Chapter Nine. SOPHIA ALA-SINGKO pa lang ay mulat na mulat na ang mga mata ko at buhay na buhay na ang katawang lupa ko, hindi nga lang ako bumabangon. Kanina pa ako nagpapraktis ng gagawing kong paliwanang kay Piero mamaya. Kung pwede lang sana na hilain ulit yung oras pabalik pero hindi pwede. At ngayon past six na, anytime ay magigising na si Piero. Ilang saglit pa ay biglang bumukas ang pinto. Dapat pala ni-lock ko yan kagabi! Agad agad akong pumikit at nagkunwaring tulog. "Stop it Sophia. I already saw you" nahihiya man eh dahan dahan akong nagmulat ng mata at sinalubong ng isang matamis na ngiti ang tingin nyang masama. "Ah. Hehehehe. Morning" sana gumana ka! Gumana ka! "Fix yourself. Mag-usap tayo sa library" Akala ko nakatakas na ako. Yun pala hindi pa. Sinadya ko talagang

