Chapter 8

1790 Words
FIVE years ago. . . “Sean, ano ka ba naman? Tingnan mo nga ‘yang sarili mo sa salamin!”  sermon ni Jean, nang maabutan niya ang binata sa apartment nito. “Sa tingin mo ba makikilala ka pa ni Justine kapag nakita ka niya? Mag-ahit ka kaya. Tapos tingnan mo ‘yang eyebags mo, at saka kumain ka naman. Don’t starve yourself to death. Ang payat-payat mo na. Nagluto ako ng makakain mo. Inilagay ko na sa lamesa, kainin mo na lang mamaya,” pagpapatuloy ni Jean. Habang ang binata naman ay tulala at  tila walang naririnig.  “Alam mo ba na nakapasa ako sa University na gusto kong pasukan. Kaming dalawa ni Chuck. We passed our entrance exam!” pilit na pinapasaya ni Jean ang boses habang nagkukuwento sa binata. She’s ignoring the fact that Sean was not listening to her. “Baka hindi na kita madalaw araw-araw, kaya naman Sean tumayo ka na diyan. Fix yourself! Sa tingin mo ba gusto ni Justine, na makita kang ganiyan ang itsura? Sean!” bulyaw niya sa binata upang makuha ang atensyon nito. Ngunit wala siyang nakuha na kahit anong reaksyon mula sa binata. Pilit niyang inuunawa ang binata ngunit unti-unti ng nauubos ang kaniyang pasensya para rito. Kaya naman imbis na mapaos kakadaldal ay ipinagpatuloy na lang ni Jean, ang paglilinis sa apartment ng binata. “Sige na nga aalis na ako. May part-time job pa ako,” she said after she finished washing, and putting back into the rack the utensils she used.   Ever since Justine fell into a coma, Sean, threw everything he had. He didn’t attend their graduation ceremony, he didn’t get his entrance exam at the university he applied for.    Every day he visits Justine at the hospital. Early in the morning he will be there sitting beside Justine, and then, he will only leave once the visiting hours are over. At halos sampung buwan na ang nakalipas simula ng na-comatose si Justine. Pero maski isang beses ay hindi ito nakitaan ng mga doktor ng senyales na magigising itong muli. “Chuck, mauna na ako ha,” paalam ni Jean sa kaibigan.  Tumigil siya sa tabi nito matapos mahanap ang librong kailangan. “Pupuntahan mo na naman ba si Sean?” tanong ni Chuck, sa dalaga habang abala sa pagtipa sa kaniyang laptop. “Oo. Alam mo naman na araw-araw ko siyang pinupuntahan, ‘di ba?” kunot-noo at pabulong tugon ni Jean, para hindi maabala ang ibang kapwa estudyante sa library. “Sa ginagawa mong ‘yan lalo lang siyang hindi makakabangon sa kinalalagyan niya!” pabulong ngunit madiin na sagot ni Chuck. “Dahil alam niya na nandiyan ka. Kaya naman sa tingin ko, mas makakabuti kung hahayaan mo na muna siya. Hayaan na muna natin siya,” dagdag pa nito.  “It’s time to leave him alone so he can stand on his own two feet. That’s why it’s better to shove him off in the meantime. Besides, halos sampung buwan na since that day. Matanda na si Sean, alam ko na wala na ang parents ni Sean, at tanging ang mga malayong kamag-anak na lamang niya ang sumusuporta sa kaniya. Pero, kailangan niya na matuto. Isa pa, hindi na tayo high school students, alam mo ‘yan,” he said in a monotone voice as he stares at Jean intently. “I’m sorry. Pero hindi ko magagawa ang sinasabi at hinihiling mo, Chuck. After all, kasalanan ko rin naman kung bakit nangyari ‘yon sa kanilang dalawa,” pagsalungat ni Jean, sa ideya at mungkahi ng kaibigan. “Sige na. Mauna na ako.”  But when Jean arrived at Sean’s apartment, he wasn’t there. She waited for him until it was past one o’clock in the morning. That’s when she decided to look for him, and there’s only one place that she knew where he would go. The hospital where Justine is admitted. On the other side, Justine’s parents are having a discussion with Sean. “I’m sorry, Sean,” panimula ng ama ni Justine. “Pero, sa tingin namin mas makakabuti kung hindi mo na bibisitahin si Justine. Alam namin na mahal mo ang anak namin. At masakit sa amin ang gawin ito, pero. . .” Justine’s father paused for a second while his left hand gently squeezed Sean’s shoulder.  “Sean, alam mo na para ka rin naming anak. At mahalaga ka na para sa amin. Kaya naman gagawin namin ito dahil ayaw namin na makita kang nagkakaganiyan. Masakit din sa amin ang makita kang ganiyan ang lagay. Alam namin na ito rin ang gugustuhin ni Justine, kung sakali. Pareho nating alam na ayaw niyang makita kang nagkakaganiyan. Kaya naman, Sean. . . Nakikiusap ako, kami,” pilit na pinipigil ang mga luhang pagpapatuloy ng tatay ni Justine.  “Sana maintindihan mo ako. Nakikiusap kami na simula ngayon, kung puwede sana huwag mo ng dalawin pa si Justine,” pakiusap pa nito sa binata na tulala lamang na nakamasid sa maamong mukha ng dalaga.  Wala ng luhang umaagos sa mata ni Sean. Dahil na rin marahil sa manhid na ang kaniyang damdamin at marahil naubos na ang kaniyang luha sa walang humpay na pag-iyak. Justine’s parents can no longer bear to see Sean in despair. They want Sean to stand up again and start a new life without their daughter. He was still young, and he still had a lot to go through in life. That’s why they want him to stop visiting. They don’t want him to fall into further devastation after they heard what the doctors think of their daughter’s condition.  Hindi naman na si Sean umimik pa matapos marinig ang pakiusap sa kaniya. Sa halip ay nanatili lamang siyang nakatitig kay Justine sa loob ng ilang minuto bago tuluyang tumayo at nagpaalam sa magulang ng dalaga. Jean saw and heard everything, that’s why she quietly followed Sean, until they reached his apartment by just walking for hours. “Kumain ka na, alam ko gutom ka,” Jean said after she finished re-heating the food she cooked for him. But, Sean didn’t respond, just like what he always did.  “Sean. Hoy! Sean... Sean,” frustrated na niyugyog ni Jean, ang balikat ng binata. Pero wala pa rin siyang nakuhang reaksyon mula rito. “Naiintindihan ko kung ano ang nararamdaman mo. Dahil tulad ng lahat, gusto ko na rin na gumising si Justine. Pero wala tayong magagawa kung talagang hindi pa siya nagigising, hindi ba? At kahit na anong gawin natin hindi talaga siya nagigising. Hindi rin siya nag ri-respond sa lahat ng examinations na ginawa ng mga doktor. . .” “At kahit na anong pag-aalala at pag-iisip pa ang gawin mo para sa kaniya, walang nagbabago sa kondisyon niya. Kahit na gaano pa kalaki ang pagmamahal mo para sa kaniya, hindi rin siya sumasagot. And it can’t be helped, because of her condition. Kaya naman Sean, get back to your senses! Nandito ka pa, ‘di ba, kasama ko. Buhay at humihinga. So please, Sean. Gumising ka na sa katotohanan na si Justine ay comatose na. That, no matter what we do, hindi siya gumigising at nagsasalita. Sean, ano ba? Sean, please get back to your senses. I want the old Sean to come back!” Jean clamored as she started crying out loud like a baby. “Jean, I’m sorry,” Sean finally speaks as he lifts his head and looks in her direction. “Sean, mahal kita. Alam mo ba ‘yon?” wala sa sariling tanong ni Jean.  Hindi na ni Jean alam kung ano ang kaniyang ginagawa. Dahil wala na, sumabog na ang kahon ng pagtitimpi na pilit niyang ikinukulong sa kaniyang dibdib.  “Tell me, am I not enough? Hindi ba ako sapat para makalimutan mo Justine?” tanong ni Jean, habang patuloy pa rin na umiiyak.  "Sean, all this time, I'm in love with you. I'm secretly loving you, even before you and Justine started dating. So tell me, am I not enough? Tell me!" she whined while still crying. A few seconds later, she pulled Sean closer. And then she kissed him on his lips as she threw her pride and inhibitions away.   They started dating a day later, even though Jean knew that she was only his rebound, nothing more, nothing less.   IT’S BEEN a week since Justine has undergone fMRI. And based on the result, Justine has a high chance and probability of having her consciousness. And that gives them hope that she will wake up soon, and she will be with them. Dra. Maggie also advised them to continue talking to Justine. Since the result they got is quite good but, it’s still not a hundred percent sure and accurate. “Good afternoon, Ate!” masiglang bati ni Simone, nang dumating siya sa kuwarto ng kapatid matapos ang buong araw na klase. “I bought your favorite flowers,” she added.  “You know what, Ate. The saleslady at the flower shop earlier gave me extra flowers,” may ngiti sa labing pagpapatuloy nito.  Knowing that Justine still has consciousness gives Simone the hope that she will be able to talk to her like they always did before. She misses her sister’s smile, laughs, and encouraging voice. “Ang ganda ng stars, oh. Ate, ‘di ba gustong-gusto mong tinitingnan ang mga stars sa gabi?” nakangiting tanong ni Simone, habang pinagmamasdan ang mga bituing kumikislap sa kalangitan.  “Alam mo po ba? May bagong bukas na planetarium malapit sa bahay natin. Kaya Ate, promise ko sa ‘yo na paggising mo sasamahan kita roon. It will be my treat, so gumising ka na. Please,” nakangiti man ay mababakas naman ang labis na kalungkutan sa kaniyang mata. At habang pinagmamasdan ang kalangitan ay lihim humihiling si Simone, na sana ay gumising na ang kapatid. Habang nakatingin sa napakagandang kalangitan na puno ng nagkikislapang mga bituin ay nanumbalik lahat sa kaniyang alaala ang lahat ng mga alaala kasama ang kaniyang Ate Justine. At habang inaalala iyon ay hindi niya mapigil ang kaniyang luha sa pag-agos. Sobra na niyang nami-miss ang kapatid at hindi niya alam kung hanggang kailan pa ba sila dapat maghintay. Ilang taon pa ba ang kanilang bibilangin sa paghihintay at pagdarasal na sana ay muli na nitong imulat ang mga mata at muli nilang marinig ang malambing nitong tinig.  Naputol lamang ang pagmumuni-muni ni Simone, nang makaramdam ng gutom. Kaya naman kaagad siyang tumayo upang bumili ng makakakain. But, when she was about to leave, she suddenly notice that one of Justine’s fingers move. And when she takes a step closer to her sister, her eyes widen while her jaw almost dropped on the floor together with her tears. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD