"Wait, you mean he managed to get out of this Laby-thingy?" Hindi makapaniwalang tanong ni Hesly dito. Kahit naman ako na nanditong tahimik lamang ay hindi makapaniwala na nakaalis ng time-loop si Jason samantalang kami nandito at parang nai-stress pa sila na baka matagalan kami dito sa loob ng labyrinth. "I wouldn't believe in such theory, but I think I could not disagree with your statement." Lorraine seconded. Tinignan ko lang ang mga ito na naguusap-usap marahil hindi ko alam kung may maitutulong ba ako sa kanila pag nagsimula akong magingay. At saka, hindi pa 'rin nagproproseso sa utak ko 'yung sinasabi nilang nawawala si Jason at siguro daw ay nakaalis siya ng Labyrinth. Pero paano naman niya 'yon magagawa eh kani-kanina lang kasama namin siya eh? "Maybe there's a passageway?"

