Today is their last day for team building in Sicily. Hindi pa sana nila gusto umuwi pero kailangan na. If it’s only their decision, they would extend their stay. Pero dahil hanggang limang araw lang sila, wala silang magawa kundi ang mag-impake na lang dahil kailangan na nilang bumalik sa realidad.
At dahil alipin sila ng salapi, kailangan pa nilang kumayod.
“I wanted to come here again!” Claire, declared like it was a promise. “Grabe, sobrang na-enjoy ko ang five days stay natin dito! Babalik balikan ko talaga ang lugar na ’to! Ang daming pogi!”
“Ayon, lumabas din ang tunay na rason kung bakit gusto ang Sicily.” Adina state. “Mga mata mo talaga, nagiging malinaw kapag may pogi.”
“Sino ba ang hindi? Bukod sa pogi na, mga daks pa! Sign na talaga 'to para mag-asawa ako ng Italiano.”
Pinagpatuloy na lamang ni Adina ang pag-aayos sa gamit habang nakikinig sa walang pakundangan bunganga ng kaibigan. Wala nang ibang salita na lumalabas sa bibig nito kundi 'pogi' at 'daks'. Bukod talaga sa pera, gwapong lalaki ang tanging nagpapasaya sa kaibigan kaya pinabayaan na lang niya ito na dumaldal nang dumaldal.
Bago sila pumuntang airport ay nag-almusal muna sila. Kasama na iyon sa package ng kanilang hotel. Unli buffet kaya naman abot langit ang saya ng dalawa. Bukod sa alipin sila ng salapi, alipin din sila ng pagkain. Ito rin ang rason kung bakit sila magkaibigan dalawa.
Nakasakay sila sa shuttle papuntang airport. Ang bruha niyang kaibigan ay masarap na ang hilik at nakasandal pa sa kaniyang balikat.
At hindi rin naman siya inaantok kaya nag-cellphone nalang siya. Masayang ngiti ang sumilay sa labi ni Adina ng mabasa ang reply ng nobyo nito.
From: Mike
I'll be waiting for you, babe. Have a safe flight. I love you.
To: Mike
I love you too.
Tatlong taon nang magkasintahan si Adina at Mike. And she's very in love with her boyfriend. Ideal type kasi niya si Mike kaya naman nang manligaw ito ay hindi na siya nagpakipot pa. Sinagot niya agad makalipas ang dalawang linggong panliligaw. At masasabi niyang tama naman ang naging desisyon niya. Matibay at nagmamahalan pa rin sila hanggang ngayon kahit tatlong taon na silang magkasintahan. Wala pa rin pagbabago.
Matino si Mike. At dapat lang talaga. Mike is her first boyfriend. Her parents actually don't like Mike that much. Pero walang nagawa ang magulang n'ya kundi tanggapin ang lalaki.
Tunog ng gulong ng kanilang maleta ang maririnig sa hallway ng airport. Hindi pa naman sila late sa flight pero itong si Claire at namimilipit na dahil lalabas na raw ang tàe.
“Bilisan mo, Dina! Jebs na jebs na ako!”
Humalakhak si Adina. Nasa likuran siya ng kaibigan.
“Bakit ka kasi hindi nagbanyo kanina? Puro ka kasi pogi, ih.”
“Puta... lalabas na talaga!”
Hindi na ma-i-drawing ang mukha ni Claire. Kahit pa si Leonardo di Vinci ay hindi na kayang ipinta ang mukha nito. Nakahawak pa ito sa tiyan niya at bahagyang naka yuko. Pinagtitinginan din sila ng mga tao sa paligid. Pero dedma si Claire dahil taéng tàe na ito.
Walang sinayang na oras si Claire at agad naghanap ng bakanteng cubicle nang makapasok sila sa banyo. And did, what God knows what. Si Adina naman ay nag-retouch na lang habang naghihintay sa kaibigan.
Paglabas ni Claire sa banyo ay puno ng pawis ang mukha nito. Nahulas din ang make-up at parang nakipagbuno.
“Letche! Malas ko ngayon araw. Nakakawala nang poise!” Naghugas ng kamay si Claire. “Wrong timing naman 'tong tàe ko.”
Tinawanan ni Adina ang kaibigan.
“Na-turn off na 'yong ibang Italiano kanina na nakakita sa'yo. Mukhang hindi ka makakapag-asawa ng pogi at daks.”
“Huwag mo na lang ipaalala!” Singhal ni Claire. “May alcohol ka? Pahingi. Pahiram na rin ng make-up mo. Nasira ang beauty ko kaka-ere sa tàe ko.”
Itong kaibigan niya na ito talaga. Walang preno ang bibig. Hindi man lang nakaramdam ng hiya sa usapang taé.
“Bilisan mo. Nasa immigration na raw sila Dad.”
Her dad is the owner of the company she's working in. Hindi tulad ng ibang anak, hindi mataas ang posisyon ni Adina. Her father once offered the position of COO to her, but she decline. Gusto n'ya kasing magsimula sa baba para malaman n'ya kung gaano kahirap magpatakbo ng malaking negosyo.
Nagmadali sila. Lakad takbo na nga ang ginagawa nila pero si Claire nakikipaglandian pa sa mga poging nakakasalubong nila. Kumikindat kindat pa.
Matapos lahat ng proseso ay sa wakas naka-upo na rin sila sa loob ng eroplano. Agad na sinandal ni Adina ang likod sa upuan.
“Ngayon ko lang naramdaman ang pagod... ang sakit ng likod ko.” Reklamo niya.
Magkatabi pa rin sila ni Claire sa seat. Nasa may bandang likod sila. Si Adina ang nasa may bintana.
“Inaantok ako.” Naghikab si Claire saka sumandal sa balikat ni Adina. “Pasandal ako, ha?”
“Ano pa nga bang magagawa ko, nakasandal ka na.”
Kaunting oras pa ang hinintay nila bago tuluyan silang maka-alis. Nagsasalita na ang piloto para sa iisang paalala ng biglang tumahimik ito at nag-iba ng sinabi.
“Sorry for the inconvenience... We know that you can't wait to be back in the Philippines, but we'll have a short interruption. Please bear with us.”
Matapos sabihin 'yon ng piloto ay may bigla na lang pumasok na mga lalaking naka-itim na suit na may suot na sunglasses. Ang tulog na si Claire ay biglang nagising.
“Anong nangyari?”
Adina shrugged off her shoulders and observed the man in suit position themselves every corner of the plane.
“Taray... parang mga bodyguards lang ni Lola Tinidora. Anon'to? Aldub version of Italy?” Sabay tawa ng mahina.
Maya-maya pa ay may dalawang lalaki na pumasok. This time it's different. Nakasuot lang ng puting polo ang isa at itim ang isa.
They both screams sophistication but the man in white polo screams different. Nakakatakot ang aura ng dalawa pero mas nakakatakot ang aura ng lalaking nakaputi na polo. And he's also wearing a cap and glasses. Pero kahit nakatakip ang mukha nito, alam ni Dina na nagtatago ang gwapong mukha nito sa ilalim.
Tumayo sa harapan ang lalaking nakaputi at ginalugad ang loob gamit ang mata na parang may hinahanap.
And Adina went froze when the man stops his eyes on her. Napatingin si Dina sa likuran nila kung dito na nakatingin ang lalaki. Pero walang may naka-upo sa likuran nila.
She looks back at the man... and their eyes meet again.
Behind those glasses, Adina felt like the man was staring at her. Ramdam niya dahil bigla na lamang tumíbok ang kan'yang dibdib dahil sa kaba. Pakiramdam n'ya ay nakatitig sa kan'ya ang lalaki.
Suddenly... the man's lips thug up into a smirk.
“Found her...” sabi nang lalaki. He's voice was so deep with a thick accent.
Napalunok si Adina. Kakaiba ang kaniyang naramdaman.
Nilapitan ng lalaki ang isang flight attendant na may hawak ng kanilang mga plane tickets at inisa-isa iyong tingnan. And the man stop going through the tickets. May isang ticket s'yang hawak at napangisi ito ulit habang nakatitig doon.
Maya-maya pa'y lumingon ulit sa banda nila ang lalaki. At winagayway ang ticket na hawak nito.
“Found you...” he mouthed and smirked again before going out of the plane.
Hindi alam ni Adina na pinipigilan n'ya pala ang huminga. She just breathed out when the man disappeared completely.
“Grabeng commercial naman 'yon... ang intense.”
Hindi pinansin ni Adina ang sinabi ng kaibigan. Kakaiba pa rin ang pakiramdam n'ya. Hindi mawala wala ang kaba niya sa dibdib.
Even when their plane finally depart, Adina couldn't still forget the scene earlier. Kahit na makalapag sila ng Pilipinas ay hindi pa rin mawaglit sa isipan n'ya ang lalaki kanina.
Bumuntong hininga s'ya.
“Adina ikaw lang ang nag-iisip na sa'yo s'ya nakatingin... That man is not staring at you. It's just your mind. It's only in your mind.”
Pinakalma ni Adina ang sarili at pilit na kinalimutan ang lalaki na 'yon.
Her smile widen when she saw a man standing outside the arrival area holding a bouquet of flowers with a smile.
“Welcome back, babe...”
Tinakbo ni Adina ang kanilang distansya ni Mike at yumakap agad sa nobyo at humalik. Yeah, she needs to forget that man. May nobyo na s'ya at dapat lang na kay Mike niya ituon ang lahat ng atensyon.
“I miss you, babe...” Adina whispered when their lips parted.
“It's for you.” Mike handed her the flower and kiss her again. “I love you.”
Sasagot na sana s'ya pero may bigla na lang nagsalita sa kanilang likuran.
“Pambihira! Maawa kayo sa single!” Singhal ni Claire. “Ang aga-aga, sinisira n'yo araw ko!”
Sabay na natawa si Adina at Mike.
“Bitter mo talaga.” Natatawang saad ni Adina.
Eventually, she forgets the man from earlier. Nang makasama n'ya ulit si Mike, nawala na sa isipan n'ya ang lalaki.
But unbeknownst to Adina, the man from the plane was planning something wicked.
“Ready the plane. We're going to the Philippines...”
Ngumisi ang lalaki habang tinititigan ang litrato ng babae at lalaki na masayang nakangiti—na naka-flash sa screen ng laptop nito.
“Be ready woman... I'm going to steal you from your boyfriend.”