"So where is Faragis?" Tanong ni Audris kay Roberto. Naaagaw ng mga ito ang mga atensyon ng mga sirena habang dinadaanan nila ang mga ito marahil patungo sila sa kabilang bahagi ng isla kasama si Roberto. Hindi pa rin makapaniwala sina Chelsea sa mga sirenang nakapaligid sa kanila marahil may mga paa pala ito. Ang buong akala nila ay pagkarating na pagkarating nila ng Gorgones ay sasalubingin sila ng mga magaganda at nagsisigwapuhang mga sirena na naglalaro sa dagat o kaya naman naglalaro ang mga ito sa tabing-dagat kagaya na lamang ng mga napapanood ni Chelsea noong nasa Mortal Realm pa siya. "Don't call him Faragis. He is our King, have respect." Saad naman ni Roberto na may malalim na boses. Natawa na lamang sa kaniyang isipan si Audris at hindi na muling nagsalita. Nalagpasan ng mg

