ang mga itsura nito. “Ayos lang ba kayo?” Nagtatakang tanong ni Chelsea at napahinto sa kaniyang pagliligpit ng sleeping bag ni Jayden. Napahinto rin ang iba sa kanilang pagliligpit ng kanilang mga gamit at napatingin sa tatlong kararating lamang. Nagtataka ang mga ito sa mga ekspresyon nito ngunit natawa na lamang sa isang gilid si Lorraine at nang makita siya ng mga ito ay pilit niyang pinipigilan ang kaniyang tawa. “Jayden?” Binitbit ni Chelsea ang sleeping bag

