LIMANG taon ang lumipas matapos mangyari ang aksidente na bumago sa buhay nilang lahat. Ang malabangungot na kaganapan sa kanilang buhay. Na kahit anong limot ang gawin ay hindi nila magawang alisin sa isipan at sa alaala. Lalong-lalo na si Sean, na higit sa kanilang lahat ay naapektuhan nang husto. Sa kasalukuyan ay nasa ika-apat na taon na siya sa kursong Marketing sa isang pampublikong unibersidad. At ngayon, kasama niya ang nobya na mananghalian sa restaurant na malapit sa unibersidad na pinapasukan.
“Babe, I need to go now. May klase pa kasi ako,” paalam ni Sean sa nobya matapos iabot sa kaniya ng waiter ang kanilang bill. “I’ll see you later after class,” dagdag pa niya habang isinusukbit ang bag sa balikat.
“Teka lang, Sean,” pigil sa kaniya ng nobya. “Hindi mo man lang ba kakainin itong dessert na inorder natin?” tanong nito.
“Sorry, babe. Pero kailangan ko na umalis,” nagaalangan talagang na sagot ni Sean.
Ngumuso na lamang ang nobya at saka pinagkrus ang mga braso.
“Sige na nga,” malungkot na sabi ng nobya. “Sige na, pumasok ka na. Baka ako pa ang sisihin mo kapag bumagsak ka at kapag hindi ka naka-graduate,” may bahid ng pangungonsensiyang dagdag nito.
“I’m really sorry, babe. But, don’t worry. Babawi ako sa ‘yo kaya h‘wag ka nang magtampo,” Sean said before he lean closer to her and gives her a quick kiss on the forehead.
Ang malungkot na mukha ng dalaga ay kaagad namang napalitan ng munting ngiti.
“Hindi po ako nagtatampo,” pagsalungat niya sa nobyo. “Pero alam mo ba, Sean?”
“Ano ‘yon?” tanong ng binata habang marahan niyang hinahaplos ang kamay ng nobya.
“I love you, Sean,” nakangiting bulong ng nobya sa kaniya.
“I love you too, Jean,” matamis ang ngiti sa labing tugon ni Sean bago niya mabilis na hinalikan ang kamay nito. “Can I go now?” tanong pa ni Sean.
Tumango lamang si Jean bilang pahintulot.
“Don’t be late sa reunion ng klase natin,” bilin naman ni Jean bago tuluyang humakbang palabas ng restaurant ang nobyo.
“I won’t,” Sean simply replied before he left.
Sean and Jean are officially dating for the past three and a half years. And he can proudly say that he was happy and contended to be with her. Unlike him, Jean graduated last year and right now she’s working at a famous hotel as front desk personnel. While his bestfriend Chuck, are now working as an architect in a small construction firm.
“Sean, kamusta na? Ang tagal din nating hindi nagkita. It’s been a while,” Chuck greets him as they enter the function hall where their first class reunion after five years is being held.
“Ayos naman ako. Ikaw ba? Balita ko architect ka na ngayon sa isang construction company,” tanong naman ni Sean sa kaibigan habang naglalakad sila papunta sa kanilang designated table.
“Ayos lang din naman ako. Iyon nga lang malungkot dahil single pa rin. Hanggang ngayon kasi hindi pa ako sinasagot ng nililigawan ko. Hindi tulad mo!” himutok ni Chuck sa kaibigan. “Masayang-masaya ka ngayon dahil nandiyan si Jean,” pilyong dagdag pa nito.
“Ewan ko sa ‘yo,” naiiling na sagot naman ni Sean sa kaibigan. “Bilisan na lang natin. Ayun na sila hinihintay tayo,” dagdag pa ni Sean ng makita ang nobyang kumakaway sa kanila.
They walk towards Jean who is with some of their classmates. They are busy catching up about what happened to each of them for the past five years since they graduated from high school. They reminisce about their past, their days when they were all in their last year of senior high school.
“Guys, may balita pa ba kayo kay Justine?” One of their batchmate asks in the middle of their non-stop conversation.
Nang marinig ang pangalan ni Justine ay tila may isang matulis na bagay ang paulit-ulit na sumasaksak sa dibdib ni Sean. And just like their schoolmates and classmates, he also wonders what and how is she doing right now.
“Hindi ko na siya nakausap o nakita maski isang beses simula nang maospital siya,” sagot naman ni Lea, isa sa dati nilang kaeskwela. “I haven’t seen her in any social media-”
“Teka lang-” putol naman ni Carl, isa pa nilang kaeskwela. “Speaking of Justine, wala pa yata ngayon sina Keith at Arlene dito?” dagdag pa nito habang inililibot ang paningin sa buong lugar.
“Maybe they’ll arrive later,” komento ni Chuck na abala sa pagbasa ng reaksyon nina Jean at Sean.
“Siguro nga. Noong huli ko kasing nakita si Keith ay hindi kami masyadong nakapag-usap dahil nagmamadali siya. Mukhang busy na siya ngayon sa trabaho,” komento naman ni Lea matapos ubusin ang white wine na nasa kopitang hawak.
Hindi lang naman ang mga kaeskwela nila ang nawalan ng komunikasyon sa kambal. Dahil maging sila na malapit na kaibigan ng mga ito ay wala na ring balita tungkol sa mga ito. Apat na taon na nilang hindi nakakausap ang kambal.
“Woah! Speaking of the devils!” manghang bulalas ni Carl na gumulat sa kanila. “Hey! Keith!” sigaw pa nito habang kumakaway.
Seconds later, Sean felt someone’s presence behind him.
“Long time no see,” nakangiting bati ni Keith sa kanila.
Hindi nawala ang ngiti sa labi nina Keith at Arlene nang saglit na mabaling ang atensyon ng dalawa kay Sean at Jean. Habang si Sean naman ay hindi magawang tumingin ng diretso sa dalawa.
“It’s been a while Keith. Mukhang going strong ang relationship natin, ah. Kalian ba ang kasal? Imbitado ba kami sa kasal?” bati at sunod-sunod na tanong ng mga kaeskwela nila sa magkasintahan.
“Kasal? Wala pa sa plano namin ni Arlene ang kasal,” tipid ang ngiti sa labing sagot ni Keith.
“We want to take our time. Besides, isang taon pa lang simula ng naka-graduate kami at nagsimulang magtrabaho,” paliwanag ni Arlene. “Of course, just like everyone we want to save first. At ang tungkol sa kasal naman, darating din kami roon. And when that time comes, I want all of you to be there, specially Jean, Chuck and Sean. I want them to be there,” she added as she averts her gaze to the three of them upon mentioning their names.
Hearing Arlene mention their names makes him feel more awkward than he already feel, given their current situation. And it makes him wanna go and leave. The spacious function hall became cramped and small for them.
“O-oo naman. S-syempre pupunta kami sa kasal n’yo,” nauutal na sambit ni Jean habang pilit na ngumingiti sa harap nila. “Right, Chuck, Sean?”
“Oo naman,” sabay na sagot ni Sean at Chuck na tila ba nabulunan.
“Excuse me for a minute,” Sean excused himself.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Chuck bago pa siya makatayo.
“Sa banyo lang,” pagdadahilan niya sa kaibigan.
“Banyo? Seryoso ka ba, Sean? Bakit hindi mo na lang sinabi na magyoyosi ka, kahit na hindi ka naman naninigarilyo,” piping sermon ni Sean sa sarili nang makalabas na siya sa function hall.
Matapos ang ilang minuto ay bumalik na siyang muli sa loob ng function hall. Ngunit ilang sandali pa lamang ang lumilipas ay gusto na niyang muling lumabas. Dahil sa tuwing nagtatanong ang kanilang mga dating kaeskwela tungkol kay Justine ay mabilis na iniiba ni Keith ang usapan.
“She’s doing well, and she’s really busy with her job right now,” ang palaging sagot ni Keith sa mga ito sa tuwing pilit na inaalam ng ilan sa mga lalaki nilang kaeskwela kung kumusta na ang dalaga.
That’s why Sean can’t stay there for a few more minutes or second, because the air between them is suffocating him. Keith always reminds him of Justine everytime he will see him. Ang maamong mukha ni Justine ang lagi niyang nakikita rito. Ngunit sa tuwing naaalala niya ang dalaga ay bumabalik sa kaniyang isipan ang mga nangyari noon, limang taon na ang nakalipas.
Maaga siyang umalis sa kanilang reunion party kumpara sa plano niya. Nagdahilan na lamang siya na maaga ang kaniyang klase kinabukasan upang payagan siya ng mga ito na umalis. At sa pag-alis niya ay isinama niya ang nobya na katulad niya ay hindi kayang manatili pa roon. While their friend Chuck chooses to stay, because unlike them he was having fun and enjoying the night with their classmates. The same goes for Arlene and Keith.
“Okay ka lang ba, Sean?” nag-aalalang tanong ni Jean. “Kanina ka pang walang imik.”
“I’m fine. Medyo pagod lang siguro ako. Don’t worry,” wala sa sarili niyang tugon. “Ikaw? okay ka lang ba? Bakit parang namumutla ka?” tanong naman niya sa nobya nang mapansin ang maputlang kulay ng mukha nito.
Alam niya na nag-aalala ang nobya para sa kaniya. He can clearly see it in her eyes.
“Okay lang ako. Medyo nahihilo lang ako kasi napadami ang inom ko,” pagdadahilan naman nito.
“Mukha yatang mali na pumunta tayo kanina sa reunion party,” bulong ni Jean.
“Ano ba ang iniisip mo? Okay nga na pumunta tayo kanina. At least, nakita ulit natin ang mga kaklase natin noon,” pagsalungat niya sa negatibong iniisip ng nobya. “Halika ka na. Ihahatid na kita sa inyo.”
“Hindi mo na ako kailangang ihatid, okay na ako. Papara na lang ako ng taxi. Ikaw ang dapat na umuwi na, maaga pa ang pasok mo bukas, hindi ba?” mabilis na pagtanggi ni Jean dahil gusto niyang mapag-isa pansamantala.
“Simone! Wait lang!” sigaw ng isang babae sa pangalan na pamilyar sa kanilang dalawa.
Mabilis nilang nilingon ang direksyon na pinanggalingan ng boses. Agad naman nilang nakilala ang dalagang huminto sa paglalakad upang hintayin ang tumawag dito. Si Simone Fay Green, Keith and Justine’s younger sister. Dalagang-dalaga na ito at hindi na ito ang Simone na sixteen years old na nakilala nila noon. Hindi na ito ang batang Simone na minsan nilang nakasama at itinuring na nakababatang kapatid.
Tahimik lamang nilang pinagmasdan si Simone na marahang umiling at tumanggi sa alok ng isa sa mga kaibigan nito. Sandali pa ang mga ito na nag-usap bago tuluyang tumalikod si Simone upang maglakad patungo sa direksyon nila Sean at Jean. At tila naman hindi napansin ng munting dalaga ang dalawang pares ng mata na nakatuon sa kaniyang direksyon. Patuloy lamang ito sa paglalakad patungo sa istasyon ng bus. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil katabi lamang ng pila ng bus na biyahe patungo sa lugar ni Jean ang pila ng biyahe ng bus kung saan naman sasakay si Simone.
“Simone,” bulong ni Jean nang ilang hakbang na lamang ang agwat sa kanila ni Simone.
“Sorry, but I don’t have time to say hello or hi,” Simone immediately cut Jean off before she could greet her. “I don’t have spare time right now. Excuse me,” malamig ang boses na pagpapatuloy ni Simone.
“Pero Simone-” kaagad na pinutol ni Sean ang nais sabihin nang makita ang reaksyon ng dalaga.
Dahil katulad ng boses nito ay malamig din at walang bahid ng kahit na anong emosyon ang mata nito. Wala na ang dating kinang nito kumpara noong madalas pa nila itong nakakasama. And Sean doesn’t want to make her angrier more than she currently felt towards them.
“Sorry, Kuya Sean. Pero mauuna na ako. Alam mo naman po siguro na kailangan kong magmadali papuntang ospital. Dahil baka hindi na ako umabot sa visiting hours,” sarkastikong sabi ni Simone. “Kaya pasensiya na. Kailangan ko ng umalis para mabisita ko ang Ate Justine ko,” pagpapatuloy ni Simone.
She purposely emphasized Kuya and Ate to remind him and Jean about her elder sister Justine. Simone wants to show them how angry she is, and how much she hates them.
Ang malamig na pakikitungo, ang walang emosyong pananalita at reaksyon nito ay lalong nagpabigat sa kanilang kalooban. Simone’s sudden change made him and Jean guiltier than they already are.