Both Nikolo and Adina started talking casually. And in her defense, but it was a good thing. Habang tumatagal mas lalong nakikilala ni Adina si Nikolo. Hindi man gano'n kalalim pero at least may alam na s'ya tungkol dito. "So, hindi mo pa rin talaga sasabihin sa akin kung bakit lahat ng mga tao rito yumuyukod tuwing dumadating ka?" Ilang beses na iyon natanong ni Adina kay Nikolo pero hindi pa rin ito sumasagot. Ngumingiti lang. "Huwag mong sabihin na galing ka sa maharlikang pamilya? Parang mga prinsipe at prinsesa ng England. Hindi naman gano'n diba?" Napatawa si Nikolo sabay iling. "I don't know where you got that idea from. But to answer your question... I am not. I'm not a prince or a princess. I'm far from being Royals." Napairap si Adina sa hangin, "you're being mysterious a

