“Goodbye!” Tuwang-tuwa sila nang kawayan sila ng mga Fairies at batiin ang mga ito na kasalukuyang patungo sa tulay. Kinawayan naman ito pabalik ng mga Dexra Evenfalls habang nagagalak sa kanilang natatanaw na masasayang mga mukha ng mga Fairies. Matapos ayusin ng Dexra Evenfalls ang Neraida at tulungan ang mga Fairies ayusin ang kanilang mga tahanan, malaki ang pasasalamat ng mga ito sa mga Dexra Evenfalls na bisita ni Titiana. Nailibing na rin nila ang mga patay na katawan sa labas ng barrier at binigyan sila ng mga Fairies ng mga regalo at souvenirs upang kanilang dalhin sa kanilang paglalakbay. Medyo naaawa lang nga ang mga ito marahil nawalan ng mata ang Reyna ng mga ito nang dahil sa kanila. Mula sa Fairy Tree ay tanaw nila si Titiana animo’y nakatingin sa kanila marahil nakahara

