Hindi naman maalis alis ang tingin ni arth kay chloe para bang nakabantay sarado ang mga mata nito.
Lasing kana ba hatid na kita, chat ni arth ng mabasa ni chloe.
No thank you... Reply ni chloe.
Maya maya pa ay nkita na lamang niya na papalapit na ito sa gawi niya.
Naku naman, anu bang kailangan ng lalaking ito sa akin.
HI MS CHLOE BUTLER can i join you sabi ni arth ng lumipat ito ng upuan.. habang pinapanood naman ang mga kasamang nagpapatawa din dahil tinawag ito sa stage at apat nalng din silang naiwan sa table nila.
Inilahad lang ni chloe ang palad sinyas nang maupo ka, hindi naman pwedeng sabihin niya na lang ang totoo na ayaw niya... Nakakahiya naman iyon at isa pa boss niya at paparty nila ito.
maya maya pa ay narinig niya ang pangalan niyang tinatawag sa taas ng stage ng kasama nila. may pagka masungit ito sa kanya, siguro kung hindi siya anak ng isang negosyante malamang lagi siya nitong inaaway. naririnig niya kasing may gusto ito kay arth nagseselos siguro dahil laging lumalapit si arth sa kanya.
" gusto lang naming marinig kumanta ang isang kasamahan namin dito, si ms chloe butler. sabi nitong narinig ni chloe.
ha...? ako talaga? sinyas niyang sabi.
ayy... bawal ang KJ dito miss. sabi pa ng isang hosting.
napasulyap na lang siya kay arth,, nakita niya itong nakangiti na tila ba nang-aasar, at nagsasabing gawin na lang niya.
okay,,, medyo matagal na ring hindi ako kumakanta, sa pagkaka alala ko college pa ako noon. tumayo sa upuan at lumapit sa stage. nahihiya man pinalakas ang loob dahil may gusto siyang patunayan. marunong namang kumanta si chloe lagi siya noon pambato sa highschool, at ng mag college hilig mag vedioke ng dalawa, iyon lamang ang pinupunta nilang mag bestfriend sa mall ang kumanta lang doon. " may pinili na silang kakantahin ni chloe, pang aiges,, niloloko pa siyang mataas daw ito, pwede naman daw hindi taasan kung hindi kaya dahil katuwaan lang basta nasa lyrics at tuno ito.
okay lang po,, ng mag umpisa ang kanta, nagulat ang lahat ng marinig ang boses ni chloe napalakpak ang mga tao sa kanya, may napasigaw pa nga na bakla, hindi nila akalaing may boses pala ito, seryosong kumakanta si chloe, hindi mapigil ang sigawan halos maabot kasi ang nota ng aiges,, iyon nga lang kayang dalhin ni chloe ang boses niya. nagkapalakpakan ulit ang lahat ng mataoos ang pag kanta ni chloe, nabigyan pa siya ng remembrance ng comedy bar na iyon. may nag riquest pa nga sa kanya ng isang kanta love song naman isang kanta ni jolina magdangal, naka simangot naman yong babae ng makasalubong niya ito pababa,
"naku chloe ha,, mY tinatago ka palang talent, sabi sa kanya.
Nakita niyang naghihintay sa garahe ang ama... Kaya minabuti na lang niyang ipahinto ang sasakyan ni arth sa di kalayuan ng gate nila. Ngunit nagulat na lamang siya ng lumabas si mr butler at tinawag ang pangalan niya.
Chloe.... Bakit hindi kapa pumapasok?
Oh papa gising pa po kayo? Sabay lapit sa ama.
Sino itong naghatid sayo... Tanong naman ng medyo may edad na.
Good evening po mr butler, bati naman ni arth.
Oh good evening, kayo po pala sir murphy. Bakit hindi muna kayo pumasok at magkape muna. Alok ni mr butler dito.
Ahh next time na lang po mr butler medyo malalim na din po ang gabi. Tangging may paggalang ni arth.
napa irap si chloe ng marinig ang alok ng ama kay arth," sige na po sir ingat po kayo sa pag drive,, salamat po ulit,, "hindi man pansin ang kanyang pagtataboy dito, basta ang gusto lang niya ay maka-alis na ito agad.
agad namang pumasok sa loob habang naka kabit ang braso nito sa ama." noong araw na mapunta si MR.BULTER sa hongkong,, nalaman na nito ang pangalan ni arth,, at hanggang ngayon hindi pa ito nasasabi kay chloe ang nalaman kay arth. " Nagpapa imbistiga naman si arth sa pagkatao ni chloe,,, at matagal na din pala nito hinahanap si chloe, hindi lang ito masabi ni Mr. Butler dahil may babaeng ayaw humiwalay kay arth.
Isang gabing pagpapakilala sa bawat member ng company ng mga Murphy. at isa na din doon ang papa ni chloe. lahat magaganda ang damit, isinama nila ng dalawang kambal, magkahawak kamay ang kambal habang nilalakad ang red carpet papasok ng isang building. at kasunod naman sa hulihan si chloe, na halos ang mga mata ay hindi maialis sa dalawang anak. dahil nauna nang pumasok sina Mr. and Mrs. Butler. naka upo na sila sa isang table na naka reserve sa kanila. ng hindi napansin ni chloe wala si winter,
Wella, sambit sa pangalan sa isang anak. nasaan ang ate mo? ng mapansing wala sa upuan si winter. "maging si wella ay hindi rin naka pansin sa kambal.
Ija.. why are you here? tanong ng isang matanda na papasok dapat sa event. nakabihis toksido ito at parang may katungkukang malaki. " I got lost po,, maraang sabi ni winter, 'saan ang punta mo? muling tanong ng matanda,, hindi mo ba alam na bawal ang bata dito? paliwanag nito. " I Know,, pero nasa loob po ng event sina mommy,, and I got lost when i saw that picture, tinuro ung mukha ni arth na nasa tarpulin. "napangiti na lang ang matanda,
" pero hindi ka dapat humiwalay sa kasama mo, sabi ulit ng matanda.
sino ba yang nasa picture na yan? tanong ng mtanda. little girl,, huwag mong sabihin you like him, birong sabi nito.
"no,,, that man is my father, 'and i am Winter Murphy, and i wanna talk to him.!
what....!! napalingon si winter at iyong matanda sa likuran nila ng magsalita sa likod si arth.
" anu ang pinagsasabi nitong batang ito? ahh dad we need to inside now, yaya na ni arth...
"ok..., little girl, do you wanna come in? muling tanong ng matanda.
" really..? sasama po ako,, baka po nag-aalala na ang mommy, at sila Grandpa sa akin.paliwanag ni winter.
Hinawakan ng matanda sa kamay si winter at hinawakan din ni winter sa kabilang kamay si arth pagpaasok, nagsitayuan na ang lahat nagpalakpakan,,
samantalang hindi mapakali si chloe.... pagdating sa stage nagtaka siya kung bakit kasama si winter. naging usap usapan ng ilang oras ang nakita nila. napatingin ang pamilyang Butler. at doon lamang nalamang kanina pa nawawala ang apo nila..
Bumati muna ang matanda, sa lahat ng naroroon,," ahh ,, marahil nagtataka kayo bakit kami may kasamang bata dito,," ako'y natuwang kausap siya,, napakanda ng pagpapalaki dito.." she said, she got lost,..... hindi na naituloy ang sasabihin ng matandang kung tawaging Mr. Sr Murphy. may edad na rin ito.. at hiniling na nito ang magkaroon ng pamelya si arth upang bago man siya mawala sa mundo ay magkaroon siya ng apo. kaya ng maka-usap ito si winter ay natuwa siya at nakagAanan na rin ng kanyang loob.
ahm,, winter, halika.... tawag ni Mr Butler sa apo. at ipinaliwanag na apo niya si winter, matapos ang pagsasalita ni . Sr. M. nilapitan nito ang pamilyang Butler.
Hi po Grandpa,, bati ni winter, napatingin sa katabi ang Sr.
ahh,, this is wella my sister, papakilala ni winter, "napasinyas naman si chloe, na tumahimik ito. ngunit sadyang mKulit si winter.
Hi daddy,,,, bati agad nito ng makalapit sa ama kay Sr. Murphy. nagtataka man ay pinipilit pakalmahin ang sarili dahil sa madami ang tao.
naipaliwanag ni Mr Butler ang side nila. " na hindi dapat sila magalit dito, " nagulat man si senyor murphy,, natuwa naman dahil sa wakas may apo na pala siya.." ayaw naming magulo ang buhay ni arth senyor, ang mga apo ko tahimik ang buhay nila, hindi naman nilihim ni chloe sa kambal ang ama nila, kaya siguro nagtataka kayo kung bakit kilala at tinatawag na daddy si arth. dahil ang alam ng mga bata nasa abroad lang si arth may trabaho ito.
sabihin mo chloe, kailan mo balak ipa alam sa akin? mahinahon tanong kahit nagaglit ito.
magkasama tayo sa trabaho nagkakausap pa tayo, pero wala kang binanggit na ganito? tanong nito na habang silang dalawa na
lang ni chloe naglalakad sa labas ng event center, iniwan na muna kay Mrs Butler ang kambal.
" I'm sorry, hindi ko alam kung paano sasabihin sayo,
" so ganito mo siya binalak? hinala nitong na walang maintindihan sa pangyayari.
" hindi,........ tanggi naman agad ni chloe" wala pa isip ko ang ipaalam sayo o kahit kanino man, nagkataon lang ang araw na ito. ' masaya naman sila kahit wala ka, napupunan ko naman kahit nagsisinungaling ako sa kanila,. napapaiyak nitong sabi. iyon na lamang ang lumabas sa bibig niya.
" chloe, hindi yun ang point," bakit ngayon pa? alam mo namang importante ang gabing ito..
" kinahihiya mo bang malaman nilang may anak ka? takang tanong ni chloe. " alam mo, kung anu man ang dahilan mo, hindi sapat yan sa 8yrs na ginawa ko."
" kung hindi napigilan ni winter ang pagsasalita magiging laman tayong lahat sa balita bukas. maingat na sabi nito,,
alam naman ni chloe ang kalalabasan ng lahat, pero nasasaktan pa din siya, "anu bang gustong palabasin ng lokong iyon." parang pinapakita lamang niya na hindi niya kayang protiktahan ang mga bata." ang dami dami pang sinabi
CHAPTER 4 -
Simula ng gabing nalaman ng mga murphy ang tungkol sa kambal,, nagpa gawa ng DNA test ang ama ni arth, " sa una tumanggi pa si chloe, ngunit npaki - usapan naman siya ng kanyang mga magulang. kaya napapayag na rin siya.
wala naman siyang dapat na ikatakot,, alam niya kung sino at ao ang totoo,,
isang linngo ang lumipas,, at ngayong araw na ito malalaman ang totoo" naroon silang lahat sa living room sa bahay ni sinyor M." relax lang si chloe,, " inumpisahan ng buksan ang isang sobre na naglalaman ng resulta ng DNA ng dalawang bata,, habang naghihintay din.
nag tag isang papel si Mr. Butler at Sr. M. sabay ng binuksan ang envelope na hawak. at naghihintay din si Arth sa magiging resulta nito. " ng mabuklat ang lamang papel sa envelope ngiti lang ang nakita ni chloe sa labi ni Sr.M. at nakita niya itong inabot kay arth yong DNA result. "
habang si Mr Butler alam na ang totoo kaya ng mabuksan ang result at nakita nito ang sinasabi doon, "agad nalang itong nag yaya na umuwi,, " kinamayan na lamang nito ang matanda at maraang nagpa alam na.
nagtataka naman si chloe sa kinilos ng ama, " anu kaya ang resulta bakit ganun si papa?
walang imik na bumibyahe pauwi ang mag anak. at pati ang kambal tahimik lamang.. kahit magtanong man ay walang marinig dito.
"chloe,,ipasok mo na mga bata, at magpahinga kana din," iyon lang narinig ni chloe sa ama,
hindi man niya maintindihan hinayaan na lamang muna niya ang ama.. lalo na sumisenyas din sa kanya ang ina, na nagsasabing hayaan na muna niya ang ama.
Positive naman ang result ng kambal, totoong si arth ang ama, hindi lang makapaniwala na sa tinagal tagal ng panahon, kahit pa nlaman ni Mr. Butler na nag hired ng isang tao si arth para mahanap si chloe. " nalulungkot lamang siya sa nangyayari, "na kung bakit kailangan pa ng DNA upang mapatunayan itong dugo at laman din nila ang kambal.
mga ilang linggo munang nanahimik si Mr. Butler, at kahit si arth ayaw pa nitong kibuin o papasukin muna sa kanilang bahay. hindi rin naman ni chloe hinaharap ito.
" hinayaan na munang maging payapa at tahimik ang buhay niya... at ang kambal tahimik at malungkot din, ayaw maglaro ayaw ding lumabas ng bahay sa kwarto lamang ang mga ito, lalabas ng kwarto kakain lang saglit,, at maya maya ay papasok na agad ng kwarto,
walang ibang ginagawa kung hindi magbasa, mag-aaral ng saglit, at hihiga na rin." tahimik ang bahay, si Mrs Butler na laging nag-aalala, nalulongkot na rin sa katahimikan ng bahay at napapaluha na lamang kapag nkikita ang dalawang apo na walang kabuhay buhay kumain at kahit mag usap ang dalawa ay hindi magawa.
kahit kausapin niya ito tanungin kung anu ginagawa at kung bakit hindi naglalaro sa harden.
"wala po akong gana maglaro grandma," iyon lamang ang nagiging sagot si winter na masiyahin at makulit hindi mi makitang ngumiti man lang."
"ayaw ko rin po grandma lumabas wala po akong lakas maglaro."
naaawa na si Mrs. Butler,, wala siyang magawa kundi ang hayaan na lang muna nita ito,, lilipas din ang ganito.
"Arth, sabihin mo nga sa akin, anu ang dahilan ng pagpunta mo rito? tanong ni Mrs. Butler kay arth ng pumunta ito upang makita ang kambal.
"ma'am, gusto ko lang sana makita ang anak ko, " karapatan ko iyon, sagot ni arth.
Ngunit hindi iyon ang gustong marinig ni Mrs. Butler kay arth, kundi pagmamahal sa anak, ganun pa man alam naman nitong hindi mapipilit ang pagmamahal, naawa lamang siya sa anak. ngunit hindi rin niya maibibintang sa mga apo ang naging sitwasyon ni chloe,, ng dahil doon naging masaya sila,, naging bless sa kanila ang pagdating ng kambal.
" im sorry arth, kung kaya mo pang maghintay ng ilang araw kung kaya mo pang mag pasinsiya, siguro ang maganda mong gawin ngayon ay maghintay ng tamang panahon." hindi mo sila makaka-usap sa pagkakataong ito.. "
dumating naman ang girlfriend ni arth na galing sa hongkong,, may lahing chiness ito kasi may pagka chinita ang mata. pero kung sa ganda, may ikakabog naman ang si chloe, sosyal nga lang talaga ito, iyon ang hindi makikuta kay chloe,, pero marunong naman sa soayalan si chloe, hindi ito profetional. idaan na lang natin sa pagandahan ng boses tiyak na panalo ito.
"Ng gabing nasa harden si Mr. Butler umiinom mag isa ito nilapitan siya ni chloe. tinatanong ang ama, Kung bakit ganoon ang naging reaksiyon nito sa result ng DNA,
" anak, kumusta ka ? kumusta naman ang naging buhay sa loob ng 7 taon? napalunok bigla si chloe,
" im happy pa," tanggap ko na po sa sarili ko lahat ," pagkokombisi sa ama habang nakikita nitong disappointed.
" Alam niyo po,, kung mayroon man po akong natutunan, "na kahit po paulit ulit kang masaktan, piliin pa rin ang pagmamahal, hindi po ako susuko magmahal, palagi pong bukas ang puso ko," at lagi ko pong sinsabi kay god na sana po kung sino man po papasok dito, itinuro ang dibdib sa kung saan ang puso, ay tamang tao para sa akin at iingatan po na hindi na ito ulit masaktan."
Nakita naman ni chloe na napangiti ang ama, kumilos ito at kinuha ang basong may lamang inumin.
Anu ngayon ang plano mo sa mga anak mo sa mga apo ko.?
" Bakit po? tila nalilitong sabi, " hayaan ko po na ganito lang muna kami,
" I mean kasama ang ama, Arth Murphy is a biological father. asahan mong magiging malaki ang pagbabago ng buhay ng dalawang bata." nalulungkot ako sayo anak," paano nlang kung wala na kami ng mama mo sino makakasama mo,,
Mga bagay na laging inaalala ni Mr.Butler, alam naman niyang may gilrfriend si arth at kailan man ay hindi ito ang kokompleto sa pamilya sa anak.
Dumaan ang ilang araw, tila unti unting ng nanunumbalik ang ingay sa loob ng bahay ng mga Butler. maliban nga lang sa dalawang bata na makikita pa rin ang lungkot dito.
Dumalaw naman si arth sa bahay ng mga Butler, ngunit ayaw naman lumabas ng mga bata sa kani kanilang kwarto.
"Hi chloe,.... I miss you,' I'm so sorry to avoid this situation," ayaw tumingin ni chloe sa nag sasalita na si arth. habang patuloy lang ito sa mga sinasabi," Dalawa lamang sila sa loob ng garden.
" Ang lokong ito, bakit ganito ang pakiramdam ko, parang nagtatalon sa tuwa ang puso ko, hindi ko maipaliwanag ang pakiramadam na ganito,, tila ba parang gusto kung yakapin ang taong ito at isandal sa balikat ang ulo ko upang mabawasan man lang ang bigat na nararamdaman ko. at ayaw ko mang aminin I missed him so much. Sino ba naman ang hindi matutuwang makasama ang taong ito, habang kayo ay ang lalakad bukod sa gwapo at matipuno ito, napaka Gentle man naman,, ewan ko ba kung bakit mas gusto akong inisin o galitin kapag nasa maraming tao kami. hindi ko tuloy alam kung totoo ang lahat ng ipinapakita nito kapag dalawa lamang kami.
Hindi na namalayan ni chloe, titig na titig na siya kay arth.
"chloe..... tititigan mo na lang ba ako? narininig na lamang na sabi sa kanya ni arth,
"ha.. nakatitig ba ako sayo? tangging sabi nito.
"so hanggang kailan mo ako balak tititigan ako?
"hanggang sa matunaw ka,, ang lakas kasi lagi ng tama mo. pikyong sabi ni chloe.
"malakas talaga ang tama ko sayo, hirit naman sa kanya ni arth.
hindi man aminin ngunit kinilig naman siya sa sinabi niti, pilit na tinago ang ngiti sa labi.
ooyy...' kinilig siya, biglang banat agad ni arth sa kanya.
napalitan naman agad ng sama ng mukha ang ngiting kanina lang ay nangibabaw.
" sino ako? kinilig? never! kung sayo lang din naman Mr. Murphy hindi ko na iisiping magmahal pa.
naiinis niyang sabi, sabay tayo sa upuan at pumasok sa loob ng bahay tinungo ang silid ng mga anak," nadatnan naman niya itong mga nakahiga pareho.
"hi.....malambing niyang pagbati sa dalawang anak.
walang umimik sa kanya,, magkatalikurang tahimik ito. unang nilapitan si wella.
" hi sweety, are you ok?? marahan niyang hinaplos haplos ang mukha at palipat sa buhok nito..
" how I to say Im ok mom,, paano po tayo?
"wait, what do you mean how? naaawang tanong sa anak.
" si daddy," hmm, sagot ni choe," hindi na po ba natin siya makakasama?
pilit na pinipigalan ang luhang gusto ng bumagsak kanina pa.
" no, daddy loves you, winter halika,, don't be mad, sabi nitong niyakap ang dalawang anak.
"winter,..... mainit ka," ma.......!!! ma......!!! mama...!! si winter! nagsisisgaw na nagaalalang si chloe.
"unang nakapag bukas ng pinto si arth, na nadatnan namang kakargahin ang isang bata upang ilabas na sa kwarto.
"what..happen?? ............................. help !! ang taas ng lagnat ni winter,.!
"chloe calm down,' sabi ng ina na si Mrs. Butler tingnan mo anak mo, kumuha ka ng gamot at painumin mo. mahinahong sabi ni mrs butler.
" hindi na po ba natin kailangan dalhin sa hospital?? nagtatanong ding nahawaan na rin ng pag-aalala si arth.
"sa ngayon, hindi na muna, kapag hindi pa bumaba ang lagnat dadalhin na natin. paliwanag nito.
si wella na ayaw lumayo sa kapatid, umiiyak habang naka yakap ito.
"ate wella, Im not dead, birong sabi ni winter habang mahinahong pagkakasambit nito.
"bakit hindi mo sinabi sa akin? tampong sabi ni wella.
Nagtatampo mang sabi, niyakap na lang ang kapatid,
" hi daddy, bati ni winter. bati ni winter ng mapansing nag aalala din ito.
" hella baby," nag aalala si daddy sayo, hindi ko alam kung ano pwede kung gawin.
" am arth, sa tingin ko naman, okay na si winter, kailangan lang magpahinga." paliwanag ni chloe.
" okay sige I think i should go, i'll be back tommorow," paalam nito na hinalikan na ang dalawang kambal.
" dad, can you read story before we sleep? paglalambing ni winter.
" mommy,, pwede po ba makatabi namin si daddy matulog? wika naman ni wella.
"ha...? maang sabi ni chloe, am...." nagagbala na niyo na ang daddy niyo girls,' sabi nalang nito.
" no, its okay for me, masayang sabi ni arth, na siya rin namang ikinatuwa ng dalawa.
" okay sige na," at gabi na rin naman, siya sige arth dito kana magpalipas ng gabi. pag sang ayon na rin ni Mr. Butler.
walang pagsidlan ang tuwang nakita ni clhoe sa kanyang mga anak na kambal. kaya naman hinayaan na lamang na masunod ang gusto ng mga ito."
CHAPTER 5 -
ALAS SINKO na ng umaga nagising si arth, " mukha ata napasarap ang tulog ko,, saka namang naramdaman ang pagkangalay ng mga balikat, at tulog na tulog pa ang kambal. dahan dahan na bumangon at inayos ang dalawa. bahagya lang na hinplos ang buhok ng bawat isa at marahang hinalikan pareho.
palabas na ng mapansing nakahiga sa isang mahaba at maliit lang na kama si chloe, nakalaylay ang isang paa at bakata ang katawan sa manipis nitong damit,
iniayos na lamang niya ito at nilagyan ng kumot ang katawan." napaka interisting ang pagkatao nito, bukod sa may pera ang mga magulang at nag iisang anak lamang lahat ng bagay na gusto nito makukuha ngunit hindi aiya ganito, para bang hindi siya pinalaki sa marangyang buhay." kayang magtiis at matulog sa maliit na kamang ito," marunong mag adjust sa buhay. maging sosyalan man kaya casual alam niya kung paano dalhin.
nakalabas na ng pinto ito, at nagtungo sa kitchen upang uminom ng tubig.
" oh, good morning arth. kumusta ang tulog? bati ni mrs butler,
" ayos naman po mi...sii.." ah tita nalang itawag mo sa akin masyado tayong pormal kapag tintawag mo ako ng ganyan. putol sa salita ni arth. " ah ganoon po ba, okay po tita.
" almusal ka na muna bago ka umalis. alok ni mrs butler kay arth.
Gising na si chloe, naka ayos na rin ito ng sarili ng lumabas sa kwarto. binati na rin ang ina ng magandang umaga.
dalawa lang ang katulong sa bahay nila, patulong tulong lang naman ang ginagawa ng mga ito isa lamang ang yaya ng kambal.. dahil hindi na rin naman ito alagain masyado. at isa pa pinalaki talaga nilang hindi lagi umaasa sa ibang tao o sa yaya man, ganyan din ang kinalakihan ni chloe.
on time din ang kambal. naka ayos na rin ng sarili ang mga ito ng bumaba, magaganda ang mga gising."
" good morning po grandpa,......grandama,
..... mommy,.......daddy," bati ng dalawa.
good morning....!!! sabay sabay na sabi ng mga ito.
usap usap habang nag kakainan,, nagpapalitan ng mga tanong at sagot.
Matapos mag almusal nagpa alam na rin si arth,, sa kanyang condo n ito dumaan upang kahit papaano ay makapag palit man lamang siya. at pagkatapos ay dumiritso na ito ng opisina.
binati siya ng maayos ni chloe ng napadaan ito sa kanyang table." laking gulat ni arth ng makitang nakaupo na sa loob ang isang babae na nakasuot ng magandang damit na pang sosyal." sabay binati siya. nilingon lang niya ai chloe.
sabay na nag dinner ang dalawa, at si chloe naman ay agad na tinungo ang canteen ng mga empleyado. kaunti lang ang kinain nito pagktapos ay bumalik na agad sa kanyang trabaho.
hapon na,, nag paalam na rin sa isa't isa ang mga kasama. at sumunod na rin siyang bumaba. naglakad lakad na muna siya bago sumakay ng taxi,,
" hi good morning,, si arth ba nandito na? tanong ng babaeng may pagka chinita kay chloe.
" good morning too,, si arth po,, hindi pa po dumarating," oo nga pala hindi yun nalalate si mr. murphy wika niya sa sarili."
" ahh okay,, i'll wait here," at pumasok na ito sa opisina ni arth.." ilang oras na din ang paghihintay nito." kinatok ni chloe ang pinto ng opisina ni arth, matapos na may tumawag sa kanya.
" um,, excuse po, ms. pinapasabi po pala ni Mr. Murphy naka leave pa siya right now."
" gosh!!! why didn't you tell me right away!!? galit na sabi nito." "
" sorry po, ngayon ko lang din po nalaman, paliwanag ni chloe na nagtitimpi lang sa inis.
" sooo!!, pasigaw nitong sabi," i need to talk arth, call him! utos nito sa kanya, " call him !! nanlilisik ang mga mata nitong sabi habang nagagalit sa kanya. ngunit hindi rin naman niya ginagawang tawagan si arth para dito.
" oh my gosh!!! what are waiting for!? why don't you call him now??!"
" ahh, sandali lang po," tawagin ko lang po ang secretary." sabi nitong pinakakalma ang sarili sa babaeng kanina pa nagwawala at nagsisigaw sa harap niya.
" wait!!!! habol nito sa kanya." what do you mean secretary? you're not a secretary ??"
" no ? i'm not, sabi nito."
" you're stupid! you're not a secretary? you're starring!! where is the real secretary??
mga salitang narinig ni chloe na kanina pang nagtitimpi sa babaeng kung makapag wala akala mo maagawan ng kendi.
teka nga lang, kanina ka pa," tawagin ba naman akong stupid! nakapag init ka ng kalamnan.
" I am not the secretary, but he told me. he won't come in now, paliwanag na naman ni chloe, "and don't call me stupid, I'm not like you, "who thought you'd run out of candy?, so.... get out of this office before I start a fire on you!
"matapang nitong sabi sa babae, magsasalita pa sana ito ng mamewang na si chloe." tinungo na lamang nito ang pinto at sabay na binalibag ang pinto palabas."
" oh, arth. wala pa si chloe, iyong mga bata naman nasa school pa. bungad ng isang matanda lalaki si Mr. Butler.
" kayo ho ang sadya ko Mr. Butler. pagkumpirma naman ni arth.
Gustong liwanagin ni Arth ang side niya sa mga mgulang ni Chloe, ang dahilan kung bakit siya nasa bahay ng mga Butler ngayon.
Matagal na nitong pinahanap si Chloe, at alam na nalaman na iyon ng hindi sinasadya ni Mr. Butler, ngunit hindi lamang nito pinaalam.
Patango tango lamang ang sagot ng matanda sa mga sinasabi ni Arth.
" Huwag niyo po sana mamasamain ang itatanong ko," nag aalngan mang sabi at kinakabahan sa kanyang sasabihin pilit niya paring pinatatatag ang sarili.
" Arth,,,, sambit sa pangalan, ano ang balak mo sa aking anak? sa mga apo ko," balita ko'y naririto ang fiance mo. tanong ni Mr. Butler na nag aalala sa mga anak.
Itinanggi naman ni Arth agad na hindi niya fiance ang babaeng kanina lang ay galit na galit dahil hindi siya nakita nito.
" si Abby po, matagal ko na pong nilinaw ang lahat sa amin 3years from now, wala na pong na mamagitan aa amin. paliwanag sa ama ni Arth.
" noon pa man po ng mahanap ko po si Chloe at nalaman ko pong sa kompanya lang ng daddy ito nagtatrabaho nai klaro ko po ang lahat sa amin ni Abby and she's agree about my disision.
" ang gusto ko lang naman mabuo ko ang gusto kong pamilya," kasama si Chloe at ang dalawang makukulit at sweet na kambal."
" paano ka naman makaka siguro na magiging masaya ang bubuohin mong pamilya, kung wala ang love sa magiging haligi at ikaw ng isang tahanan?"
" Mahal ko po ang anak niyo, simula pa noon at hanggang sa nakilala ko pa ito ng lubusan.
" ahhh,,, ok, huwag mo sa akin sabihin niyan, sabihin mo yan sa taong sinasabi mong gusto mo." sa ngayon mananatili kang labas pasok sa bahay na ito hanggang gusto pa ng anak ko.
Pumayag naman agad si Arth." naipapasyal niya ang mga bata, halos araw araw, at ikinatutuwa palagi ito ng mga bata, Minsan naman naisasama din si Chloe. Sa bawat punta ni Arth.
At dahil na rin sa makukulit ang mga bata, kahit anong tanggi nito, sumasama pa rin para hindi na rin magtampo ang mga bata.
Arth,, pagpasinsiyahan mo na ang mga apo ko, na miss ka lang nila, halos nasabik na rin ang magkaroon ng ama. " okay lang po Mr Butler, " tito nlng itawag Mo sa akin masyado ka namang pormal kung Mr Butler.
CHAPTER 6 -
CHLOE, wala bang magagalit kung sakaling mahalin kita,, tanong ni arth,
"uhh? Sa akin? Takang sagot naman ni chloe,
" ikaw ba, wala bang magiging problema sa mga anak ko ang palagi mong pagpunta rito,,
" napatingin lang si arth. I mean, ayaw ko lang na masaktan ang mga anak ko, wala silang alam tungkol dito arth,.
Buong buhay ko, kahit ang maranasan kong maging dalaga kinalimutan ko, simula ng lumabas sa mundong ito ang kambal,, alam mo bang hinanap kita, lalo na ng panahong gulong gulo ako at hindi alam kung paano ko haharapin ang malaking reponsibelidad, kahit alam ko namang hindi ito naka plano. "hanggang sa makita kita sa mundong ginagalawan mo, doon na ako tumigil magahanap sayo,, kasi alam ko na kung nasaan ka,, alam ko na imposebling maalala mo ako, at itinanim ko na rin sa pagkatao ko na kailan man na sa gabing nangyari ang lahat, there is nothing to do between you and me,."
Sa kahabaan ng gabi, tela ba hindi maubos ubos ang mga sasabihin at itatanong nila sa isa't isa.
But, kahanga hanga ang pamilya mo chloe, ng magkita kami, ni Mr. Butler i mean si " tito " sa hongkong wala man lang akong natanggap sa kanya.
" Anu ibig mong sabihin?...
Alam mo yun? Naunawaan naman agad ni chloe ang ibig sinabi ni arth.
" hindi ganun ang mga magulang ko, "oo" may sama ng loob pero mas marami silang pasinsiya, pag-unawa at pagmamahal.
And I'm so blessed na ako ang naging anak nila..at sila ang naging magulang ko.
Bakit ng makita ako ng mga bata hindi na nagulat? ng maitanong ni arth.
Alam naman ni arth ang sagot pero gusto pa rin nito maka sigurado o" marinig lang ang dahilan.
hindi ko inilihim sa kanila ang mukha ng ama nila, dahil alam ko sa paglaki nila hahanapin ka pa rin nila, at huwag mo sanang masamain apelyedo mo na rin pinagamit ko sa kanila.
" Nagulat sa narinig si arth,"
yes" arth kaya gusto kong malaman sayo kung mag kakaproblema ba kung malaman ng tao na ang kambal ko ay anak ng isang sikat na bussines man, at isa sa may ari ng mall dito sa lugar na ito.
Ang tanong mo sa akin kanina, kung may magagalit ba, " hindi sa pagyayabang, maraming nagparamdam pero hanggang dun lang sila, "
may isang naglakas loob nag tiyaga tumagal din a year, sumuko din tumagal, at ang masakit minahal ito ng kambal, kaya lang hindi tinanggap ng......