Chapter 03

1777 Words
Adina didn't sleep a wink last night because of too much overthinking. Dilat lang ang mata niya buong magdamag at minamanmanan n'ya ang pinto. Sa sobrang praning niya, umabot s'ya sa punto na may hawak-hawak na s'yang lagari at kutsílyo dahil sa oras na pasukin s'ya, mapapa-goodbye earth talaga ang sinumang magtangka. Kahit anong antok ay talaga hindi s'ya nagpatinag. Ilang tasang baso rin ng kape ang naubos niya para lang labanan ang antok... kaya ang ending sabog ang kan'yang mukha kinaumagahan. Kanina pa tinatawanan ni Claire si Adina. Sa laki ng tawa ni Claire kita na ang ngala-ngala. Simula nang makarating sila, tawa na nang tawa si Claire dahil sa itsura ni Adina. Kung hindi lang talaga 'to kaibigan ni Adina, baka tinanggalan n'ya na ng ngipin 'to. “Ano bang pinagpuyatan mo kagabi, Dina?” natatawang tanong ni Claire sabay sipat sa kan'yang buong mukha. “Nanood ka ng pórn? Nag-practice para sa next position n'yo ni Mike? Gagawin niyo lahat ng posisyon sa Kama sútra? Grabe! Parang hindi ka natulog, ah. Dedicated mo naman pala.” “Huwag mo akong itulad sa'yo na pangarap ang maging pórnstar,” pang-asar din ni Dina kay Claire. “Puro na lang séx nasa utak mo.” Ngumisi si Claire, “kapag happy ang kipay, happy ang buhay!” “Ingay-ingay mo...” Bumuntong hininga si Dina. Hindi talaga s'ya nakatulog. Literal na wala s'yang tulog. Sa sobrang praning niya ay magdamag s'yang nagbantay sa pinto kung may papasok ba o kung pagluluoban ba s'ya ng lalaki. Maitim ang ibaba ng kaniyang mata. Malaki ang eyebags. Kahit na takpan ng concealer ay halata pa rin. Punyemas naman kasi na lalaking 'yon. Nagmala action star pa naman s'ya kagabi na para bang may zombie apocalypse na parating. Dina yawned, “Gustong kong matulog.” “Edi, matulog ka!” Bulyaw ni Claire. “Tatay mo naman may-ari ng kompanya. Hindi ka isisisante no'n.” Only the daughter of the owner privilege. Naghikab ulit si Dina saka pinatong ang braso sa lamesa at ginawang unan. “Gisingin mo na lang ako katapos ng lunch break. Iidlip lang ako saglit.” Nasa cafeteria sila sa second floor ng building para mag-lunch. Si Claire lang ang kumakain dahil walang gana si Dina. Wala s'yang nararamdaman na gutom, puyat lang. She slept for a while. Hindi na alam ni Dina kung ilang oras s'yang tulog. Dahil ang bruha n'yang kaibigan, hindi manlang s'ya ginising. Nagising na lang siya dahil sa tapik sa braso. “Adina, baby...” malambing na bulong sa tainga niya. “Why are you sleeping here? It's not comfortable.” Inayos ni Dina ang sarili. “Mommy... bakit ka po nandito?” tanong niya bago hinalikan ang ina sa pisngi. “Well, Claire was worried of you so she told your dad that you're sleeping in the pantry. And your dad called me to check up on you, because he's in a meeting.” Tumabi sa kan'ya sa pag-upo ang ina at sinuklay ang kan'yang buhok. “Are you okay? Nag-away ba kayo ni Mike? Claire told us that your eyes are puffy. Did he make you cry?” Mabilis na umiling si Dina. Ano na naman kayang pinagsasabi ng bruhildang 'yon sa magulang niya. Though, she's a bit happy. May pagka-caring din pala ang bruha n'yang kaibigan. Worried kuno, maasar nga mamaya. “No! No, mommy... hindi lang talaga ako nakatulog kagabi dahil may tinapos ako na report.” Pagsisinungaling n'ya. “Mike and I are absolutely okay. Mas matibay pa ang relasyon namin kaysa sa flood control ng Pilipinas.” “You sure?” Dina smiles reassuringly at her worried mother. “Of course, my. You have nothing to be worried about. I'm okay. We're fine.” Mukhang nakahinga ng maluwag ang ina ni Dina na si Menerva, ngunit halata sa mukha ng ina na parang nagpipigil ito ng tawa. Pinatakan ni Menerva ang halik pisngi ng anak. “Okay...” Menerva was in relief, “but don't sleep here. Sa office na lang ng daddy mo ka matulog.” “I'd sleep enough, mom. Babalik na 'ko sa office ko, to do my job. Hindi pwedeng hindi ako magtatrabaho dahil lang anak ako ng may-ari. It's unfair.” Matapos makipag-usap ni Dina sa ina ay dumaretso na ito ng opisina para trabahuin ang natingga na gawain. Pero gano'n na lamang ang gulat n'ya na may makitang hydrangea flower sa ibabaw ng desk niya. Napamura s'ya dahil tinubuan na naman s'ya ng kaba. Mabilis n'yang nilapitan ang mga bulaklak at tinapon sa basurahan. “Faith! Faith!” malakas na tawag niya sa secretary n'ya. “Yes po, ma'am? May kailangan po kayo?” agap ni Faith at bahagyang natigilan ng makita s'ya at nagkagat ng labi. “Who brought that—” tinuro niya ang bulaklak sa basurahan, “—in my office?” Kita ang takot at kaba sa mukha ni Faith, ngunit kapansin-pansin din ang sinusupil nitong tawa. What? Is there something on her face? May dumi ba bakit natatawa sila tuwing nakikita ang mukha n'ya? Inalis n'ya sa isipan iyon. Now is not the right time for those! “H-hindi ko po alam, ma'am... Nandiyan na po 'yan nang dumating ako pagkatapos ko pong mag-lunch. A-akala ko po, i-ikaw ang naglagay n'yan, ma'am.” Adina felt agitated! Tinaboy niya si Faith at malakas na sinara ang pinto ng opisina. Nagpa-ikot-ikot s'ya ng lakad habang kinikitkit ang kuko. It's her habbit whenever she's frustrated. Fúck! Ibig sabihin ba nito... nakapasok na sa kompanya nila ang stalker niya?! Sino ba kasi ang lalaking 'yon? Anong gusto n'ya? Anong pakay niya?! Omg! What if that man was a kidnapper?! What if, nangunguha sila ng laban loob para ibenta? At ngayon, isa s'ya sa mga target? Hala, shít! Ito na ba ang pamamaalam n'ya? This isn't good! She's not safe anymore! Kahit saan, hindi na siya safe. Sa trabaho, sa bahay n'ya mismo. She has nowhere else to go! Should I hire a security guard for myself? Kailangan ko bang lumipat ng tirahan? Shít! It's totally making me insane! Punyemas, nababaliw na 'ko. Parang mababaliw na si Adina. Natatakot na tuloy s'yang umuwi ngayon. Should she tell her parents about her stalker? Pero... wala s'yang sapat na ebidensiya na may stalker nga s'ya! Baka masabihan lang s'ya na baliw. What if... magki-sleep over muna siya kay Claire? No! No! Maling desisyon 'yon. Baliw si Claire at adík 'yon sa dark romance na palabas, baka itulak pa s'ya sa stalker n'ya! Baka kiligin pa ang bruhildang kapag makidnap s'ya. Imbes na tapusin ang pagre-review ng financial report ng income statement at balance sheets, wala s'yang natapos dahil kakaisip sa lintik na stalker n'ya na 'yan. Madilim na sa labas kaya mas lalong kinabahan si Adina. Kasi paano kung abangan s'ya sa daan? Paano kung ipa-salvage s'ya? Tawagan n'ya ba si Mike para sunduin s'ya? No! Hindi pwede, malayo ay Cebu at gabi na rin. It would be a total hassle for him. At isa pa, baka hindi available ang nobyo. Wala na, tuluyan nang nabaliw si Adina. Kung ano-ano nang nai-imagine n'ya. Halos humiwalay ang kaluluwa ni Dina sa katawan nang may bigla na lang kumatok. Napa-igtad s'ya sa gulat at napamura pa. Muntik n'ya pang mabato ng flower vase ang kumatok, mabuti na lamang at napigilan n'ya ng makita kung sino iyon. “Dad!” Dina gasped and put down the flower vase. “Ikaw lang pala...” Iyong ama n'ya ay bigla nalang napatago sa likod ng pinto nang akmang babato s'ya. “What is happening right you, Adina? Para kang nakakita ng multo.” Totoong kinabahan talaga s'ya... akala n'ya stalker ang kumatok. “Nothing... nagulat lang ako.” Her dad didn't look convinced. “Something's going on with you right now... namumutla ka.” Agad na lumipad ang kamay ni Dina papuntang labi. “Sa aircon lang 'to, dad. Malamig kasi.” Pinakatitigan ni Adriano ang anak ng mabuti, kung nagsasabi pa ito ng totoo... pero dahil sa hitsura ng anak, bigla na lamang pumalatak ng tawa si Adriano. “What happened to your face?” Adriano was laughing his àss off, “why do you have penís on your forehead?” Mabilis s'yang humarap sa salamin at napamura sa nakita! May drawing na tité sa noo n'ya. Kaya pala nagpipigil ng tawa ang ina at si Faith kanina. Dahil pala rito 'yon! “Ang bruhildang 'yon!” Si Claire lang ang tanging tao na kilala n'yang tarantado. Sinubukan burahin ni Adina ang drawing na tité sa noo niya pero hindi manlang nabawasan ang marka nito. Bruna talaga ang kaibigan n'ya! Marker pen pa talaga ang ginamit! “Anyways... aren't you going home yet?” Napatigil si Adina saglit bago hinarap ang ama. “Can I join you home? Pwedeng sa bahay niyo muna ako tonight, Dad?” “Oh...” nag-aalangan na sambit ni Adriano. “I forgot to tell you. May late dinner meeting ako with a possible investor. Kasama ko ang mommy mo at balak namin mag-hotel na lang dahil gabi na para magmaneho.” “O-okay...” Napalunok si Dina. Napakamalas n'ya talagang nilalang! Wala talaga s'yang takas kundi ang matulog sa bahay n'ya. “You can come with us, anak... I'm sure my client wouldn't mind.” Adina shook her head, “that's an important meeting, dad. Ayaw kong makaisturbo.” “If that's what you want...” Nilapitan ni Adriano ang anak saka hinalikan sa noo n'yang may drawing na tité, “you need to get rid of this, anak...” natatawang sabi ni Adriano at Umiling-iling-iling. Sabay na bumaba ang mag-ama. Adina was clinging to her father's arm as they walked down and entered the elevator. Naghiwalay lang sila nang makarating sila sa parking lot at sumakay sa kanya-kanyang kotse. “Good night, dad! I love you and please tell mommy I love her too!” Sigaw n'ya habang minamane-obra ang sasakyan. “Be careful, sweetheart...” paalala ng ama. “We love you!” Tuluyan nang naghiwalay sila ng ama dahil magka-iba ang kanilang rota. Sumulyap si Dina sa side mirror para tingnan sana ang ama pero ibang imahe ang nakita n'ya. There was a man standing on the dark side of the building. Same silhouette of the man she saw outside her house. Nakatayo lang ang lalaki sa madilim na parte habang tinatanaw s'ya. And she felt her stomach curled up when the man waved at her... at kahit na madilim, kitang kita ni Adina kung papaano lumapad na ngisi ng lalaki. “Makikitulog ako kay Claire! Para kapag kidnapin ako, kasama s'ya! Damay-damay na 'to!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD