Bumalik lamang ako sa reyalidad nang unti-unting bumagal ang takbo ng kanyang motorsiklo. Tumigil 'to sa isang cafe malapit sa bahay namin. "Can we eat outside the village?" "Hmm," he looked at me with his questioning look. "Don't you want here? Akala ko ba mahilig ka sa ganito." Kumabog nang malakas ang puso ko dahil sa sinabi niya. Damn! He knew that I'm into cafe. Ito ang paborito kong cafe lalo na kapag nag-aaral ako. This cafe became my comfort place. Maganda at relaxing ang ambiance kaya gustong-gusto ko ritong mag-aral. "Not really," I answered. He played his tongue, and nodded. Muli niyang pinaandar ang sasakyan, ngunit hindi na muling ibinalik ang baba sa aking balikat. Put it back, Chaos! "Saan mo gusto? May malapit na fast food diyan sa kabilang kanto, Doon na lang ba?"

