Chapter Twenty-One. SOPHIA "This thing is ours" "This thing is ours" "This thing is ours" "This thing is ours" Paulit ulit ang mga salitang yan sa isip ko. So, yun pala ang ibig sabihin ng Cosa Nostra or La Cosa Nostra. Ngayon pa lang ay hindi ko maiwasang mas lalong ma-inlababu kay Piero. Ewan ko ba kung dahil ba to sa sobrang talino na meron sya, or sa nakakatakot na aura nito or dahil sa gwapo sya. Hehehe. Kasalukuyan akong nandito sa isa sa mga kwarto dito sa mansion a.k.a hideot nila. Buti na lang at may kama at nakatulog ako ng mahimbing. Past three na ng hapon pero hindi pa rin tapos sa meeting si Piero. Mukhang dibdiban talaga ang trabaho nya bilang isang mafia boss. Hanggang ngayon nga, hindi ko pa rin talaga nada-digest ang katotohanan na si Piero ang boss ng Cosa Nostra.

