Chapter Thirteen. THIRD PERSON'S POV ISANG babae ang nakasuot ng floral dress ang nakatayo ilang metro ang layo mula sa malaking mansion ng mga Caruso. Mula sa kanyang kinatatayuan ay kitang kita nya ang isang dalaga na nakasuot ng ternong spongebob habang masayang nagdidilig ng mga halaman. Kung mag-isa lamang ito ay kanina nga pa ito pinuntahan para tapusin ang kanyang buhay. Ngunit hindi pa dapat. Nakaupo rin naman ang isang lalaki malapit sa babae habang nagbabasa ng dyaryo at umiinom ng kape. Hindi man nakikita ng dalaga ay kitang kita naman ng babaeng nakamasid sa kanila kung paano tumingin ang lalaki sa dalaga. Hindi nya mapigilan ang pagtaas ng sulok ng kanyang labi dahil sa nakikita. "Finally, Piero" at humalakhak ito ng nakakatakot. Bakas ang galit at poot sa bawat salita na

