CHAPTER 1

2268 Words
Chapter One My Luck And My Everything I was a cheerful girl. Masayahin, mahinhin, mabait at mapagmahal. Iyon palagi ang naririnig ko sa mga nakakakilala sa akin bukod pa sa maganda. Ako iyong tipo ng babaeng palaging organized, maraming plano sa buhay at may matatag na paninindigan. Naniniwala kasi akong kapag mahirap ka, dignidad na lang ang pang laban mo at iyon ako. I wasn't bon rich. Isang kayod isang tuka ang pamilya ko. Pangalawa sa pitong magkakapatid. Ang ina ay mananahi habang ang ama naman ay mangingisda lang. Ang panganay kong kapatid na si Kuya Tanner ay may sarili nang pamilya at sa Manila na nakatira kaya wala na rin kaming naging balita rito. Ni hindi na nga ito nagparamdam matapos lumuwas nang Manila at mag-asawa. Mabuti na lang at mayroon nang social media at sa awa ng Diyos ay buhay pa naman ito kahit na nakalimutan na talaga yata kami. Sa aming magkakapatid ay siya pa lang ang nakaka-graduate. Ako ay iginagapang pa rin ng aking mga magulang. Kasalukuyan akong nasa ikalawang taon sa kolehiyo, scholar at masigasig mag-aral. Mabuti na nga lang at kaibigan ni Papa ang isa sa mga namumuno sa unibersidad na pinapasukan ko dahil naging amo niya iyon noong driver pa lang siya kaya natulungan akong makapasok doon. That was where I met my boyfriend, Wade Aleros. The campus heart rob, mayaman, basketball star player at lapitin ng mga babae pero dahil kaakibat ko ang swerte, ako ang pinili niya. Kahit pa nga against all odds ang relasyon naming dalawa ay parehas namin iyong ipinaglaban. "Mahal na mahal kita, Tasia..." wala sa sariling sambit niya habang nasa library kami. Kasalukuyan akong nagre-review at siya naman ay nasa tabi ko at naghihintay lang ng oras ng practice game nila sa gymnasium. Nakangisi kong itinigil ang pagsusulat para harapin siya. I am so in love with him. Hindi lang dahil siya ang unang boyfriend ko kung hindi talagang mahal na mahal ko talaga siya. Iyong pagmamahal na kahit siguro sabihin niya sa aking triangle ang mundo ay maniniwala ako. I held his hand and smiled at him. "Talaga ba, Wade? Mahal na mahal?" Natatawa niyang inangat ang kamay ko at hinalikan ng buong-puso. "Bakit? Hindi ka naniniwala? We've been dating for almost three years now. Hindi pa ba sapat 'yon? Kung may trabaho na nga ako ngayon at kaya na kitang buhayin pakakasalan na kita, eh!" Napahagikhik ako't nasapak siya sa dibdib! "Pakakasalan kaagad? Ayaw ko nga! You'll just get me pregnant!" "True, pero do'n rin naman pupunta 'yon, 'di ba? Pakakasal tayo, tapos magha-honeymoon tapos bibigyan mo ako ng maraming anak!" Tuluyan nang nawala ang atensiyon ko sa pag-aaral dahil sa paglalambing niya. Nasa dulo kami ng library at walang tao sa gawi namin kaya nagagawa naming maglandian nang hindi nasisita. "Ayaw ko! Magta-trabaho ako kapag nakatapos na ako at gusto kong magturo, Wade. Ayaw kong maging house wife lang. Para ano pa't nag-aral ako, 'di ba?" Sumimangot ang gwapo niyang mukha dahil sa sinabi ko. "Pero kaya kitang buhayin. I'll be handling our company for sure. Ako ang nag-iisang lalaki't panganay kaya sa akin iyon ipapamana ni Papa kaya hindi mo na kailangan pang mag-trabaho." "But I want to..." Napabuntong-hininga siya at wala nang nagawa kung hindi ang yakapin na lang ako. "Fine, pasalamat ka mahal kita, ha?" "Mahal lang?" "Mahal na mahal!" "Good!" "Walang iwanan, alright?" "Walang iwanan." pangako ko sa kanya habang inaabot ang kanyang hinliliit upang ipangako iyon. Pagkatapos ng pag-uusap namin ay napagdesisyunan kong manuod nang laro niya. I was sitting and cheering with my friends. Wade was unstoppable inside the court. Kapag naroon na siya ay wala na siyang naiisip kung hindi ang manalo. He is a star. Ngayon pa nga lang ay may mga kumukuha na sa kanya para maglaro sa mga sikat na basketball team sa bansa pero dahil hindi iyon ang plano ng kanyang mga magulang para sa kanya, kahit pa iyon ang gusto niya ay wala siyang magagawa. Aniya ay kung may ipaglalaban siya sa mga ito ay tanging ako lang. Hindi na bale ang mga gusto niya sa buhay. Gagawin niya ang lahat ng mga utos nito huwag lang raw pakialam ng mga ito ang relasyon namin. "Congratulations, babe! Oh my, God! You did it again!" nagtatatalon kong bulalas habang yakap siya, hindi na alintana ang pawis sa kanyang buong katawan! "Thank you!" sagot niya habang hinahalikan ako sa noo! "Ang galing-galing mo talaga!" "I know you're watching kaya ginalingan ko talaga! Ayaw ko ngang mapahiya sa'yo!" Natutuwa kong kinurot ang kanyang magkabilang pisngi! "Hinding-hindi ako mapapahiya sa'yo! Tignan mo nga naiinggit na naman sila ngayong ako ang yakap mo!" "I don't care." mas hinigpitan pa niya ang yakap sa akin kaya mas lalong kumawala ang mga tawa ko. I congratulated all of his teammates. Hinintay namin sila ng mga kaibigan kong matapos. We will celebrate today. Nagpaalam na ako kina Mama na male-late ako ng uwi pero pumayag naman dahil alam nilang si Wade ang kasama ko. Alam ng mga magulang ko at tanggap nila ang relasyong mayroon kami ni Wade. Masaya sila na ito ang naging nobyo ko hindi dahil sa yaman nito pero dahil mabait at mapagkakatiwalaan itong tao. Ewan ko ba kung bakit ako ang nagustuhan ni Wade. Kung tutuusin, marami namang mas maganda, sexy at matalinong nagkakagusto sa kanya pero aniya ay sa akin lang nahulog ang loob niya. He said that it was love at first sight. We met at the school entrance. I was lost that time at siya ang unang nakakita sa akin. Siya ang nag-guide sa akin kung nasaan ang classroom ko at kalaunan ay natunton rin ang daan patungo sa puso ko. Sa unang pagkikita pa lang namin ay itinuring ko nang siya ang swerte ko dahil simula nang dumating siya sa buhay ko ay tuloy-tuloy na rin ang naging agos ng swerte para sa akin. Si Papa ay nakabili ng palaisdaan na siyang dahilan kaya nakaalis siya sa pagiging empleyado. si Mama naman ay dumami ang customer sa patahian at ang lahat kami ay maayos na nakapag-aral. He is my lucky charm, the love of my life and my everything. "Cheers!" naghiyawan ang lahat nang mapunta kami sa bahay nila Chicollo, ang isa sa mga kaibigan ni Wade na siyang host ng party sa araw na ito. This is not the first time I've been with them. Sa tuwing nananalo sila sa larong basketball ay palaging may party at palagi kaming sumasama kapag wala kaming exam o mahalagang gagawin sa school kinabukasan. His friends were so supportive of our relationship. Maging nga ang coach nila sa basketball ay hindi tutol dahil simula raw nang maging kami ay mas lalong gumaling ito sa paglalaro. Wade also consider me as his lucky charm. He said he became happier when he met me. With that being said, parehas lang kaming swerte sa isa't-isa. "So ano? Payag ka na ba?" siko niya sa akin matapos ang pakikipag-cheers sa mga kaibigan. Wala sa sariling napahugot ako ng isang malalim na paghinga nang marinig ang tanong niya. Hindi ko inaasahang ganito kaaga namin mapag-uusapan ang tungkol doon. "P-Pwede bang hindi na muna?" "Baby," agad niyang hinuli ang kamay kong may hawak na juice na akmang iinumin. "It will be alright this time, I promise..." "Baby, you know what happened last time. Baka magalit na naman sila sa 'yo kapag ako ang isinama mo–" "I don't care. I want you to be my date on my sister's birthday party, please?" "Wade, baka mapasama ka lang kapag nakita na naman nila ako at nalaman na hanggang ngayon ay tayo pa rin–" "They know that. Wala akong itinatago at hindi ko itinanggi na hanggang ngayon ay tayo pa rin. Why would I?" Napalunok ako. Hindi ko inasahang hanggang ngayon ay magmamatigas siya sa usaping iyon. I've met his family once and it was a disaster. Oo nga't karapatan naman nilang magalit dahil sino lang ba naman ako para mahalin ng anak nila, pero hindi ko inasahang kung ano ang bait ni Wade ay siya namang kasamaan ng mga magulang niya. He invited me once para ipakilala sa mga ito pero hindi na iyon naulit dahil natakot na ako. If looks could only kill, I'd be dead that day. Pinisil niya ang kamay ko kaya napabalik ako sa kasalukuyan. "Beria already agreed. My sister loves you at sinabi na niya kina Mommy na isasama kita." "At anong sabi nila?" "It doesn't matter, please come with me?" "Wade–" "Beria will be sad not to see you there, so please?" Nang lumuwag ang hawak niya sa kamay ko ay agad kong ibinalik ang juice sa aking bibig para uminom. I love his sister, kaya nga lang, sa mga ganitong pagkakataon ay hindi ko talaga alam kung paano magdedesisyon. Una ay ayaw kong mapahiya na naman siya sa mga magulang niya at pangalawa, ayaw kong gumawa ng gulo o eskandalo. Kung pwede nga lang talagang gumawa ng sariling mundo na kami lang ni Wade ay matagal na naming ginawa. "It will be alright this time, I promise you..." Sa huli ay wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag. Nang makita ko ang matinding kasiyahan sa kanya ay nabawi no'n ang lahat ng mga pag-aalinlangan ko. He really wanted me to be there at dahil gusto ko siyang mapasaya ay hindi na ako tumanggi. Bahala na kung ano ang mangyayari. Sa ngayon ang importante ay napasaya ko siya. Iyon ang mahalaga sa ngayon. Nakisaya kami sa mga kaibigan namin at pagkatapos ay hinatid niya ako pauwi. He was tired and tipsy but he still manage to go home by himself. Dalawang araw pagkatapos ng party ay dala na ni Wade ang damit na isusuot ko dahilan para tuluyan na akong mawalan nang pagkakataong umatras pa. He said he even bought it without Beria's help. "Susunduin kita bukas, okay?" Isang tango na lang ang naisagot ko pagkatapos ay masayang sinalubong ang halik niya sa aking labi. Nagpatuloy ang araw ko sa eskwelahan. Hinatid niya ako at kinabukasan ay maagang sinundo para sa party. I'm not used to wearing make-up pero dahil sa okasyon ay nagawa kong maglagay ng mga kolorete. Mabuti na lang at tinulungan ako ng kapatid kong si Miaka kaya nagmukha naman akong tao kahit paano. "Wow! My baby look so beautiful..." Napanguso ako habang sinasalubong ang yakap ni Wade. "Super ganda ng ate ko, kuya Wade?" si Miaka. "Oo naman! Hihiramin ko muna, ha?" "Sure! Kahit nga huwag mo nang ibalik!" "Miaka!" sinamaan ko siya ng tingin pero hindi na binawi ang mga nasabi. Imbes na kurutin siya sa singit ay umalis na kami. Wade couldn't stop looking at me while he was driving. Kulang na nga lang ay ihinto niya ang sasakyan at yakapin na lang ako buong magdamag. "In love na in love ka, ha?" pagbibiro kong agad niyang tinanguan. "Tinatanong pa ba 'yon? Syempre naman! Ikaw yata ang pinaka-maganda sa lahat ng babae sa mundo." "Sus! Ang corny! Bolero ka talaga kahit kailan!" "I'm not! Talagang in love lang ako sa'yo, masama ba 'yon?" humahagikhik na siya. "Fine, sige na nga," kinuha ko ang kamay niya sa kambyo at hinawakan. "Natatakot ako, baka magalit na naman sila sa 'yo kapag nakita nila ako–" "Shh, I don't want to talk about negativity, baby. They will not, I will not let them. Ipagtatanggol kita and I will ruin the party if necessary. Kung noong una ay hindi kita naipagtanggol ng maayos, pwes ngayon kung kailangan ko silang bastusin, gagawin ko. Wala na silang magagawa dahil ikaw na ang mamahalin ko, Ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay at walang makakapigil do'n. Not even my parents." Uminit ang bagay sa dibdib ko dahil sa narinig. Bahagya pang nanlabo ang sulok ng mga mata ko dahil doon. "I love you, Wade..." emosyonal kong sabi. "What did I do to deserve someone like you?" "You're not only the most beautiful girl I've ever met, Anastasia... You're also the kindest, bravest, smartest person I've ever known at dahil do'n ay araw-araw kitang mas lalo pang minamahal." Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi dahil talagang nalulunod na ako sa emosyon pero hindi ko na napigilan ang sarili kong umangat para dumukwang ng halik. Pilyo si Wade, kilala ko na siya kaya imbes na sa pisngi lang ay ang labi niya ang lumapat sa akin. We kissed for a couple of second ngunit bago pa kami maghiwalay ay sunod ko na lang narinig ang nakakabinging ingay kasabay ng ilang beses na pag-ikot ng aming sasakyan gawa ng pagsalpok sa amin ng isang rumaragasang SUV! The impact immediately made me unconscious. Pakiramdam ko ay napapaos na ako kakasigaw pero tila walang lumalabas na boses sa aking bibig. Ang mga bubog na nabasag sa kabuuan ng sasakyan ay nagsiliparan. Naramdaman ko ang kirot ng buo kong katawan at lalo na nang aking ulo mauntog iyon sa isang matigas na bagay. Bago ako tuluyang mawalan nang malay ay kitang kita ko ang duguang ulo ni Wade, ang basag niyang mukha at ang kanyang malay na tinangay na sa malayo dahil sa malakas na impact ng aksidente. Nalaglag ang mga luha ko kasabay nang pagtulo ng dugo galing sa gilid ng aking ulo. I want to scream, but my voice wasn't there anymore... And I think Wade, too. ~~~~~~~~~~~~ What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. :) ~~ Follow all my social media accounts if you want to be updated. Wattpad: CengCrdva Facebook Page : Ceng Crdva Instagram : CengCrdva/Cengseries Twitter : CengCrdva
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD