Mecy POV
nandito kami sa dagat sa ilalim ng bwan tahimik at walang nag sasalita dahil natatakot ako sa pwedeng sabihin nya saakin pero bigla syang tumikhim kaya napatingin ako sa kanya na nasakin nadin ang tingin
"Una palang ay alam kong isa kang Mafia" paninimula nya pero nagulat ako
'pano nya nalaman? kahit paimbistigahan mo ang pangalan ko ay hindi mo basta basta masasagap ang impormasyon nayon
"Pero hindi ko naisip na ganon ka nababalot ng aura sa harap ng kalaban." bumuntong hininga sya "Nung dumating ka ay nabalot na ng itim na aura ang paligid at parang ang lahat ay sinasamba ka kahit wala kapang ginagawa" pag kekwento nya kaya naman napatungo ako
'madaming nag sasabi sakin ng ganyan pero hindi ako naniwala pero nung ikaw na ang nag sabi ay bigla nalang akong naniwala
"Tangap kita simula palang" seryosong sabi nya habang nakatingin sakin "sige ikwento mo sakin ang lahat nang nangyare kung bakit ka napasali sa mafia" sabi nya pa tsaka nag vape ako naman ay nag sindi muna ng sigarilyo bago bumuntong hininga
"Ang ate ko..sya ang naging dahilan kung bakit ako naging ganito" humiphip na sigarilyong sabi ko pero nakatingin lang ako sa bwan "Dahil malaki ang galit nya sakin Ewan kodon bata palang ako ay palagi nya nakong pinapahamak" sabi ko pa "Hindi ko sya pinapansin noon dahil bata pako at wala pakong kakayanan lumaban kahit na kanino... sa twing uuwi ako ay lagi nyakong binubugbog na animoy isa akong hayop"
"nasan ang mommy at daddy mo?"
"Nasa ibang bansa busy sa negosyo nila.... nung debut party ko ay nag saya ako ng sobra dahil sobrang engrande para akong isang prinsesa si Mira Ay nasa isang tabi lang na akala koy palalagpasin nya ang araw ng birthday ko pero hindi...pasimple nyang nilagyan ng droga ang iniinom ko at dahil don ay hindi kona alam ang ginagawa ko." nanglilingid na ang luha ko kaya tumingin ako sa taas at humiphip ng sigarilyo
"Nagising nalang ako ng umaga na nag sisigaw silang lahat sa isang kwarto at gulat ako ng may katabi akong ibang lalake alam ko sa sarili kong walang nangyari samin non nung umagang yon and they just disown me kasi malaki daw akong kahihiyan sa pamilya nila." napatingin ako sa kanya na nakatingin lang sakin at nababasa ko sa muka nya ang awa
"Kinuha nila lahat ng pera ng alahas lahat lahat tanging suot na damit ko nalang ang pag mamayari ko nung mga panahon na iyon ay pakiramdam ko ay isinuka nako ng mundo dahil wala akong malapitan kahit na isa dahil wala din naman akong kaibigan dahil gawa din ni Mira lagi nyakong sinisiraan kaya walang lumapit sakin." pinunasan ko ang luhang pumapatak sa pisngi ko
"Doon ko nakilala si Allen Tart ang magiging asawa nya na ngayon...sya lang ang tumangap sakin sya lang ang nakinig sa mga kwento ko sya lang ang naniwala sakin kaya kahit na anong iutos nya ay sinusunod ko naging maayos ang relasyon namin sa isang taon pero unti unting nag bago yon nung may nag padala sakin ng sulat na iniimbitahan akong makausap syempre ako non uto uto pa kaya pumunta ako ang nag padala non sakin ay ang dating master namin dahil gusto nyang pumasok ako sa grupo ng mafia dahil gusto nyakong tulungan nabalitaan nyadaw kasing itinakwil ako ng pamilya ko sabi nya ay tutulungan nyakong mag higanti pero hindi ko tinangap yon dahil wala sa isip ko ang mag higanti pero blinock male nyakong papatayin nya lahat ng mahal ko sa Buhay kung hindi ako sasama sa grupo nila kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumali don pinag ensayo nyako aral at ensayo yon ang trabaho ko kasamahan ko don sila Michelle, Camille, Samantha at Wenna sabay sabay kaming nag eensayo sobrang hirap dahil samin noon ako ang pinaka mahina pero ang Master namin dati ay naging mabait sakin na animoy sya na ang tumayong tatay ko sa pagiging busy ko ay humingi ako ng konting oras para sana makita si Allen pero nasa tapat palang ako ng bahay nila ay nakita kona agad sa salamin na nag hahalikan sila ng ate ko kaya wala akong nagawa bumalik ako kay Master at nag ensayo sya ang nag turo sakin don galit ang naging motivation ko naging mas malakas ako sa apat at kahit na sa kanya mas naging mas malakas nako pero may biglang pumatay sa kanya sobrang nasaktan ako non dahil tinuring ko na syang tatay kaya ako mismo ang pumatay sa grupong pumatay sa kanya grupo yon ni Allen" nakatulala lang sya sakin
"Lahat ng tauhan nya ay napatay ko sya lang ang hindi dahil sa isip ko ay gusto kong pahirapan pa sya kaya binuhay ko sya kaming Lima ang laging naatasan sa mga misyon pero saakin pinamana ang posisyon dahil iyon daw ang bilin ni Master at hindi namn tumangi ang iba dahil sa malakas daw ako naging akin din ang kumpanya nya pero mas pinalago koyon na halos buong mundo ay mabibilang don ang kumpanyang hinahawakan ko kaya sa twing aalis ako sa tabi mo ay nauwi ako ng manila at minsan pag alam kong tulog kana ay napunta ako ng ibang bansa at babalik din agad saaming Lima at may nakaatas Si Wenna ang kailangan nyang kunin na kurso ay pag luluto ng sa ganon ay palaging masasarap ang kainin namin si Sam sya ang nakaatas na maging politician ng sa ganon ay mas malakas ang kapit namin ang kinuha nya ay ang pagiging lawyer si Camille ay kailangan nyang maging isang piloto para kapag aalis kami ng bansa ay sigurado kaming Hindi kami mapapahamak Si Michelle sya ang kailangan na maging negosyante para sa mga tao kailangan nyang tumulong sa mga mahihirap kahit naman ako ay natulong madami nadin akong naipatayong charity...at ako namn ay kailangan kong maging isang doctor kailangan kong pangalagaan ang kalusugan naming Lima isabay mo nadin ang pagiging negosyante ko at pagiging master ko... pag wala kami sa mafia o kaya namay malalim na gabi na ay Master ang tawag nila sakin sila Wenna kahit na kaibigan kopa sila...nito lang din naman ako muling tinagap nila Mommy at daddy hindi nila alam na isa nakong mafia si Mira lang ang nakakalaam dahil siguro sinabi ni Allen...si Allen ay pinag hirap ko tinangal ko lahat ng kayamanan nya lahat lahat hangang sa mag usap kami at ayon nga naawa din ako kay grandma Yzel at isa pa nalamn koding tatlong bwan na buntis ang ate ko kaya ibinalik ko." sabi ko at tumingin sa kanya pero gulat ako nung niyakap nyako
"Wag mokong kaawaan basta't nandyan kalang sa tabi ko ay mas mananatili akong malakas kaya wag mokong iwan" sabi ko at yinakap din sya ng mahigpit. "ngayon alam mona lahat? do you still love me?" pag aalinlangan na tanong ko kumalas sya sa yakap at tumingin ng deresto sakin
'tangina kakatunaw eh
"Hindi" para akong sinaksak sa puso nung narinig koyon
'Hindi
'hindi
'hindi
nag paulit ulit sa utak ko ang salitang binitawan nya
'sinasabi ko na nga ba
"Hindi lang kita tatangapin dahil mamahalin din kita" tawa nyapa kaya pinag hahampas ko sya
"a-aray!! Mecy tama na!" sabi nya pa pero diko sya tinigilan kaya hinawakan nya na ang kamay ko
"Tama na ok? kakanta ako" sabi nya at tsaka kinuha ang gitara sa tabi ko kaya napatapat ang muka namin
'Grabe ang init!!!