Masakit man ang ulo ay dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Napatulala akong napatitig sa kawalan bago naalala ang nangyari kagabi. Uminom nga pala kami at ang huling ko lang natatandaan ay nagkakasiyahan kami at sumasayaw sa dance floor kasama ang mga kasama ko at si Sir Grey. Napatingin naman ako sa paligid ko at agad nanlaki ang mata dahil hindi 'yon ang kwarto ko at pansin ko rin ang suot ko ay iba na. Nandoon pa rin 'yong pants ko pero 'yong suot kong t-shirt ay napalitan ng polo. Para pa ngang panlalaki 'yon dahil sa laki n'on. Nasagot naman ang tanong ko nang pumasok sa kwarto ang salarin kung bakit nandito ako. Gulat naman ako habang iniisip ang mga posibleng nangyari. Anong ginawa niya sa akin?! Agad ko naman itong binato ng unan na nasa tabi ko. "Anong ginawa mo sa akin

