Nakaidlip ako saglit sa tent nang gisingin ako ng kasama ko dahil awarding na. Napagod ako sa pa-games kanina, eh, kaya umidlip muna ako at sinabihan ko ang kasama ko na si Joanna na gisingin ako kapag awarding na. Nag-ayos na ako at sumabay na kay Joanna. In-announce ang nagwagi at sobrang saya lang dahil kami ang nanalo. "Congrats, bessy.." ani Chloe na talagang lumapit sa akin para batiin ako. "Congrats!" masayang bati sa akin ni Dexter at isa-isa na silang lumapit sa akin para batiin kami. "Congrats, Sir." Lumapit din sila kay Sir Grey para batiin ito. "Thank you.." ngiting sagot din sa kanila nito. "Celebrate na ba?" ani Cedric. "Tara, guys. May mga cottage na may karaoke. Parang ang sarap kumanta." Si Chloe na tila excited. Napailing-iling nalang ako. "Order na tayo ng food

