Napalingon si Chelsea sa kaniyang likuran ngunit hangin lamang ang sumalubong sa kaniya. Nagtaka naman ito kung bakit at napalingon-lingon muli sa kaniyang paligid ngunit hindi niya ito makita. “Carlo?” Tawag nitong muli dito. Ramdam niya ang pagkadesperado niya makita lamang ito at makausap. “I’m here.” Bumaba ang mga tingin ni Chelsea sa karagatan at nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita niya ito sa ilalim ng tubig. “Carlo! A-Anong ginagawa mo diyan?” Natatarantang tanong nito at lumuhod upang lumapit dito. “Come here...” Nanghina ang kaniyang mga tuhod at nanlambot ang kaniyang puso nang makita niya itong nginitian siya. Nginitian niya itong pabalik at ramdam niya ang tuluyang pag-agos ng kaniyang mga luha habang inaabot ito sa tubig-dagat. “C-Carlo...” Mahinang tawag

