Bumagsak mula sa damuhan si Hesly at nagpakawala ng malakas na hangin. Pumunta naman sa kanilang kinaroroonan sina Jason at Charles upang tignan ang kalagayan nila. "An Angel? What the actual f**k?" Hesly asked due to exaggeration. Hindi makapaniwala ang iba sa kanilang nakita kani-kanina lamang. They never saw an angel once and now, they are proclaiming a fight against it. "Audris? Okay ka lang?" Lumapit si Chelsea papunta sa direksyon nito nang makita itong nahihirapan sa kaniyang paa. "I could have defeated, Abaddon. Yet, I didn't." Pinilit nitong tumayo mula sa kaniyang kinauupuan ngunit bigla lamang ito natumba dahil sa sakit ng kaniyang bali na paa. Hinawakan naman ito ni Chelsea sa likod upang alalayan ito. "W-Wag ka munang gagalaw, baka mas lumala. B-Binali ba 'yang paa mo?"

